Last Chapter

3.2K 98 9
                                    

I was enjoying myself looking at the million stars when the images of someone whom I loved so much suddenly came out from my mind.

Mom... Dad...

Kamusta na po kayo? Ako po, okay na ako dito. Bumalik na po ako sa dati at hinding-hindi na po ako babalik sa pagiging assassin. Masaya na po dahil kasama ko na po ulit si lolo na mahal na mahal ako. Maganda nadin po ang trato ni Auntie Monica sa akin at humingi po siya ng tawad pero pintapatawad ko naman po siya noon pa, dahil alam ko naman po kung gaano niya ako tinuring na parang anak noon. I have friends nadin and they are one hell of a true friends to me. Mom, Dad? Did you see the successfulness of the orphanage? I'm sure masayang-masay po kayo diyan dahil sa kanila at huwag po kayong mag-alala at ipagpatuloy ko pa ito para sa inyo. Sana nandito pa po kayo. I miss you so damn much guys and I'll always here remembering and loving you till my last breath.

Patuloy ang paglandas ng luha ko habang nakayuko ang aking ulo.

"Panyo?" Someone with a male voice suddenly said and handed me his handkerchief.

Nakita ko ang puting panyo na inilahad niya. Nasa harapan ko siya kaya kita ko ang suot niyang itim na sapatos at itim na pang-ibaba. Unti-unting tumaas ang paningin ko hanggang sa nakatingala na ako sa kanya.

Agad na bumilis ang tibok ng aking puso.

It was Yuan and he is wearing a white long-sleeves and an ocean blue coat. His hair is dyed into black.

Ngumiti siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Nilagay niya doon ang panyo.

Nakatunganga lang ako sa kanya. Sa lakas ng tibok ng puso ko nag-malfunction ang buong sistema ko.

Don't be so stupid! This guy hurt you Rei.

Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko ang sigaw ng isip ko.

I composed myself before I gave him back the handkerchief. I bow my head and wipe my tears using my palm, before I look him back. "Thanks, but I don't need it anyway." I calmly said.

Tumayo na ako at handa na sanang umalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam kong bakit may nagbabadya nanamang luha sa aking mga mata.

Nababaliw na yata ako.

"Sorry..." Napapikit ako kasabay ng pag-agos ng luha ko.

Parang kinurot at piniga ang puso ko dahil sa isang salitang binitiwan niya.

Sorry for what? Sorry because he hurt me? or Sorry because he really didn't love me? Anong ibig sabihin ng sorry niya?

"Rei, I'm so sorry... I'm so sorry..." His voice is cracked kaya nahihimigan kong umiyak siya.

Para naman lalong piniga ang puso ko. Napakabigat ng aking dibdib. My heart wanted to face him and hug him but my mind said no, and let him cry and feel the sorrow I felt before.

Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kanang kamay ko hanggang sa tuluyan na itong bumitaw. Hindi na nakayanan ng sarili kong harapin siya and my tears outflow upon seeing him. Nakaluhod siya ngayon sa harap ko. Nakatingin sa baba habang patuloy sa paglandas ang kanyang mga luha.

What should I do? Dapat nga masaya ako na nakita ko siyang nasasaktan at humingi ng tawad sa akin, diba? But why am I feeling hurt for him? Nasasaktan akong makita siyang nakaluhod para lang patawarin ko.

"Rei... I'm so sorry. I'm wrong. I took a revenge for you by hurting you emotionally, pero nagkamali ako. Huli na ng malaman kong hindi pala ikaw. God knows Rei, kung ilang beses akong nagdalawang isip na ituloy ang paghigante ko. Patawarin mo ako... Patawarin mo ako..." Napaiwas naman ako ng tingin at pinahid ang luha ko. " Handa akong lumuhod hangang bukas para lang mapatawad mo ako. I'm willing to do everything, Rei. Handa akong pagsilbihan ka sa buong buhay ko kung kapalit niyon ang kapatawaran mo. Kung mapatawad mo naman ako kapag hindi mo na ako makikita, edi magpakalayo-layo ako at sisiguraduhin kong hinding-hindi na ako makikipagkita sayo." His voice and eyes is full of sincerity.

Chasing ChicagoWhere stories live. Discover now