Breakout

1.5K 63 0
                                    

REI'S P.O.V

Magdamag akong hindi nakatulog. Kinatatakutan kong dumating ang araw ng paglipat ko sa Muntinlupa at ngayon na nga ang araw na iyon.

"Hayyyyyy." Isang napakalalim na buntong-hininga ko.

Wala man lang kahit isang maliit na bintana ang kwarto ko. Gusto ko sanang tumingin ngayon sa labas, dahil alam ko na hindi magtatagal... I can't get to see the outside world ever again.

Hindi ko alam... Hindi ko inaasahan na ang araw na ito ay darating. Kung alam ko lang sana pinaghandaan ko na. Masyado akong naging kampante na hinding-hindi ako mahuhuli. Pero okay nalang din ito. Mababayaran ko ang mga kasalanang nagawa ko.

I heard the door opened. Alam kong ang mga CIDG na naman iyon at pipilitin ulit akong pagsalitain. Gusto nilang malaman kung sinong tao at kung anong organisasyon ang nasa likod ko. Pero kahit anong pilit at kahit pa pahirapan ako, wala silang mapapala sa akin.

"I told you already that I won't say anything. You guys are wasting again your time in here." Wala akong narinig na mga sagot kaya dahan-dahan kong nilingon ang pinto. Pero agad akong nag-iwas ng tingin. "What are you doing here?"

"Why? Is it not good to visit you?" Nang-uuyam na pahayag niya. Nagsimula na siyang maglakad sa tabi ng hospital bed ko. "You're lucky."

Napakunot ako ng noo nang nilingon ko siya. "What did you say?"

"Tss. Are you deaf or you're really a deaf? I said you're lucky." There's a hint of annoyance in his voice and the hell I care.

"How I'm going to be lucky when I was here in this fucking bed, lying, and later I will be transfer in the Muntinlupa and I'm not sure if I will be jailed for a lifetime or kill by hanging."

"You're lucky, because you will not be transferred in the Muntinlupa. You're acquited by your case and I don't know how the hell it happened." Halatang nagpipigil lang siya ng galit dahil sa paglabas ng litid sa kanyang leeg.

"Don't ask me. Ask your superior instead." Balewala kong wika pero nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Acquited? Hindi ako makukulong at makalalabas na ako?

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Fuck! I was saved! Damn!

"Alam kong may kakaibang nangyari. We have an evidences pero binalewala iyon ng korte at mga mas nakatataas." Napakuyom pa ito ng kamao. "Tandaan mo, Ms. Takeda. May araw ka rin."

Nagsimula na siyang umalis pero bago pa siya tuluyang makalabas ay nagsalita ako. Sapat na para marinig niya.

"Hihintayin ko ang araw na iyon, Captain Braza."

Nag-aapoy ang mga mata niya nang lumingon siya sa akin.

I smirked at him at nagsaludo.

Napalingon nanaman ako sa pinto nang bumukas ulit iyon. This time, ang CIDG na.

"Ms. Takeda, makakalabas ka ng hospital, pero hindi ka dapat na makampante. Nagsampa ng kaso si Chairman Takeda laban sayo. Idadaan iyon sa korte kaya hintayin mo nalang kung kailan ka iimbetahan doon."

Akmang aalis na siya pero napahinto siya nang magsalita ako bigla.

"What happened to other case? Bakit hindi matuloy ang paglipat ko sa Muntinlupa?" Nagtatakang tanong ko.

"We received a document. It is written there the information about the real Dawn. The most wanted assassin. Nakasulat din sa dokumentong iyon lahat ng naging misyon niya. May binigay din sa amin na tip kung saan siya matatagpuan kaya pinuntahan namin ang lugar na iyon at napatunayan nga namin na siya si Dawn. May pareho kayong kwentas kaya siguro napagkamalang ikaw ay siya, nang makita ka sa isang bar at suot ang iyong kwentas. May tattoo siya sa kanyang likod na 'Dawn'." Naguguluhan ako.

Chasing ChicagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon