Lycan III: Ang Unang Paghaharap

4.1K 222 23
                                    

Lycan III: Ang Unang Paghaharap

"ANG lakas naman ng loob mong dumalo rito habang dala-dala ang pheromones ng isang Alpha."

Napangisi naman si Calix nang maramdaman niya ang panginginig sa takot ng lalaking omega na nasa harapan niya. Bahagya pa siyang yumuko upang amuyin ang leeg nito, dahilan upang manigas sa kaniyang kinakatayuan ang lalaking omega.

Iniisip ba talaga nito na kaya itong protektahan ng pheromones ng Alpha na iyon, mula sa kaniya?


Marahan pang idinampi ni Calix ang kaniyang ilong sa leeg nito at bahagyang pinagapang hanggang sa pagitan ng leeg at balikat nito. Isang kagat lamang niya roon at maaari na itong mapa sa kaniya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng Alpha nito, sa oras na gawin niya iyon?

Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkasabik at pakahayok sa dugo.

Bahagya siyang lumayo mula sa lalaking omega at saka marahas na hinawakan ang baba nito at sapilitang pinatingin sa kaniyang mga mata. Bakas ang takot sa maputlang kulay asul na mga mata nito at nagbabadya na ring bumagsak ang mga naipong luha sa gilid ng mga mata nito.

"Sabihin mo, munting omega. Iniisip mo ba talagang magagawa kang protektahan ng pheromones ng Alpha na iyon mula sa akin?" ang puno ng talim na tanong niya rito.

"Gaanon mo ba ka disgustong mapili ko? " sa pagkakataong iyon ay sinadya niya pang higpitan ang pagkakahawak sa baba nito.


Dinagsa naman ng kaba ang dibdib ng nasabing Omega dahil sa pangamba na baka mapasama ang kakambal nito mula sa kamahalan.

"Hi-hindi po sa gano'n kamahalan! Ma-marahil ay phe-pheromones po ng ka-kapatid ko ang.. ang inyong naaamoy. " ang utal-utal na paliwanag ng omega.

"Hi-hindi niya p-po intensyong galitin ka-kayo, kamahalan."

Bahagya namang natigilan si Calix sabay bitaw sa baba nito.

Buong akala ng lalaking omega ay naging maayos na ang sitwasyon at nalinaw na niya ang maling pagkaaala ng kanilang hari, kaya ganun na lang kaniyang pagkabigla, nang bigla na lang niyang maramdaman ang isang kamay sa kaniya leeg-at sa isang iglap, ay natagpuan na lamang niya ang sariling nakapiin sa pader habang sakal-sakal ng Hari.

"Ugh! Ka-kama-ha-lan?!"

"Marahil ay hindi mo alam kung gaano katindi ang pheromones na nakahalo sa'yo," ang saad ni Calix gamit ang mahina subalit mariing boses, "At kung gaano nakakairita ang pheromones na kasalukuyang nakapalibot sa'yo."

"Walang intensyon?"

"Nagpapatawa ka ba?!"

Marahas na napasinghap ang Omega nang mas lalong hinigpitan ni Calix ang pagkakasakal nito sa leeg niya. Hindi na ring napigilang tumulo ng isang luha mula sa kaniyang kaliwang mata dahil sa labis na sakit ng pagkakasakal nito.

Sinadya pa ni Calix na mas patindihin ang pinapakawalan niyang pheromones at sa pagkakataong ito ay hindi na maiitago ang matindi niyang pagkainis. Ang lakas naman ng loob nitong magsinungaling sa kaniya.

Walang intensyon?


Hindi lang nito pangahas na itinago mula sa kaniya ang omega na ito, at talagang ang lakas pa ng loob nitong binalutan ang omegang ito ng pheromones na may intensyong patayin ang sinumang-

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now