Lycan XVIII: Ang Lihim

4.7K 200 21
                                    

HAHAHA SORRY aksidente ko siyang napublish kahapon habang ini-edit ko imbes na isi-save ko lang sana siya HAHAHA

Anyway.....

Yung pic sa taas (leftside), ganyan po yung hairstyle ni Calix pero color black. Sa right side naman, yung hairstyle ni Lucien pero pinaghalong kulay white and gray siya.

Lycan XVIII: Ang Lihim

INIS NA NAPABUNTONG hininga si Lucien nang magising siya dahil sa isang kamay na mahigpit na nakayakap sa kaniyang baywang. Kasalukuyang nakasubsob naman ang mukha ng nagmamay-ari nito sa kaniyang batok habang mahimbing na natutulog at kapwa walang saplot katulad niya. Ang mas lalo niya pang ikinaiinis ay ang halos nakadagan na nitong katawan sa kaniyang likuran-na kulang na lang ay matakluban na siya ng buong katawan ni Calix! Kaya naman pala napakabigat ng kaniyang pakiramdam at nagising dahil sa sikip ng kaniyang dibdib. Hindi tuloy mapigilang bumakas ang pagkairita sa kaniyang mukha.

'Ibang klase.... Hanggang sa pagtulog ba naman ay ayaw niya pa rin akong lubayan? Hindi pa ba siya nagsasawang halos buong araw na kaming palaging magkasama sa nakalipas na apat na araw?' ang iritable niyang saad sa kaniyang isipan.

Magmula kasi noong dalhin siya nito rito sa silid na ito, ni minsan, ay hindi pa siya nito hinayaang makawala mula sa tabi at paningin nito. At kung lalabas man ito o magpupunta sa opisina nito ay sinisigurado nitong kasa-kasama rin siya nito-at kung hindi niya ito katabi o kayakap-ay tiyak nasa kandungan naman siya nito.

Kaya gano'n na lang din ang kaniyang pagkagalak noong hayaan siya nito kahapon na makita ang kaniyang kakambal. Plano pa nga nitong samahan siya ngunit sa kabutihang palad ay may kinakailangan itong gawin na iba kung kaya ay mag-isa lang niyang tinungo ang silid ng kaniyang kakambal.

Mariin naman siyang napapikit nang maalala ang mga sumunod na pangyayari kahapon. At hindi niya alam kung dapat ba siya uling magpasalamat-dahil sa dami pa ng mga gagawin nito-kung kaya ay naiwasan niyang muli na naman nitong angkinin nang buong araw na iyon. Nabalik naman siya sa kasalukuyan nang maramdaman niya ang maiinit na mahihinang paghinga ni Calix sa kaniyang batok.

Muli ay bumakas ang pagkairita sa kaniyang mukha habang mariing nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay. Inis niyang sinubukang tanggalin ang kamay nitong mahigpit na nakapulupot sa kaniyang baywang, ngunit nang mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kaniya ay 'di na niya napigilang malakas na masiko ito sa tagiliran. Napaungol naman ito sa sakit at bahagyang lumuwag ang pagkakayakap ng kamay nito sa kaniyang baywang pero sa kabila niyon ay nananatili pa rin itong tulog.

Nang sa wakas ay makaalis na rin si Lucien mula sa mga bisig ni Calix ay dagli-dagli siyang tumayo upang magtungo sana sa paliguan nang biglang marahas siyang mapamura at halos mapaupo sa higaan-nang isang mahapdi at makirot na sakit ang bigla niyang naramdaman sa kaniyang lagusan. Ilang beses siyang napapikit-pikit ng kaniyang mga mata habang bakas ang pagtataka sa mga iyon. Hindi niya maunawaan kung bakit masakit ang parteng iyon, dahil kadalasan, ang marka sa kaniyang kanang balikat ang tanging nagbibigay sa kaniya ng matinding sakit sa mga nakalipas na araw.

Ngunit ngayon-ngayong gising na ang kaniyang diwa at malinaw na ang pakiramdam ng kaniyang katawan-ay pansin niyang kumikirot na naman sa sakit ang halos buo niyang katawan. Mula sa kaliwa niyang balikat kung saan siya malalim na kinagat ni Calix kahapon, hanggang sa kaniyang balakang, mga hita at higit sa lahat ay ang kaniyang lagusan.

Napakunot ang kaniyang noo sa pagtataka. Hindi niya maunawaan kung bakit gano'n. Ilang beses naman na silang nagtalik ni Calix at ilang beses na rin naman niyang naranasan ang pagiging sadista nito, pero dahil sa kaniyang pagiging Alpha, ay mabilis namang nakakarecover ang kaniyang katawan mula sa mga pinsalang kaniyang nakukuha mula kay Calix sa tuwing sila ay nagsisiping.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now