Face off

1.6K 71 0
                                    

Naramdaman ko ang kaunting pakirot ng aking likod kaya unti-unti kong binuka ang aking mga mata. Naramdaman ko nanaman ang pagbigat ng ulo ko at doon ko napagtantong nakatiwarik pala ako. Damn. Wala narin ang coat na suot ko.


Agad akong nasilaw sa ilaw na nakatutok sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa madilim na paligid. Huminto ang paningin ko sa aking harapan.

Fuck!

Kahit pabaligtad ang paningin ko, sigurado akong si Paul, Zen and Conn ang mga nasa harap ko at nakaupo sa tig-iisang silya, sa tulong narin ng ilaw sa taas nila kaya naaninag ko sila. Nakatali ang kamay nila sa likod ng silya at may busal na panyo sa kanilang mga bibig.


"Fuck! Who ever the fuck you are! Show me your fuckin self!" Wala parin akong naramdamang kakaiba sa paligid. "I said, show me your fuckin self! Don't be too coward at harapin mo ako!!!" Sigaw ko.

Napalingon ako sa tabi ko nang may narinig akong mga magaang mga hakbang. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa deriksyong iyon.


"I'm not coward. Gusto ko lang nakikita kang parang sasabog." I heard a voice from there.


Ang baba lang ng suot nitong mahabang coat na katulad nang sa akin ang naaninag ko.


"Show me who the fuck are you!" Aniko sa nagtitimping boses.


"Talaga bang... Handa ka na sa mga malalaman mo?"


Tiningnan ko ang deriksyon niya gamit ang mga nanlilisik kong mga mata. "Just fucking show me who the fuckin hell you are!"


Gusto ko lang malaman kung sino ang kalaban ko ngayon at dinamay pa si Paul, Zen at Conn. May iba din akong naramdaman sa mga oras na ito. Pakiramdam ko... malalaman ko na ang mga sagot sa lahat ng katanungan ko. At sa tingin ko, malalaman ko din ngayon kung bakit at paano nangyaring napawalang-sala ako at sino ang nasa likod nito. Bakit niya ako tinutulungan?


Narinig ko ulit ang paghakbang niya at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.


"I-I-Ikaw?" I don't know what happened to my voice right now.

"Yes... Dawn. Suprise?" Saka ito tumawa na parang natutuwa siya sa pagkagulat ko.


"Supremo..." I whispered that made him stop.


Suot niya ulit ang hood. Hindi ko pa nakita ang mukha sa likod niyon pero bakit pakiramdam ko kilala ko ang taong iyon.


"Why is it that I have this feeling that you wanted to see my face. Am I right, Dawn?" Hindi ako nagsalita dahil wala akong mahanap na salita.


Nanatili lang akong nakatitig sa kanya lalo nang unti-unti niyang itaas ang hood niya.


Nanigas ako nang tuluyan na niya itong matanggal.


Bakit? Bakit hindi ko napansin noon pa? Bakit... Paano nangyari ito?

"Tanga ka ba o tanga ka lang talaga para hindi mo napansin ito." Saka siya pumunta sa harap ko. "Ang laki mong tanga." Madiin ang bawat salitang binitiwan niya.


Napapikit naman ako. "Lolo..."


Napaikot ako sa pagkakabitin ko ngayon ng sampalin niya ako ng pagkalakas-lakas. Ramdam ko ang paghapdi ng aking pisngi dahil sa ginawa niya.


"Wala. akong. apo. na. katulad. mo!" Napaikot ulit ako nang sampalin na naman niya ang kabilang pisngi ko.



Napapikit nalang ako sa halo-halong naramdaman kong sakit. Ang pagkirot ng likod ko gawa ng pagkapalo ng bakal kanina, ang pagbigat at pagsakit ng ulo ko dahil sa kanina ko pang pagkakatiwarik at ang magkabilang pisngi ko. Isama pa ang sakit ng damdamin ko.


Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now