Lycan IV: Kadena

4.5K 193 15
                                    

Lycan IV: Kadena

MARAHAS na napabangon si Lucien mula sa kaniyang pagkakahiga nang magkamalay siya. Balot sa mga butil ng pawis ang buo niyang katawan habang alerto naman ang kaniyang anyo. Noong una ay hindi niya mapagwari kung nasaan siya. Wala siyang maalala sa kung ano ang huling nangyari sa kaniya. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuoan ng silid na kaniyang kinalalagyan. Nagtaka siya nang mapagtantong siya'y nasa kaniyang silid.

Anong ginagawa ko rito? Ang taka niyang tanong.

Dahil sa pagkakatandan niya ay dumalo sila nila Derex at ng kaniyang kambal na si Lexy sa kaawaran ng hari.

Si Lexy! Mahina siyang napamura nang maalala niya bigla ang kaniyang kambal at kung ano ang mga huling nangyari.

Anong nangyari? Paanong napunta ako rito? Nasaan na siya? ang kinakabahang tanong niya sa kaniyang sarili.

Hindi niya talaga mapapatawad ang kaniyang sarili kung nakuha nga ng Hari ang kaniyang kambal. Agad siyang napabangon mula sa kumpol ng mga telang gawa sa balahibo na kasalukuyan kinahihigaan niya, subalit isang matinding pagkahilo ang kaniyang biglang naramdaman dahilan upang marahas siyang bumagsak sa sahig. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata subalit agad din siyang napapikit dahil sa liwanang na nagmumula sa pinto ng kaniyang silid nang bumukas iyon.

" Luc! " ang bulalas ni Derex nang maabutan niyang padapang nakahandusay sa sahig ang kaniyang kaibigan.

Agad niya itong dinaluhan at saka inalalayang makaupo.

" Bakit ka ba agad bumangon? Alam mo bang dalawang araw ka nang walang malay? Kaya sa malamang ay nanghihina ka pa. " ang sabi niya rito.

" Ano? " ang napasinghap na tanong ni Lucien sa kaibigan.

Dalawang araw na siyang walang malay?

" Pa-paanong? Anong nangyari? Nasaan si Lexy? " ang magkakasunod niyang tanong.

Napaiwas naman ng tingin si Derex dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ang masamang balita kay Lucien.

" Nasa poder na siya ng hayup na iyon, tama ba ako? Nakuha niya siya. At hinayaan ko lang iyong mangyari!" ang tiim bagang na saad ni Lucien.

Napatango na lang si Derex at hindi pa rin magawang makatingin sa kaibigan.

Nakokonsensya kasi siya dahil wala man lang siyang nagawa noong araw na iyon. Hindi niya pa rin makalimutan ang labis na takot na kaniyang naramdaman nang mahigit isang oras na at hindi pa rin bumabalik ang dalawa. At nang hanapin niya ang mga ito ay nakita na lamang niya ang nakahandusay at walang malay na katawan ni Lucien sa isang pasilyo sa labas ng silid na pinagdausan ng pagtitipon. Duguan ito at may marka ng kamay sa leeg nito. Senyales na hindi basta-basta alitan lang ang naganap.

Sinubukan naman niyang hanapin si Lexy subalit hindi niya ito makita, doon, ay saka lang rumehistro sa kaniyang pang-amoy ang isang matapang na pheromones ng isang Alpha. Bagaman kakaunti na lang nito ang natira sa paligid, ay batid niya kung sino ang nagmamay-ari non.

Ang hari.

Napasabunot naman sa kaniyang buhok si Lucien dahil sa labis na pag-aalala. Dalawang araw na siyang walang malay-ibig-sabihin ay dalawang araw na ring nasa puder ng hari ang kaniyang kakambal. Iniisip niya pa lang kung ano ang mga maaaring nangyari sa kaniyang kambal sa loob ng dalawang araw na iyon ay sapat na upang pakuluin sa galit ang kaniyang dugo.

Hindi niya talaga mapapatawad ang kasalukuyang hari sa oras na malaman niyang sinaktan nito ang kaniyang kakambal.

Pero....

Nakakapagtaka.

Bakit tila kalmado lang ata ang kaniyang lobo na si Icien?

Ibig sabihin ba niyon ay nasa maayos na kalagayan ang kaniyang kakambal?

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now