The Virtue

1.8K 68 2
                                    

"What's this lolo?" I asked when he suddenly handed me a bond paper.

I saw him smiled.

It was already three months had passed and lolo is now with his original face again. Masaya na ang lahat. Masaya narin ako pero pakiramdam ko ay may kulang.

"Why don't you look it for yourself."

Tiningnan ko ang mga nakasulat doon pero napakunot lang ako ng noo dahil wala akong naintindihan. Agad naman akong napatingin sa kanya ng may naalala ako.

"This is the paper where Ichi and I had an agreement. It is written here that If he can't go home at exactly after 15th day of next month, he will bring me to England." Umiling-iling naman si lolo. "Hindi? Ee ano palang nakasulat dito?"

"Ichi tried to decieve you. He wanted to get all your heirs. It is written here that you, Rei Takeda, wholeheartedly gave the Takeda Group of Company, Billions of Dollars in the Bank, thousand hectares of land, the five mansion, jewelries, and the 10 Branches of your Mother's Famous Clothing line in the States to your brother, Ichi Takeda." Napayuko naman ako.


Ako nga pala ang tagapagmana sa Takeda Group of Company at ang dalawa pang kompanya. Ipinamana kasi iyon kay Daddy dahil siya ang anak na lalaki nito. But sadly he died and sa akin napunta ang mga mana niya at kayamanan ni Mommy. Si Auntie Monica naman na nag-iisang kapatid ni Dad ay isang artista, model at former Miss Universe kaya pinatayuan siya ni lolo ng TV station, Modeling Agency at Mall at pinamana sa kanya. Pare-pareho naman ang mga itong matagumpay.

Hindi ko alam na lolokohin pala ako ng kinikilala kong kapatid na mahal na mahal ko para lang makuha ang lahat ng aking mana.

"But he didn't win, of course. We are the Takeda."

Napangiti nalang ako nang makita ko ang napakagandang ngiti ni lolo.

"We're here now, petal."

Binuksan ng dalawang bodyguards ni lolo ang magkabilang pinto ng driver's seat. Lumabas ako at umikot para ikawit ang aking braso sa kay lolo.

Nakaharap kami ngayon sa harap ng isang puting fountain. Walang tigil ang pag-agos ng tubig nito at sa taas nito ay isang statue ni Mommy and Daddy. Magkaharap sila at magkahawak ang kamay habang nakatitig sa isa't isa. Sa gilid ng malaking pabilog na fountain ay isang sementadong daan na kasya ang isang kotse. Sa gilid ng daan ay nakahilera ang mga puting rosas at sa gilid naman ng mga rosas ay ang malawak na bermuda grass na may mga nakatayong kubo.

Nagsimula na ulit kaming maglakad ni lolo. Nakalagpas na kami sa fountain at ang nasa harap na naman namin ngayon ay isang mahaba at malaking dalawang palapag na kulay puting bahay.

Nagkatinginan kami ni lolo. "Are you ready, petal?" I smiled at him and nodded.

Napatingin siya sa suot kong isang puting long-sleeved dress na above the knee at white crystalstone solid flock pumps na sandal. "My Grand daughter is really gorgeous."

"Mana sa inyo." Saka sabay kaming tumawa.

Nasa harap na kami ng isang napakalaking puting wooden double-door. Humarap ulit siya sa akin at may nilabas mula sa loob ng kanyang coat.

Isang pulgadang jewelry box iyon. Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang isang set ng pure diamonds.
"I am so proud of you Petal, so here's my gift for you. Wear these."

Wala akong suot na mga alahas. Sinuot ko ang hikaw, kwentas, bracelet at ang singsing. Tuwang-tuwa ko namang pinagmasdan ang sarili ko mula sa reflection ko sa screen ng aking cellphone.

Chasing ChicagoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora