Lycan VII: Ang Panaginip

5K 221 27
                                    

Noong lunes pa dapat ito eh. Kaso naadik ako kakabasa , ayun, di makapag edit hehe 😅 Kagabi ko lang natapos basahin, sorry na. 😅

Lycan VII: Ang Panaginip

MAINIT. Malamig. Iyon ang kasalukuyang nararamdaman ni Lucien. Sobrang init nang lugar na kaniyang kinaroroonan pero malamig naman ang temperatura ng kaniyang katawan. Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang mga mata subalit sa hindi niya maunawaang dahilan ay hindi niya magawa. Muli niya uling sinubukan na imulat ang kaniyang mga mata, at sa pagkakataong ito ay nagawa na niyang idilat ang mga ito ngunit hindi niya inasahan ang bumungad sa kaniya.

Si Calix.

At kasalukuyang nasa ibabaw niya ito habang mahigpit nitong piin-piin ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng kaniyang ulo gamit ang kaliwang kamay nito. Matiim at puno nang pagnanasang nakatingin ang maitim na kulay abo nitong mga mata sa kaniyang mga mata, habang isang nakakainis na ngisi naman ang nakapaskil sa mga labi nito.

Anong nangyayari?

Bakit siya naroon at paanong nasa ilalim siya ni Calix?

Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakapiin nito sa kaniya subalit para itong isang pader na hindi man lang natinag.

"Pakawalan.mo.ako.ngayon.din!" ang mariin at puno nang bantang saad ni Lucien gamit ang paos at mahinang boses.

Ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng kaniyang kulay asul na mga mata nang maramdaman niya ang isang kamay nitong dumampi sa kaniyang tagiliran at gumapang papunta sa kaniyang tiyan hanggang sa-

Marahas siyang napasinghap nang maramdaman niya pang bumaba pa pababa sa kaniyang puson ang kamay nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Pakawalan mo akong hayup ka!" ang sigaw niya habang pilit na sinusubukang kumawala muli mula sa pagkakapiin nito sa kaniya subalit mas lalo lang nito pinabigat ang katawan nitong nakadagan sa kaniyang mga hita.

At sa 'di niya malamang dahilan ay biglang nag-init ang kaniyang pakiramdam. Napamura siya.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya?

Nag-init naman ang mukha ni Lucien nang mapansin ang sumilay na mayabang na ngisi sa mga mapupula at manipis na labi ni Calix.

" Huwag mo nang tangkain pang lumaban Lucien. Wala ka nang kawala. Akin ka na ngayon. " ang nakangising sambit nito habang inilalapit nito ang mukha nito sa kaniya.

Agad namang lumabas ang nagtataliman niyang mga pangil at ngipin kasabay nang paglabas ng isang nagbabantang ungol mula sa kaniyang lalamunan upang ipaalam rito na hindi siya nito pag-aari.

At kahit kailan ay walang kahit sino man ang nagmamay-ari sa kaniya!

"Kahit kailan ay hinding-hinding mangyayari iyon! " ang nakaangil niyang singhal rito.

Napatawa naman nito sabay bigay nang isang halik sa kung ano mang nasa balikat niya dahilan upang mas lalong mag-init ang kaniyang katawan.

"Nakakasigurado ka ba sa iyong sinabi?"

Mariin siyang napapikit at buong lakas na pinigilan ang sariling mapagkawala ng isang mahinang ungol nang bahagya pa iyon na sinipsip ni Calix.

Napamura siya sa kaniyang isipan nang maramdaman niya ang pagngiti ni Calix.

"Mukhang iba naman ang nais iparating ng iyong katawan, aking munting Alpha."

Marahas na nagsalubong ang dalawa niyang kilay dahil sa kakaibang nangyayari sa katawan niya. Hindi niya maunawaan kung bakit ganon na lang ito kung magreak mula sa mga halik ni Calix.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now