Lycan VI: Ang Marka

5.2K 220 22
                                    

Lycan VI: Ang Marka

SA PANGALAWANG pagkakataon na sinakop ni Calix ang mga labi ni Lucien ay hindi na niya ito hinayaan pang manaig. Marahas niya itong itinulak palayo mula sa kaniya, sabay bigay ng isang malakas na suntok sa mukha nito dahilan upang mapaatras ito at mabitawan siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mong bastardo ka!"

Pareho silang dominante at Alpha kaya ano bang iniisip nito?!

Napangisi lang naman si Calix sa kaniyang ginawa at marahas na pinusan ang mga labi nitong may kaunting bahid ng dugo dulot ng pagkakasapak niya rito.

"Ano ba sa tingin mo, hmm? Munting Alpha?" ang nanunukso nitong sagot naman sa kaniya.

Napayukom naman siya ng kamao at napatiim bagang dahil sa galit subalit ganun na lang ang kaniyang pagkabigla-nang bigla na lang nitong hinila nang malakas palapit sa sarili nito ang kadenang nakakonekta sa mga posas na nakagapos sa kaniyang mga kamay. Hindi niya ito napaghandaan dahilan upang marahas siyang napasubsob papunta kay Calix.

At bago pa man siya makapagreak ay marahas siya nitong sinabutan sa kaniyang batok at muling hinalikan. Sinubukan niya uli makawala mula rito subalit mabilis na hinawakan ng isang kamay nito ang kaniyang mga pisngi at mas lalong pinalalim ang halik na ginagawa nito sa kaniya.

Pilit naman niyang nilalabanan ang ginagawa nitong pangdodomina sa kaniyang mga labi na lubhang hindi niya nagugustuhan, maging ng kaniyang lobo na si Icien.

Mariin niyang kinagat ang labi ni Calix sa pag-asang mapatigil ito sa paghalik sa kaniya, subalit isang nakakatakot at galit na ungol ang lumabas mula sa bibig nito-isang indikasyon na hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pagsuway sa gusto nitong mangyari.

Mas lalo pa nitong diniinan ang pagkakapisil nito sa kaniyang mga pisngi dahilan upang sapilitang mapabuka ang kaniyang mga labi at saka nito marahas na pinasok ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig. Halos nagkakapalitan na sila ng laway dahil sa ginawa nito pero hindi pa ito nakuntento roon, dahil matapos nitong magalugad ang buong bibig niya ay mariin pa nitong sinipsip at hinila palabas ang kaniyang dila upang ito'y paglaruan.

Pilit man niya itong binabawi ay muli lang uli nito iyong sisipsipin hanggang halos kapusin na siya ng hangin at magpalitan na sila ng kanilang hininga. Naging mas mapusok at mapang angkin din ang pamamaraan nito nang paghalik sa kaniya na ultimong halos wala nang parte ng kaniyang bibig ang hindi nito naangkin. Hanggang sa tanging mga ungol at tunog ng kanilang halikan na lamang tanging maririnig sa seldang iyon.

Maya-maya pa ay bumaba sa kaniyang panga ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang pisngi at marahas siyang pinatingala upang mas lalo pang palalimin ang naabot ng dila nito na parte ng kaniyang bibig. Gayun pa man ay walang planong magpagapi at basta-batsa lang na magpasailalim sa pagdodomina nito si Lucien. Pilit niyang iniiwas at isinasara ang kaniyang bibig mula sa dominanteng labi at dila nito sa tuwing nakakakuha siya nang pagkakataon.

Subalit kinontrol lang nito ang kaniyang panga hanggang sa napilitan na siyang tumingkayad upang hindi siya masakal at muling makakuha ng kontrol pero dahil sa ginawa niyang iyon ay mas nagkaroon ito ng kalayaang mahalikan pa siya ng malalim hanggang sa punto na halos maramdaman na niya ang dila nito sa kaniyang lalamunan.

"Hmmp!" ang mariing protesta ni Lucien nang muli niyang maramdaman ang dila nito sa kaniyang lalamunan.

Dahil sa pagkairita ay marahas niya muling kinagat ang pangahas nitong dila subalit sinuklian naman iyon ni Calix nang isang mariin na kagat rin sa kaniyang labi, dahilan upang bahagya siyang mapaungol sa sakit.

Nang halos kapusin na sa hangin si Lucien ay muli niyang sinubukang itinulak palayo si Calix upang makawala mula rito, subalit mukhang naubos na niya ang pasensya nito at walang awa nitong pinilipit ang kanan niyang kamay sa kaniyang likuran at muli itong nagpakawala ng isang nagbabanta at nakakatakot na ungol dahilan upang mariing mag salubong ang dalawa niyang kilay.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now