Forced

1.3K 58 4
                                    

DAWN'S P.O.V

"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang isang may mala-anghel na mukha na kagaya niya ay marami ng napatay."

"Dapat ngayon maniwala ka na Officer. Nasa harap mo na ang katibayan o."

"Oo nga! Hoy! Tigilan mo na ang kakatitig sa kanya at baka mainlab ka pa! Nakuuuu! Mahirap na at baka itakas mo pa."

"Ito talagang si Officer Guzman, parang hindi ako kilala. Tapat ako sa tungkulin ko bilang pulis noh. Loko to."

"Hahahahaha..."

Kanina pa ako nagising pero hindi ko binuka ang aking mga mata. Nakiramdam lang ako at nakinig sa paligid.

Fuck! Dead-end ko na ba to? Siguro hanggang dito nalang talaga. Kung hindi ako makukulong habang-buhay, bibitayin naman ako. Pero sa kaso ko, mukhang bibitayin ako lalo na't mga may katungkulan at malalaking tao sa lipunan ang mga napatay ko.

I'm sure na hindi ako tutulungan ni Supremo. Alam niyang hindi ako magsasalita tungkol sa organisasyon namin. Bago ako tuluyang naging assassin, hawak na nila kaming lahat sa leeg. Nakalista na ang pamilyang meron kami at kunting mali lang na gagawin namin lalo na't ikakapahamak na Supreme ay mauubos na agad ang pamilya namin. Kahit ito pa ay foster, biological o matagal ng itinakwil katulad ng sa akin. Ako lang ang pumasok sa rito kaya hindi makatarungang idamay ko sila kahit na hindi maganda ang pagtrato nila sa akin maliban kay Conn. It talks about lives here. Okay na sa aking ako ang mamamatay. Total naman marami na din akong napatay at kailangan ko ng pagbayaran iyon.

At tungkol naman sa taong pumatay kay kuya Ichi. Swerte siya kung mamamatay ako dahil kung hindi tutugisin ko siya kahit saang sulok ng mundo pa siya magtago. Dahil sa kanya nawala lahat ng sa akin.

Narinig kong bumukas ang pinto at may mga yabag na papunta sa gilid ng hospital bed ko kung saan ako nakahiga at nagpapanggap na tulog.

"Captain Braza, nakausap ko na po si Chairman Takeda." May kung anong sumikbo sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ng lalaking iyon.

"What did he say?" Tanong ng isang lalaking sa tingin ko ay Captain Braza na binanggit n'ung isa.

"Sabi niya ay itinakwil niya daw si Rei Takeda, ilang taon na din ang nakararaan, matapos nitong patayin ang kapatid nito. Masaya po siya na nadakip daw ito at sa wakas ay mabibigyan na ng hustesya ang pagkamatay ng Apo niya. Magsasampa din po daw siya ng kaso kay Ms. Takeda."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong magwala pero hindi ko magawa dahil sa wala akong lakas.

Malaki na talaga ang pinagbago ni lolo.

Binuka ko ang mata ko. Nakatitig lang ako sa puting kisame ng hospital room. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatitig sa akin ang dalawang pulis.

"Tawagin mo ang Doctor, Officer." Umalis naman agad ang isang pulis.

Ramdam kong hindi inalis ng lalaking sa tingin ko ay Captain Braza ang pagkakatitig sa akin. Naalala ko siya, siya iyong pulis na nakita kong matangkad, maputi at may katawan na halatang alaga sa gym. Sa tindig niya at pananamit, halatang may kaya ito sa buhay.

Nanatili lang siyang ganon at hindi nagsasalita hanggang sa dumating na ang Doctor. Hindi din naman ako gumalaw sa posisyon ko.

"She didn't move since she opened her eyes until now. Nanatili lang po siyang nakatitig sa kisame at paminsan-minsang kumurap." I heard Captain Braza said.

"Well, base from the test, her condition is not severe. Hindi malalim ang tama ng bala, kaya after two to three days, she will be discharge." Nagpaalam na ang Doctor at umalis ng kwarto.

"Ms. Rei, Did you hear it? After two to three days, you will be discharge. Ililipat ka na sa Muntinlupa."

Napapikit nalang ako sa nalaman.

Mabilis lang lumipas ang araw kaya malapit na malapit na. Hindi na iyon magtatagal.

"Alam mo, Ms. Rei. Maaring mapapatawan ka ng mabigat na sinstensya dahil sa kaso mo. Who knows, baka panghabang-buhay na pagkakakulong o di kaya ay ang bitay. Pero maaring mababaan iyon kapag makikipagtulungan ka lang sa amin."

A smirk slowly formed in my lips. "Jail me for the rest of my life or kill me by hanging, I won't say anything. Torture me if you all want, I won't change my mind." Makahulugan kong wika.

"Kung ano man ang magiging kababagsakan mo, it's your choice." Makahulugang aniya.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko lang napagtanto na kami lang pala sa loob ng private room na ito.

"Bukas, iba na ang hahawak sayo. Ang CIDG na. Sila narin ang bahalang magtatanong sa iyo at madedesisyon para sayo." Hindi ako nagsasalita at binalik ang tingim sa kesami.

Narinig ko siyang malakas na nagbuntong-hininga at tumalikod. "Siya nga pala, may tatlong dadalaw sana sa iyo dito kanina. Dalawang lalaki at isang babae. Matalik na kaibigan mo daw ang babae, pinsan mo naman daw ang isang lalaki at ang isa naman ay pinapaaral mo. Pero hindi sila nakapasok dahil ipinagbabawal ng mga mas nakakatataas." After he said that, he left.

Naikuyom ko naman ang kamao ko.

I close my eyes and a tears fell from it.

Napakalupit talaga ng tadhana sa akin. Sinumpa yata ako kaya nagiging ganito ang kapalaran ko.


➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡

A/N: Naiiyak ako dahil naawa ako sa kanya.

-rienLavander




Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now