Utang na loob

1.6K 55 0
                                    

"Hindi ka ba muna magpapahinga, Dawn?"

"Hindi na Paul. May kailangan akong gagawin ngayon at hinding-hindi ko kayang magkapagpahinga kung hindi ko iyon matatapos."

Alam kong maging sila ay naguguluhan din kung bakit ako napawalang-sala. Alam nila kung ano at sino talaga ako kaya maging sila ay mga mga katanungan din sa kanilang isipan. Siguro sumasagi din sa isipan nilang si Supremo ang may gawa lahat ng ito pero ramdam kong hindi. Hindi niya ugaling tumulong sa isang assassin na hawak na ng mga pulis. Kahit sabihin pa nating medyo malapit kaming dalawa ay sigurado akong hindi niya gagawin iyon. At kung sino ang lalaking iyon ang dapat kong alamin.

"Mag-ingat ka." Kumaway pa sila sa akin.

Pinaharurot ko si Eleanor. Nakabihis na ako ng usual na damit ko. Isang black stretchable jeans kung saan naka-tuck in ang black sando. Pinatungan ko iyan ng coat na sumayad pa sa sahig.

Wala akong siguradong destinasyon. Dumaan ako sa lahat ng daan at eskinitang nakikita ko, pero wala parin akong nakuha.

Fuck!

Napahinto ako bigla sa pagmamaneho ng may nakaharang sa eskinita. Limang lalaki iyon na nag-iinuman sa gitna.

Pinagmamasdan ko ang mga ito. May malalaki silang katawan at tiyan. Ang tatlo ay walang suot na pang-itaas habang ang dalawa naman ay nakasampay ang damit sa balikat. Sa mesa nila ay may tatlong botelya ng Emperador light.

"Uy! May bebot pare o." Napalingon ang mga kasamahan nito sa akin.

"Ako ang hinahanap niyan. Pustahan pa tayo." Saka humalakhak ang isa.

"Hindi pare! Ako ang hinahanap niyan. Tingnan niyo." Tumayo ito at pasuray-suray na lumapit sa akin.

Bumaba ako sa kay Eleanor at pumunta sa harap nito. Huminto naman ang lalaking mukhang adik at nilingon ang mga kasamahan nito na parang sinabi niya ng 'See?'. Nakangisi itong pumunta sa harap ko at kitang-kita pa ang mga tartar sa kanyang kulay gintong ngipin. Napansin ko din ang mga hikaw sa kanyang magkabilang tainga.

"Miss, ako ba ang hinahanap mo?" Walang emosyon kong tiningnan siya sa mata niyang namumula. "Ang ganda mo naman miss. Wag kang mag-alala at sisiguraduhin kong masasarapan ka sa gagawin natin." Bumaba ang kanyang tingim at akmang hahawakan niya ang dibdib ko ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak ng kanyang pulsuhan.

Nanlaki ang mata niyang unti-unting tumaas hanggang sa mag-abot ang aming paningin.

Dahan-dahan kong pinilipit iyon kaya nasira ang kanyang mukha dahil sa pamilipit. Then I hardly punch his stomach using my other hand. Napaatras siya at muntik pang matumba dahil sa pagkaka-out balance pero nasalo iyon sa magkabilang kamay ng mga kasamahan nito.


"Anong nangyari?"

"Grabe! Ang lakas niya." Hindi makapaniwalang bulalas nito.

May isang kasamahan nito na lumitaw sa kanilang harapan. "Hindi uubra sa akin ang babaeng iyan." Matalim ako nitong tiningnan at pinatunog pa ang magkabilang daliri nito habang dahan-dahang palapit sa akin.


"Miss, tandaan mo na kung matatalo kita ngayon. Wala ka ng kawala. Magdamag tayong magpakasasa sa katre kong bagong bili." Tumatawa ang mga ito dahil sa mayabang na mukhang unggoy.

Fuck! Ang lakas naman ng loob niyang maglagay ng mustache. Tss. I bet he has no mirror in their house, eh?


Sinalubong ko ang paglapit niya sa akin. Tumakbo ako at tumalon. Inapakan ng kaliwang paa ko ang tiyan niya at mabilis na sinipa ang kanyang mukha gamit ang kanan. Nagtumbling ako at pagkalapag ng dalawang paa ko sa lapag ay siya ring pagbagsak ng walang malay niyang katawan sa sahig.

Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now