Lycan XVII: Ang Mga Kakaibang Nilalang

4.7K 213 44
                                    

Lycan XVII: Ang Mga Kakaibang Nilalang.



SA ISANG DAKO ng daigdig ng Mylthir—tahimik at pigil ang hiningang pinagmamasdan ng halos nasa tatlumpung nilalang— ang tatlong malalaking kulay berdeng mga itlog. May taas ang mga ito na mahigit sa walong talampakan at may bigat na dalawang daan at apat na pung kilo ang pinaka malaki. Kasalukuyan silang nasa loob ng kani tagong himpilan, kung saan, ay isinasagawa nila ang mga ekperimento nilang mga nilalang.

Ngayon araw, ilang minuto mula ng mga sandaling ito, ay inaasahan nilang mapipisa na rin sa wakas ang mga ito. Halos limang buwan din nilang hinintay na mapisa ang mga ito at halos sampung taon na rin mula ng tangkain nilang likhain ang mga kakaibang nilalang na mga ito ngunit sa kasamaang palad ay palagi na lang silang pumapalpak.

Sa pagkapisa ng mga ito ngayon, ay saka lamang nila malalaman kung nagtagumpay na nga ba ang kanilang pinaplano o pumalpak na naman ba sila. Hindi maitatago sa kanilang mga mukha ang kasabikang makita kung perpekto na nga ba sa pagkakataong ito ang mga nilalang na nilikha ng kanilang grupo.

Mabilis namang bumakas ang pagkasabik sa kanila mukha—nang kanilang marinig ang unang pagkabitak ng itlog na nasa gawing kaliwa—na sinundan pa nang isa pa, nang isa pa at nang isa pa uli. Ganun din ang nangyari sa dalawa pang malalaking kulay berdeng itlog na katabi lang nito. Pigil hininga nilang hinintay na lumabas ang anumang nilalang na nalikha mula roon. Umaasa, na sana, sa pagkakataong ito ay magtagumpay na rin sila sa wakas—na naperpekto na rin nila ang mga ito sa wakas.

Ilang saglit pa ay malalakas na mga palakpakan at hiyawan ang maririnig sa buong lugar na iyon nang sa wakas ay mapisa na ng tuluyan ang mga itlog. Mula sa mga ito, tatlong nakakatakot na nilalang ang lumabas.

Magkakamukha ang mga ito at nagkaiba lamang sa taas at laki ng katawan pero pare-pareho ang mga itong walang mga mata subalit may apat na mahahabang nakatayong mga tainga. Malaki din ang ulo ng mga ito na mayro'ng mahabang nguso, naghahabaan at nagtatalimang mga pangil at ngipin, at isang mahabang dila na kahalintulad sa isang ahas.

Makinis, kulay putik at makapal naman ang balat ng mga ito na kapwa walang mga balahibo. Mayroon din ang mga ito na isang mahaba subalit manipis na buntot na animo'y isang latigo. Puno iyon ng maliliit na halos hindi na makita na mga tinik na may taglay na nakakapang paralisa na lason. Matatalim din ang tatlong kuko nitong makikita sa tig dalawa nitong mga kamay at paa.

Hindi naman maiwasang mapangisi ng mga nilalang na lumikha sa kanila. Dahil sa wakas, makalipas ng mahabang panahon ay nagtagumpay din sila. Nalikha na din nila ang magiging pinaka mabagsik na halimaw sa mundong ito ng Mylthir at mula sa tatlong ito ay magagawa na nilang lumikha pa ng napakaraming tulad nila! Panahon na upang isagawa ang matagal na nilang mga plano! Oras na upang sila ay maghari!

At wala naman silang ibang maisip na lugar upang masubukan ang lakas at kakayahan ng mga ito, kun'di ang kaharian ng Licrus, kung saan ay naninirahan ang mga malalakas na Lycan. Wala naman sigurong masama, kung bibigyan nila ang mga ito ng isang supresa.

Tahimik naman na napangisi ang pinuno ng grupong ito. Hindi na ito makapag hintay na malaman ang tunay na kakayanan ng mga nilalang na kanilang pinaghirapang likhain. At mas lalong hindi na siya makapaghintay na malaman ang reaksyon ng mga ito oras na makita ng mga ito ang kanilang nilikha.

******************

SA HANGGANAN ng kalupaan ng Sierra, kung saan, ay naninirahan ang mga Lycan at nakatayo ang kanilang kaharian na kung tawagin ay Licrus—ay matatagpuan ang pinakamalaki, matibay at mataas na pader na kung tawagin ay Yluna. Nakapalibot ito sa kabuoan ng hangganan ng malawak na kontinente ng Sierra at nagsisilbing proteksyon mula sa mga taga labas na nilalang na maaaring maging kalaban ng mga Lycan.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now