Lycan V : Ang Unang Halik

5K 230 16
                                    

Lycan V: Ang Unang Halik.

MULA sa dulo ng teritoryo ng Darus Pack-tahimik na nag-aabang ang pitong mandirigma kasama ang pinuno nila na si Jarrod, ang kanilang Beta. Kasalukuyan nilang inaabangang ang pagdating ni Haring Calix, upang gabayan ito papasok sa kanilang pack house.

Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagkukwentuhan ay bigla na lang silang napatuwid ng tayo at naging alisto-nang isang nakakaintimidang presyensya ang kanilang naramdaman. Kasabay niyon ay ang pagkalat ng isang nakakatakot na pheromones sa hangin.

At makalipas nga lang nang ilang segundo, ay lumabas ang isang matangkad na lalaking may kulay kayumangging balat at matikas na pangangatawan.

Si Haring Calix.

Bagaman bahagyang natatabunan ang katawan nito ng suot-suot nitong kulay itim na kapa na may nakaburdang eleganteng desinyo gamit ang magkahalong kulay pilak at ginto. Ay hindi pa rin nilang maiwasang mapamangha sa taglay na kakisigan ng binatang hari, lalo pa't ngayon pa lang nila ito nakita nang malapitan. Mula sa malamig na kulay abong mga mata nito, matangos na ilong, nakakaintimidang panga, hanggang sa makisig at matikas nitong katawan. At kahit sa hubog pa lang ay sapat na upang makaramdam sila ng takot.

Wala maski isang parte ng katawan nito ang hindi nakaka intimida.

Halos magsipagtayuan naman ang mga balahibo nila sa kanilang katawan nang mapagtanto nilang nag-iisa at walang ibang kasama na dumating ang kanilang Hari. Isang malinaw na pagpapakita nang kawalan nito ng takot.

Agad namang silang napaluhod at nagbigay galang sa binatang hari nang madako ang paningin nito sa kanila.

" Kamahalan! Ikinagagalak po namin ang inyong pagdating. Ang aming Alpha ay lubos na nagagalak na inyong pina unlakan ang kaniyang kahilingan na kayo'y makausap. " ang sabi ni Jarrod, ang beta ng pack.

"Ako nga po pala si Jarrod, ang beta ng pack na ito."

Hindi naman siya sinagot ni Calix, at sa halip ay matiim lamang sinuri ng binatang hari ang paligid at pinag-aralan ang bawat detalyeng kaniyang nakikita. Bahagya namang bumakas ang pagkadismaya sa mga mata ng binatang hari, nang hindi niya maramdaman sa paligid ang presyensya ni Lucien.

Sa totoo lang, ang natatanging dahilan lamang nang pagpunta niya rito ay upang alamin ang kalagayan nito. Inaasahan niya kasi, na muli itong susugod sa palasyo sa oras na maka-recover na ito mula sa mga natamo nitong pinsala mula sa kaniya. Subalit dalawang araw na ang nakalipas pero magpahanggang ngayon ay wala pa ring maski isang indikasyon ng pagdating nito.

Imposible naman sigurong hindi pa ito nakaka-recover mula sa mga pinsalang natamo nito mula sa kaniya.

O 'di kaya, baka naman ay sumuko na ito? At sa umpisa lang ang pinakitang tapang?

At dahil hindi na siya makapaghintay kung darating pa ba ito o hindi, ay naisipan niyang siya na lamang ang dumalaw dito. Sakto naman na nagpadala ng isang mensahe at paanyaya ang ama nito upang pormal silang makapag-usap.

HABANG naglalakad sila patungo sa pack house ng mga ito, ay walang anumang namutawing salita sa pagitan nila Calix at ng walong mandirigmang nagsundo sa kaniya habang dinadala siya ng mga ito patungo sa kanilang pack house. Pansin rin niyang tensyonado ang mga ito nang dahil sa kaniyang pheromones.

Maya-maya pa, ay huminto sila sa isang lagusan papasok ng isang malaking kweba. Hindi naman na siya nagulat pa rito, dahil karamihan naman talaga ng mga lycan ay mas gusto ang manirahan sa mga kweba sa halip na gumawa ng sariling tahanan. Bukod sa mas madali ito ay mas mapuprotektahan sila nito laban sa mga kalaban.

Nang pumasok sila ay inaasahan niyang apoy ang nagsisilbing liwanag sa loob kaya gayun na lang ang kaniyang pagkamangha, nang makita na ang gamit ng mga ito ay isang mahikang ilaw na kulay asul na nagmula pa sa Madj Kingdom kung saan naninirahan ang mga mage.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon