Lycan IX: Ang Muling Paghaharap.

4.6K 223 42
                                    

Lycan IX: Ang Muling Paghaharap.

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Calix ang morenong lalaking padapang nakahiga sa kaniyang kama, na gawa pa sa pinagsama samang itim na balahibo ng malaking ibon na kung tawagin ay Makrula. Nagkalat din sa tabi ng lalaki ang mga unan habang yakap nito ang isa sa dibdib at unan naman ng ulo nito ang isa pa.

Wala itong kahit na anong saplot sa katawan sapagkat kakatapos lamang nilang magsiping. Puno rin ng bakas ng mga marka niya ang buong katawan nito, mula sa leeg hanggang sa mga hita at singit nito.

May matikas itong pangangatawan malayo sa mga maliit at makurbang pangangatwan ng mga submissive at omega na siyang kadalasang pinipili ng mga tulad niyang dominante. Pero di tulad nila ay mas gusto niya na isa ring dominante ang kaniyang mga nakakapareho. Hindi naman siya nagsisisi dahil mas natutuwa siya tuwing nanlalaban at pumipiglas ang lalaking ito mula sa kaniya.

Nang magsawa siyang titigan ang lalaki ay nilapitan niya ito at marahang pinatihaya. Bumungad sa kaniya ang kahubadan nito at ang mga namumulang markang iniwan niya sa katawan nito. Pumatong siya sa kama at kinubabawan ang wala pa ring malay na lalaki.

Hinawi niya ang abuhin nitong mahabang buhok na tumatakip sa mukha nito saka pinagkatitigan ang mukha ng lalaki. Mahahaba ang mga pilik mata nito, may katamtamang tangos na ilong, mapupulang makurba at may kanipisang mga labi hanggang sa matikas at nakakaintimida nitong panga. Pero ang pinaka nagustuhan niya sa lalaki ay ang nag-aalab nitong kulay asul na mga mata.

Pumuwesto siya sa pagitan ng mga hita nito at sinigurong magkadikit ang pareho nilang hubad na kaselanan at saka niya marahang pinagkiskis ang mga ito. Napaungol siya nang maramdaman niya ang init ng katawan nito at mas lalo niya pang pinabilis ang ginagawa niyang pagkiskis sa kaselanan nilang dalawa. Magdamag na silang magkasiping pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makuntento sa pag-angkin sa katawan nito. Gusto niya pa.

Isa pa.

Hindi na siya nakatiis at kinuha niya ang dalawang binti nito at inilagay sa kaniyang mga balikat. Pagkatapos ay saka niya walang anu-anong pinasok ang lagusan nito na siyang ikinagising ng lalaking nasa ilalim niya.

" C-Calix! Ugh! " ang sobrang paos nitong pag-ungol nang matamaan niya ang munting laman sa loob nito.

"Lucien.." ang pag-ungol niya sa pangalan nito.

Mas dumoble pa ang kaniyang bilis sa pagkilos nang maramdaman niyang malapit na niyang marating ang kasukdulan.

MARIING napapikit si Calix habang hawak-hawak ang parte ng kaniyang ilong sa pagitan ng kaniyang mga mata—nang muli na naman niyang maalala ang kaniyang panaginip. Napatiim bagang pa siya nang maramdaman niya ang katigasan ng kaniyang ari at saka siya napabuntong hininga at pilit na kinalma ang kaniyang sarili.

Kasalukuyan siyang nasa opisina niya ngayon sa loob ng kaniyang palasyo. Nakaupo siya sa isang upuang gawa sa isang kakaibang pulang puno na kung tawagin ay Deva. Nakakalat naman ang napakaraming dokyumentong papel sa ibabaw ng kaniyang pulang lamesa na kapwa gawa rin sa puno ng Deva.

Simula nang minarkahan niya si Lucien, limang araw na ang nakakalipas—ay hindi na nagtigil ang kaniyang lobo na si Ceros sa pangungulit sa kaniya na angkinin ang batang Alpha. Halos gabi-gabi rin siyang hindi nilulubuyan ng kaniyang maduduming mga panaginip patungkol sa batang Alpha. Dahil dito ay ilang araw na ring hindi maganda ang kaniyang mood.

Bahagya siyang napadilat nang maramdaman niyang may nais kumausap sa kaniya sa pamamagitan ng mind link. Napakunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang dalawa niyang kilay dahil sa pag-istorbo ng kung sino man ito.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now