Lycan XXI: Ang Masamang Ulat

4.5K 209 41
                                    

Lycan XXI: Ang Masamang Ulat.

MAAYOS ang pakiramdam na lumabas ng kaniyang paliguan si Calix habang nakatapis ang isang tuwalya sa kaniyang bewang at hawak naman sa kaniyang mga kamay ang isa pa, upang tuyuin ang kaniyang basang buhok. Ngunit nang makita niyang hindi pa rin suot-suot ng batang alpha ang pinapasuot niya ritong pang-ibabang kasuotan, ay biglang pumaet ang kaniyang timpla. Wala sa sariling inis na napaangil siya, na siya namang kumuha sa atensyon ng batang Alpha. Kasalukuyan itong nakahiga sa kanilang higaan habang nakatapis ang isang tuwalya sa beywang nito.

Naniningkit ang mga matang tinignan niya ito.

Talaga bang sinubukan nitong ubusin ang kaniyang pasensya? Hindi ba ito napapagod sa ginagawa nitong pagsuway sa kaniya kahit alam na nito kung ano ang kahahantungan ng kapahangasan nito? Ano pa ba ang dapat niyang gawin upang matauhan ito at sumuko na lamang sa kaniya? Ano pa ba ang dapat niyang gawin upang tuluyan na nitong mapagtantong hindi na ito makakawala pa mula sa kaniya?

Pasalama't talaga ito at kasalukuyang tulog pa rin sa kaniyang kalooban si Ceros, dahil kung hindi, ay baka masaktan na naman nila ito.

Napabalikwas naman ito ng upo at saka siya matamang tinignan. Sandaling bumakas ang takot sa mga mata nito na kaagad naman nitong ikinubli at saka tahasang nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Isang nakakatakot na ngiti naman ang gumuhit sa kaniyang mga labi bago siya kalmadong naglakad palapit sa batang.

"Ano? Sinabi ko naman na sa'yong hindi ko iyan isusuot!" ang nakahalukipkip nitong singhal sa kaniya.

Pero dagli din nitong nahigit ang hininga nang bigla siyang lumuhod sa pagitan ng mga hita nito, at nang akmang tatayo sana ito palayo sa kaniya ay marahas at mariin niyang hinawakan ang kaliwang binti nito upang ipirmi niya ito sa kasalukuyan nitong posisyon. Hinatak niya pa nang malakas papunta sa kaniya ang kaliwang binti nito upang mas lalo pa siyang magkaroon ng kontrol. Naitukod naman nito sa likuran nito ang dalawang mga kamay upang mapigilang mapahiga sa kanilang higaan.

"Malinaw ko rin namang sinabi sa'yong wala ka rin namang pagpipilian, aking munting Alpha." ang mariin at malamig naman niyang tugon sa batang Alpha, sabay kuha sa mahabang pang-ibabang kasuotang gawa sa balahibo ng kaniyang lobo.

Sinubukan nitong bawiin ang kaliwang binti nito mula sa kaniya nang mapagtanto nito ang binabalak niyang gawin. Pero hindi naman niya iyon hinayaan, at sa halip, ay mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kaliwang binti nito, pagkatapos, ay dahan-dahang isinuot sa paa nito ang hawak niyang pang-ibabang kasuotan. Inis na lamang itong napasagitsit at hinayaan siyang gawin ang nais niya.

Isang nang iinis na ngiti naman ang sumilay sa kaniyang mga labi nang maramdaman ang paninigas ng katawan ni Lucien, matapos niyang ipadaan sandali ang isa niyang daliri sa bukana ng lagusan nito, bago niya tuluyang maisuot sa ibabaw ng balakang nito ang mahabang pang-ibabang kasuotan. Napaismid na lamang ito nang mapagtantong nang-iinis lamang siya.

"Kumalma ka lang," ang nakangising bungad niya, "wala naman akong planong angkinin kang muli dahil batid ko namang hindi pa naghihilom ang iyong munting lagusan, aking Lucien."

Nakakaloko naman siyang napangiti nang mapansin ang pamumula ng mukha nito.

"Pero kung ipagpapatuloy mo iyang katigasan ng iyong ulo, munting Alpha, baka hindi ako makapagtimpi, at muling maulit ang mga naganap kaninang umaga." ang kalmado niya pang pagbabanta sabay tapik sa kanang pisngi nito.

Pinadaan niya pa ang kaniyang kamay pababa sa leeg nito patungo sa isinuot niyang collar sa leeg nito hanggang sa markang ibinigay niya sa batang Alpha. Nagdilim ang kaniyang mga mata nang mapatitig sa marka nito. Sariwa pa rin iyon at wala pa ring anumang senyales ng paghilom. Bigla namang nangati ang kaniyang mga pangil kasabay nang pagsidhi ng pagnanasang muli itong markahan. Pinigilan lamang niya ang kaniyang sarili at saka buong lakas na tinanggal ang paningin mula sa marka at iniaangat iyon upang salubungin ang matingkad na kulay asul na mga mata ni Lucien.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon