Witnessed

1.7K 58 0
                                    

Kinusot ko ang aking mata. Napabalikwas ako ng malaman kong nakahiga ako sa sahig. Napahinga naman ako ng maluwag nang mapagtanto kong nasa unit pala ako.

Akala ko nabihag na ako ng mga kalaban.

Umupo ako para sumandal sa pinto. Naalala ko na kung ano ang nangyari kung bakit ako nandito sa sahig natulog. It's because of the drug that was injected to me.

Napatingin ako sa wristwatch ko and I cussed under my breath when I saw what time is it.

10 pm.

Mabilis akong napatayo at naglakad papunta sa aking kwarto.

Binuksan ko ang maleta na naglalaman ng mga bagong damit ko. Kinuha ko ang isang highwaisted na black stretchable jeans at isang black crop top. Dali-daling sinuot ko iyon. Sinuot ko din ang isang black below the knee boots.

Naglakad ako sa harap ng salamin na nasa pinto ng cabinet, then I look at my reflection.

"Badass" Bulong ko sa aking sarili bago tuluyang nilisan ang condo unit ko.

Agad kong pinaharurot ang kotse pagkasakay ko at binaybay ang daan papuntang Gangster's Sodality Arena.

"It's good to see you again, Zero." Bati ng isang lalaki pagkarating ko sa GSA (Gangster's Sodality Arena). I remember him. Siya yung sumalubong sa akin at nagtanong kung lalaban ba ako noong una ko palang dito.

"Where is he? Bring me to him." Aniko ko, sa halip na batiin siya.

He laughed slightly that made my eyebrows meet.

"You are really different. Alam mo, ikaw palang ang kauna-unahang gangster na hindi natatakot makipagkita sa kanya. I like you." He said shooking his head.

"The feeling is not mutual, dude." Deretsahan kong sabi.

Nawala naman ang mga ngiti niya bigla. "Tomboy?" Nakataas pa ang dalawang kilay niya sa akin.

"Don't have time chatting nonsense with you." Malamig kong sabi. "Now, show me the way."

"Sayang ang ganda kung tibo naman siya." I heard him whispered.

I gave him death glares. "What did you say?" Mariin kong tanong.

Napailing-iling siya. "Nothing. I said, follow me." Nagsimula siyang maglakad papunta sa isang Black BMW na nakaparada sa tabi ng kotse ko.

Tss.

Sumunod ako sa kanya pero hindi ako sumakay sa kanyang kotse kundi sa akin. Nasa highway na kami at nasa likod lang niya ako. Umabot lang ng dalawampung minuto ang pagmamaneho namin at nakita kong huminto siya sa isang napakalaking pulang bakal na gate. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong matataas ang pader niyon at may alambre pa sa taas na nakarolyo.

Bumukas ang gate at lumabas ang isang lalaking nakasuot ng abong bonnet at lumapit sa driver's seat. Nakababa ang bintana at mukhang nag-uusap sila ng lalaking iyon. Lumingon sa gawi ng kotse ko ang lalaki at bahagyang tumango. Bumalik ito sa loob at lumaki ang pagkabukas ng gate. Pumasok doon ang BMW kaya sumunod ako.

Pagkalabas ko ng kotse ay napatingin ako sa paligid. Isang building. Isang palapag lang ito pero malaki at mahaba. Nagmumukha pa itong bodega dahil wala itong pintora. Marami din akong nakikitang mga armadong lalaki na nasa paligid lang at nagroronda.

Sumenyas ang lalaking sumunod sa kanya kaya sumunod ako. Pumasok kami sa malaking entrance ng building. Bahagayang napayuko pa sa kanya ang lahat ng armadong lalaking madadaanan namin at tumingin sa akin. Taas noo lang akong naglakad.

Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now