Chapter 4

70.1K 1.6K 58
                                    

Chapter 4
Forward

I was smiling widely when I got home. Humiga ako sa aking kama at saka tiningnan ang aking cellphone. Silver's phone number was already saved in my contacts. Binigay rin sa akin ito ni Gio kanina dahil alam kong mahal niya ako at pagbibigyan niya ako sa mga gusto ko kahit na hindi pa panatag ang loob niya.

Bumiling ako padapa sa aking kama bago huminga nang malalim at nagsimulang magtipa ng mensahe para kay Silver. Hindi ko alam kung nakailang bura pa ako ng dapat kong sabihin sa kanya bago ko pinindot ang send.

To: Silver Melendrez
Hi, good evening! Si Dianarra 'to. Are you still awake?

I wansn't expecting that he'd reply immediately but when he did, I almost had a mini heart attack. Akala ko'y tumalon palabas ng dibdib ko ang aking puso.

From: Silver Melendrez
Good evening din. Need anything?

Halos kapusin ako sa paghinga habang paulit-ulit na binabasa ang simpleng reply para sa akin. Agad din naman akong nagreply sa kanya.

To: Silver Melendrez
I got your number from Gio, by the way. Sana ay okay lang sa'yo.

Hindi niya ako binigo dahil muling naging mabilis ang kanyang pagrereply sa akin.

From: Silver Melendrez
Alam ko. Sinabi niya sa akin nang tumawag siya kanina. Okay lang naman sa akin.

Halos dumugo ang aking labi dahil sa mariin kong pagkagat dito. Kinausap na siguro siya ni Gio gaya ng sabi ko sa kanya kanina. Sana lang ay hindi niya na sinabi pa ang inamin ko sa kanya. That would be very awkward. I would probably hate him for that.

But I know Gio so well. Alam kong hindi niya ako papangunahan. Hindi niya sasabihin 'yon kay Silver.

Hindi ako agad nakapagreply dahil sa pag-iisip kaya naman muli siyang nagtext sa akin.

From: Silver Melendrez
Bakit ka nga pala nagtext?

I pursed my lips while I typed my reply that I immediately sent.

To: Silver Melendrez
Gusto ko lang tanungin kung anong oras ang tapos ng huling klase mo bukas. Isasauli ko 'yong thermos ninyo. Pero kung may plano ka bukas pagkatapos ng klase ay sa susunod na lang.

Binasa ko ulit ang aking reply sa kanya. Tinitingnan ko kung may mali ba akong nasabi. Hindi ko na sana ilalagay 'yong huling pangungusap pero ayokong isipin niya na gustong-gusto ko siyang makita at makausap ulit.

From: Silver Melendrez
4PM ang tapos ng huling klase. Hihintayin na lang ulit kita sa sasakyan ninyo. Alas-singko pa ang tapos ng klase mo, 'di ba?

My lips slightly parted while reading his recent reply. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

To: Silver Melendrez
How did you know?

I don't want to assume, but I have to admit that I'm assuming big time! Kung paano niya man nalaman ang tapos ng huling klase ko bukas ay nagpapakaligalig sa akin. Gusto kong malaman kung saan niya nakuha ang impormasyon na 'yon. I wondered if he also knew my whole schedule.

From: Silver Melendrez
I just know.

We were texting each other for the whole night before we both agreed to rest and sleep because we still have school tomorrow. He even reminded me that we will meet after class.

Hindi pa nga nagsisimula ang unang klase ko para sa araw na 'to ay gusto ko nang matapos kaagad ang lahat para sa pagkikita namin ni Silver mamaya pero sadyang hindi nakikisama ang tadhana. Every time we're waiting for a certain moment to come, every second feels like a minute. Bumabagal ang pagtakbo ng oras. Tila ba parang iniinis ka nito dahil kung gaano kabilis mo gustong lumipas ang oras ay ganoon niya rin ito binabagalan.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now