Lycan VIII: Ang Pag-alis

4.8K 223 36
                                    

Lycan VIII: Ang Pag-alis

HINDI mapigilan ni Lucien na makaramdam nang matinding galit habang pinagmamasdan niya sa isang salamin na nasa loob ng kaniyang kuwarto, ang iniwang marka ni Calix sa kaniya. Ang hayup na iyon! Anong karapatan nitong markhan siya ng walang pahintulot?! Pinaglalaruan lang ba nito silang dalawa ng kaniyang kakambal? Maging ang lobo niyang si Icien ay hindi mapakali dahil sa markang nasa katawan nila.

'Kung hindi lang talaga niya hawak si Lexy, ay hindi ito mangyayari! Ang kapal naman ng mukha niyang paglaruan lang tayo!' ang nagngangalit na sigaw ni Icien sa kanilang isipan.

'Huwag kang mag-alala Icien, makakaganti rin tayo. Maghintay lang siya at makikita niyang mali siya ng binangga.'

'Dapat lang Lucien. Dahil hinding-hindi ako matatahimik hangga't hindi nabubura ang markang 'to!'

Subalit, gustuhin man ni Lucien na suguring at harapin ang binatang hari nang magkaalaman na sila ay hindi niya magawa. Dahil bukod sa nanghihina pa siya dulot nang patuloy na paglaban ng katawan niya sa markang iniwan ng hari-ay hindi niya maatim na lumabas at magpakita sa iba na may dala-dalang marka sa kaniyang balikat. Isang malaking kahihiyan iyon para sa tulad niyang respetado at kinakatakutan na dominanteng Alpha!

Isa pa, liban pa roon, ay ang katotohanang hawak-hawak pa nito sa mga kamay nito ang kaligtasan ni Lexy. Kinakailangan niya munang masigurado ang kaligtasan ng kaniyang kakambal bago niya tuluyang harapin ang hari.

Biglang nahawi ang makapal na balabal na gawa sa balahibo at balat ng Tygros—Isang uri ng malaking pusa sa mundong ito na may dalawang malalaking pangil, matatalim na mga kuko, purong itim na mga mata at kulay pulang balahibo na may kakaibang puting mahahabang linya na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat isa—Na nagsisilbing panakip sa pinto ng kaniyang silid. Nakakabit ito sa batong pader na bumubuo sa malaking kweba na nagsisilbi nilang pack house.

Pumasok si Derex na may daladalang sariwang laman ng Buros—Isang malaki at mabagsik na hayop na may apat na paa at apat na sungay sa ulo nito, itim ang walang balahibo subalit makapal na balat at may mapupulang mga mata. Mahirap itong mahuli dahil mailap ito kaya suwertihan tuwing nakakahuli sila ng Buros. Pero sulit naman dahil kaya nitong busugin ang labin limang nasa tamang edad na Lycan dahil siksik at sobrang makatas ang laman nito.

" Wala ka pa rin bang balak lumabas ng silid na ito Luc? Namimiss ka na ng mga bata, alam mo namang ikaw lang ang sumeseryoso na magsanay sa mga iyon. Dahil maski ako eh natatakot na 'di sadyang masaktan ang mga bata. " ang bungad nito sa kaniya.

Napahalukipkip naman siya. Saka ito sinamaan ng tingin.

" Paano naman ako lalabas kung mayro'n akong ganito rito, ha? " ang inis niyang sabi sabay turo pa sa markang nasa kaniyang balikat.

" Maaari mo namang takpan iyan. " ang simpleng tugon naman nito na para bang ipinapahiwatig na ano bang problema dun? Na mas lalo naman niyang ikina-inis.

"Ayoko. Hinding-hindi ako lalabas na dala dala ang marka ng hayup na yun! Kapal talaga ng mukha! Siya kaya ang markaha ko nang malaman niya ang pakiramdam! " ang nanggagalaiting paghihimutok niya pa sa kaniyang kaibigan.

Napatingin naman siya sa kaniyang kaibigan nang hindi ito umimik bagkus ay umupo lang ito 'di kalayuan sa kaniya matapos nitong iaabot ang pagkain sa kaniya na nakalagay sa isang dahon. Napansin niyang tila ba ay may bumabagabag at may nais itong tanungin sa kaniya.

Kahapon pa ito ganito pero sa tuwing pipilitin naman niyang magsalita ito ay palagi lang nitong sinasabing 'wala lang.' Ngunit sa pagkakataong ito ay 'di na pup'wede ang ganun.

" Ano ba yang gumugulo sa isipan mo ha, Derex? At kahapon ka pa parang tanga. " ang medyo iritable niyang tanong.

Akmang sasagot palang ito ng 'wala lang' ay may kalakasan niya itong sinuntok sa dibdib dahilan upang mapaubo ito.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now