Lycan: Panimula (Edited 3/31/24)

4.4K 149 16
                                    

Title

Fighting for Dominance

Written by

Raica Kaihawa

User Name

@devilpersonality0

Date Written

May 30, 2018

Date Rewritten

March 28, 2024

Genre

Werewolf/BL/Fantasy

Disclaimer

I do not own any images/videos/songs/lyrics that might be included in this story.

Lahat ng pangalan, lugar at pangyayaring nasa istoryang ito ay mga pawang kathang isip lamang.

Lycan: Panimula

Ang istoryang ito ay nagaganap sa mundo na kung tawagin ay Planetang Mylthir.

Mayroong limang uri ng nilalang, ang naninirahan sa mundong ito, sila ay ang mga Lycan (Nilalang na lobo na may tatlong anyo[Lobo, Tao at Lycan]), mga Vampire (Mga nilalang na nabubuhay sa dugo), Daitemos (Mga nilalang na may kakayanang magpalit anyo sa kahit na anumang hugis), Mage (Mga nilalang na may mahika) at Hayois (Mga nilalang na mayro'ng lason sa dugo at walang kasarian). Bawat isang lahi ay pinamumunuan ang kani-kanilang kaharian na nakatayo sa limang malalaking kontinenteng makikita sa planetang ito.

Ang kaharian ng mga Lycan na tinatawag na Licrus ay makikita sa silangang bahagi ng Mylthir kung saan unang sumisikat ang araw. Nakatayo ito sa isang malawak, mabundok, mabato, at madamong kontinente na kung tawagin ay Sierra. Matatagpuan ito sa gitna ng karagatan, malayo sa ibang mga kontinenteng pinaninirahan ng ibang lahi.

Ang buong kontinente ng Sierra ay napapalibutan ng mga pader na kung tawagin nila ay Pader ng Yluna. Gawa ang pader na ito sa pinakamatibay na batong matatagpuan sa kontinente ng Sierra. Mayro'n itong taas na halos aabot sa kaulapan at nagsisilbi ito bilang proteksyon ng mga Lycan mula sa mga taga ibang kaharian.

Puno din ang kontinenteng ito ng mga nagsisilakihan at nagsisitaasang iba't ibang klase ng mga puno, halaman, mga kakaibang hayop at makapangyarihang uri ng mga bato. Ang uri ng katubigang makikita naman dito ay tanging mga lawa, ilog, batis at bukal na tubig lamang. Upang makapunta naman sa karagatan ay kailangan pang humingi ng permiso mula sa hari upang makalabas sa tarangkahan ng Yluna.

Tirahan.

Ang Lycan ay isang nilalang na mayro'ng tatlong kaanyuan, ang una ay ang anyong lobo, pangalawa ay anyong hugis tao at ang panghuling anyo, ay ang anyong Lycan o pinagsamang huwangis ng tao at lobo. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagkain ng mga hayop at halaman. Sa pamamagitan niyon ay nagkakaroon sila ng koneksyon sa nagbibigay buhay at kapangyarihan nila, na kung tiwagin nila ay Dayori. Ito ang pinaniniwalaan nilang lumikha at nagbigay buhay sa lahat. Walang nakakaalam kung sino at ano ito. Kung saan ito nanggaling o nasaan ito. Ang nasisiguro lamang nila ay dito sila babalik at muling makikiisa kapag sila ay namatay.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now