Lycan XV: Ang Kapalit

5.5K 226 45
                                    

Lycan XV: Ang Kapalit

KAKATAPOS lang ni Lexy na maglakad lakad at diligan ang ilang bulaklak sa hardin ng palasyo nang umagang iyon. Dahil bukod doon, at sa pagtulong-tulong niya sa kusina ng palasyo sa tuwing siya'y pinapayagan, ay wala na siyang ibang magawa rito sa palasyo kundi ang magbasa lamang  sa kaniyang silid kung saan siya dinala ng hari.

Sariwa pa rin magpa sa hanggang ngayon sa kaniyang ala-ala ang mga nangyari ng mga sandaling iyon—mula nang maka-enkwentro niya ang hari—sa pagdating ng kaniyang kakambal—hangga sa makuha siya ng hari at iwanan nila ang kaniyang kambal na walang malay na nakahandusay sa sahig ng pasilyong iyon.

Naalala niya pa kung gaano siya katakot na takot ng mga sandaling iyon. Akala niya ay iyon na ang katapusan ng kaniyang kalayaan at matatali na siya sa isang pilit na relasyon. Subalit ganun na lang ang pagkagulat at pagtataka niya nang ipahatid lang siya ng hari sa mga kawal niti sa silid na kaniyang pinaglalagian ngayon.

Iyon na ang una at huling beses na nakita niya ang hari dahil hindi na siya nito muli pang binisita. Halos mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas subalit wala pa rin siyang naiisip na malinaw na balak para sa kaniya ang hari. Kung ano ba ang kailangan nito sa kaniya at kung bakit siya nito kinuha. Mabuti na lang talaga ay nakakalabas labas siya ng kaniyang silid, ayun nga lang ay hanggang sa hardin lang siya maaaring makalabas at palagi pa siyang may bantay. Para namang makakaalis siya ng mag-isa sa palasyong iyon. Ni hindi nga niya alam ang daan pabalik ng kaniyang pack.

" Salamat, Kiana. " ang nakangiti niyang pasasalamat sa babaeng dominante na siyang palagi nagbabantay sa kaniya tuwing nais niyang magpunta ng hardin  na kung minsan, tuwing hindi ito abala ay ipinapasyal pa siya nito sa malapit na ilog.

Ginulo naman nito ang mahaba at puti niyang buhok habang nakangiti ito sa kaniya.

" Ikaw pa, malakas ka sa akin eh. " ang sagot nito.

" Ano? Diretso ba tayo sa kusina nito? Pwede kitang ihatid dun, alam ko namang maraming dominante dyan ang umaaligid aligid sayo. Kung wala ka lang sa ilalim ng proteksyon ng hari ay malamang... "

" Alam ko po. " ang natatawa niyang pagputol dito.

Araw araw na lang kasi ay iyon ang sinasabi nito sa kaniya kaya di na niya napigilang mapatawa.

" Naku, bata ka, tinawanan mo pa ako. Napakaganda mo at sobrang hinhin, kahit na ba isa kang lalaki. Idagdag mo pa yang nakaka akit at puting puti mong mahabang buhok kaya alam kong lapitin ka ng peligro. Hindi na ako nagtataka kung bakit masyadong protektib sayo ang kambal mo. " ang hirit pa nito.

Papasok na sana sila sa loob ng palasyo nang may mahagip ang kaniyang mga mata. Nanlaki ang mga ito at napasinghap pa siya sa gulat. Hindi siya makapaniwala, si Derex nga ba iyong nakikita niyang gapos ng kadena at bitbit ng dalawang kawal na iyon mula sa di kalayuan?

Anong ginagawa nito rito?

Hindi kaya....

Narito ang kaniyang kambal?

Agad siyang napatakbo upang lapitan ito na ikinabigla naman ni Kiana.

" Lexy! Anong... Saan ka pupunta! Ano ba?! Baka mapahamak tayo. " ang sigaw ni Kiana kay Lexy habang hinahabol niya ito.

" Sandali lang Kiana, pakiusap, si Derex ata iyon, gusto ko lang makausap si Derex. " ang nakikiusap na sagot ni Lexy habang mas binilisan pa nito ang pagtakbo.

" Derex? " ang takang tanong nito pagkatapos ay sinundan nito ang direksyon tinutungo ng munting omega. Doon niya napansin ang isang mandirigmang binatang nakagapos sa kadena at bitbit ng dalawang kawal ng hari. Base sa direksyong tinutungo ng mga ito ay sa mga kulungan ang punta ng mga ito.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon