Lycan XI: Pulang Mga Mata

4.5K 240 24
                                    

Lycan XI: Pulang Mga Mata

PUNO nang galit na pinakawalan ni Calix—na kasalukuyang kontrolado ng lobo nitong si Ceros—ang namimilipit sa sakit at halos wala nang malay na anyong lobo ni Lucien sa ibabaw ng kaniyang higaan sa loob ng kaniyang silid. Sandali niya pa itong tinignan bago siya nagpalit anyo sa kaniyang anyong tao.

Marahil dahil sa epekto ng kaniyang lason at sa mga natamo nitong kagat at kalmot mula sa kaniya ay kusa nang nagpalit sa anyong tao ang katawan nito. Nanghihina itong napatihaya sa kaniyang higaan at saka napaubo ng dugo, dulot marahil sa malaking sugat sa batok nito. Napaungol pa ito sa sakit bago ito nawalan ng malay.

Agad naman niya itong nilapitan upang isara at pagalingin ang malaking sugat sa kaliwang leeg—bandang batok nito, na siya mismo ang may gawa. Hindi naman niya mapigilang mapaungol nang malasahan ang mapakla at matamis nitong dugo. Lalo na nang maramdaman niya ang pagkabuhay ng kaniyang alaga.

Ngunit hindi niya lubusang pinaggaling ang sugat nito at tanging ang labas lamang ang kaniyang pinagaling dahil nanatili pa rin siyang galit sa ginawa nito sa kanila ni Calix kanina.

Kailangan nitong malaman ang mangyayari sa oras na galitin nito sila ni Calix.

Lalong-lalo na siya.

Isang nakakatakot na ngiti ang biglang sumilay sa kaniyang mga labi nang maalala niya ang takot at pagkataranta sa kulay asul nitong mga mata matapos nitong masalubong kanina—sa kauna-unahang pagkakataon ang kulay pula niyang mga mata at maramdaman ang kaniyang nagngangalit sa galit na presyensya. Lalo tuloy tumindi ang pagnanasa niyang supilin ito at sapilitang pasukuin sa kaniyang harapan. At mas lalo pa iyong nagningas nang makita niya itong tumakbo papalayo sa kaniya.

Hindi niya tuloy nakontrol ang kaniyang sarili at wala sa sariling nagpakawala siya nang malakas na pheromones na may intensyong huluhin at patayin ito. Bagaman wala naman siyang planong gawin iyon dahil hindi niya iyon gugustuhing mangyari—lalo na ni Calix—pero hindi ibig sabihin niyon ay wala siyang planong saktan ito at iparamdam dito ang kaniyang galit. Kung si Calix ay hinahayaan lang nitong lapastangin at i-disrespeto sila ng harap-harapan—pwes! Ibahin nito siya. Dahil kahit maski isang katiting lamang nang pagpapakita nito ng pagdisrespeto sa kaniya ay hindi siya magdadalawang isip na ilagay ito sa puwesto nito.

Sa kabila nito ay hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng pagkamangha at pagmamalaki dahil sa ipinakita nitong lakas ng loob upang maisahan silang dalawa ni Calix. Malas lang nito at mukhang hindi ata nito alam na walang epekto iyon sa kaniya.

Nang matiyak niyang wala nang bahid nang dugo ang katawan ng kaniyang munting Alpha ay saka naman siya lumipat sa pagitan ng kanang balikat at leeg nito upang muli itong markahan—pero sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin na niyang mananatili na ang kaniyang marka sa katawan ng batang Alpha.

Sapagkat wala na siyang balak na kontrolin pa ang tindi ng venom na kaniyang ibibigay sa katawan nito.

Sa tingin naman niya ay mukhang kakayanin ng batang Alpha ang tindi ng epekto ng kaniyang venom dahil hindi naman ito kaagad nawalan ng malay noong kagatin niya ito sa leeg kanina, ngunit paniguradong makakaramdam ito nang matinding sakit, higit pa sa una nitong naramdaman sa unang marka na ibinigay nila rito.

Tama lang naman sigurong makaranas ito ng matinding sakit kapalit ng ginawa nitong kalokohan kanina.

Muli siyang napangiti nang nakakatakot habang naiimahe kung papaano ito hihiyaw at mamimilipit sa sakit ilang oras mula ngayon. At sa isipin nga niyang iyon ay walang pagdadalawang isip niyang muling kinagat ang pagitan ng kanang balikat at leeg nito upang muli itong markahan.

Napaungol naman nito nang maramdaman ang pagbaon ng kaniyang mga pangil at ngipin, at mabilis naman iyong napalitan ng mga mahihinang ungol sa sakit—nang mas lalo niya pang ibinaon ang kaniyang nga pangil sa balat nito at saka niya dahan-dahang pinakawalan ang kaniyang venom at healing enzymes sa sistema ng katawan nito

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now