Lycan XVI: Ang Hari

5.4K 203 16
                                    

Lycan XVI: Ang Hari


BIGLANG napatigil sa kaniyang pagbabasa ng isang datos si Calix nang maramdaman niya ang unti-unting pagbigat ng ulo ni Lucien sa kaniyang kaliwang balikat. Bumakas naman ang pagkamangha sa kaniyang mukha at bahagyang napahimig pa sa pagkagalak—nang mapagtanto niyang nakatulog pala ang batang Alpha habang nasa kaniyang mga bisig.

Alam niyang hindi nito iyon sinasadya—at marahil dulot nang pagod, kung kaya ito nakatulog, na sa malamang ay pagsisisihan din nito mamaya ang ginawang kilos—ngunit  ang katotohanang nakatulog ito sa kaniyang bisig ay isa lamang na malinaw na indikasyong na alam ng instinto nito na ligtas ito sa kaniyang mga bisig. Hindi lang iyon—isa itong Alpha! At bilang isang Alpha, ang makatulog habang nasa bisig ng isa pang Alpha ay isang malinaw na pagpapakita ng pagpapasakop. Binalot naman siya nang kakuntentuhan at kagalakan dahil sa isiping iyon.

Marahan niyang inilapag sa kaniyang lamesa ang hawak-hawak niyang dokyumento at saka niya maingat na inayos ang puwesto ni Lucien sa kaniyang kandungan. Inilihis niya papunta sa kaniyang kaliwang binti ang mga binti nito at saka niya maingat na inayos ang pagkakadantay ng katawan nito sa kaniyang katawan. Sunod naman niyang inilipat sa kaniyang kanang balikat ang ulo nito at maayos itong idinantay doon.

Malalalim siyang napasinghap nang humalimuyak ang aroma nito at dagli-dagling sinakop ang kaniyang pang-amoy. Kahalo ng kaniyang aroma ay ang aroma nitong pinaghalong matamis, matapang at mabangong amoy at ng nabasa ng ulan na mga puno at halaman. Hindi naman niya mapigilang makaramdam nang pag-iinit ng katawan, lalo na ng maramdaman niya ang mahihina nitong paghinga sa kaniyang leeg.

'Ha! Tignan mo't ang sarap ng kaniyang pagtulog. Parang kaninang umaga lang ay halos isumpa na niya tayo.' ang natatawang saad ni Ceros kay Calix. 'Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa oras na magising siya at malaman niya ang kaniyang ginawa?'

Napangisi naman si Calix dahil halos kulang na lang ay kumawag ang buntot nito sa pagkatuwa at pagkasabik.

'Kumalma ka lang, at malalaman mo rin mamaya.'

'Baka ikaw ang kailangang kumalma, Calix.' ang nang-aasar nitong tugon naman sa kaniya sabay punto sa nakaumbok at matigas niyang ari.

Mas lalo namang lumawak ang kaniyang pagkakangisi. Sa totoo lang, kung wala lamang siyang kailangan mga gawin at basahing mga ulat at datos—baka hanggang sa ngayon ay nakakulong pa rin silang dalawa ng batang Alpha sa kaniyang silid at patuloy na inaangkin ito. Hindi niya maitatangging halos hindi siya makuntento sa pag-angkin sa katawan nito—na maging siya ay hindi niya maunawaan kung bakit. Hindi naman ito ang una niyang beses na umangkin ng isang palaban na Alpha. Pero para siyang laging uhaw at gutom kay Lucien. Mas lalo ring sumidhi ang pagnanais niyang ariin at mapasa kaniya su Lucien—na tila hindi siya makukuntento hangga't hindi pa rin ito tuluyang nagpapasakop sa kaniya.

'Hindi na ako makapaghintay na tuluyan na siyang maging atin.' ang mariing ani ni Ceros.

'Huwag kang mag-alala--tatlong araw na lang at tuluyan na siyang magiging atin.'

Napatitig naman siya sa pagitan ng kanang balikat at leeg nito, at masuring tinignan ang ibinigay niyang marka rito. Nang matiyak niyang wala pa rin itong anumang senyales nang paghilom ay saka naman lumipat ang kaniyang mga mata sa mga ordinaryong markang ibinigay niya sa iba't ibang parte ng katawan nito--dito ay mariing nagdikit ang kaniyang mga labi dahil sa pagkadismaya. Halos pawala na kasi ang mga markang ibinigay niya kani-kanina lamang na umaga sa katawan nito at hindi niya nagugustuhan ang mabilis na pagkawala ng mga iyon.

'Marga.'  ang pagtawag ni Calix sa punong manggagamot sa palasyo gamit ang mind-link.

'Kamahalan, ano po'ng mapaglilingkod ko sa inyo?' ang mabilis namang sagot ng babaeng punong manggamot.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now