Lycan II: Ang Pagtitipon

4.1K 184 4
                                    

Lycan II: Ang Pagtitipon

PASADO alas kuwatro na ng hapon nang makarating sina Lucien, Derex at Lexy sa palasyo ng hari, tamang-tama, at pasimula pa lamang ang okasyon. Agad naman silang inasikaso ng mga tauhan ng hari at ginayak patungo sa lugar kung saan gaganapin ang pagtitipon.

Dinala sila ng mga ito sa isang malaki at malawak na silid, kung saan, ay maraming lamesa ang nakaayos habang nakapalibot sa isang malaking bakanteng espasyo na makikita sa gitna ng nasabing silid. Makikita roon ang ilang mga bisita na eleganteng nagsasayaw.

Sa pinaka dulo naman ng silid, bandang gitna, ay isang hagdan na mayroong nakasapin na kulay asul na karpet ang makikita. Konektado iyon sa isang balkonahe sa itaas, at mula doon ay makikita ang isang pinto, kung saan ay inaasahang manggagaling si Haring Calix.

Maliban sa kulay asul na karpet ay puro ginto at pilak na kulay na ang makikita sa buong paligid.

Hindi na nagulat si Lucien nang makita niyang hindi lang siya at si Derex ang mga Alpha at dominanteng Lycan ang dumalo sa pagtitipon na iyon. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit siya naging mapilit na sumama. Alam niyang kukunin din itong pagkakataon ng mga unmated na Alpha at dominanteng Lycan upang makahanap ng kanilang magiging mate.

At sa malamang, ay maraming magtatangkang lumapit sa kaniyang kakambal.

"Hindi ko inaasahang ganito karami ang mga dominanteng Lycan ang makikita ko rito. " ang saad ng kaibigan niyang si Derex.

Maging ito ay naging alisto at nagsimula nang magpakawala ng kaunting pheromones nito bilang pagbabanta.

Halos matuod naman sa takot si Lexy dahil sa mga halo-halong pheromones na nagkalat sa buong paligid. Napakapit na lang siya nang mahigit sa mga braso ni Lucien habang pilit na kinakalma ang sarili. Mabuti na lang talaga at sumama ang mga ito sa kaniya, dahil kung hindi ay baka kanina pa siya naghanap ng matataguan dahil sa dami ng mga dominante na dumalo.

Napabuntong hininga naman si Derex habang nakatingin sa noo'y nanginginig na si Lexy.

"Mabuti pa't humanap na tayo ng ating mauupuan." ang saad ni Derex sabay akbay kay Lexy at bulong sa tenga nito.

"Huwag kang mag-alala. Walang magtatangkang lumapit sa'yo habang narito kaming dalawa ni Lucien."

Napatingin naman si Derex kay Lucien na kasalukuyan namang abalang-abala sa pagbibigay ng matalim na tingin sa mga dominanteng nagtatakang sumulyap kay Lexy. Malalim siyang napabuntong hininga at napailing.

Sana lang at hindi ito gawin ni Lucien sa presyensya ni Haring Calix.

Naghanap na ang tatlo ng kanilang mapupwestuhan. Agad namang nakakita ng puwesto si Lucien at sinadya niya talagang humanap ng puwestong nasa bandang sulok at malayo sa balkonahe upang mas lalong lumiit ang tyansang makita ni Haring Calix ang kambal niya.

Gayun pa man, ay marami pa ring mga mata ang naliligaw sa kanilang direksyon, sa kabila ng pheromones na pinapakawalan niya upang mapagtakpan ang pheromones ng kaniyang kakambal.

Hindi naman niya masisi ang mga ito, dahil kahit hinaluan na niya ng kaniyang sariling balahibo ang mahabang damit na suot ng kaniyang kapatid, na gawa sa matingkad at maputi nitong balahibo, ay hindi pa rin niyon nagawang maitago ang kagandahan ng malambot, matingkad at maputing-maputi na balahibo ng kaniyang kambal-na kahit ang ibang mga omega roon ay hindi maiwasang magbigay ng mga tingin na may halong inggit.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now