Chapter 20

49.5K 1.2K 283
                                    


Chapter 20
Insecure

"Iarra, wait!"

I heard Gio shouted my name, but I didn't stop running. The only time I stopped was when I was already outside the court. I was panting while trying to catch my breath.

Naramdaman ko rin ang pagtigil ni Gio sa paghabol sa akin nang huminto ako. Alam kong nasa likuran ko na siya ngayon dahil ramdam na ramdam ko ang kanyang presensya.

"Iarra—"

"Hindi ko pa siya kayang makita, Gio..." mahina kong sinabi sa kanya. "Lalo na't kasama niya si Kristel... Ayaw ko..."

"Is that the girl he likes?" he asked.

Umawang ang aking labi dahil hindi ako sigurado kung ano ang isasagot ko. Basta ang alam ko ay malapit silang magkaibigan dahil magkababata sila. Hindi ko alam kung gusto ba siya ni Silver na dahilan kung bakit hindi ako o sadyang wala lang talaga siyang gustong babae.

Sana ay hindi... Sana ay wala na lang siyang gusto para mas kaya ko. Para hindi ganoon kalalim ang sakit. O kung gusto niya man, sana ay hindi ko na malaman.

"I don't know..." Iyon na lamang ang nasagot ko.

"I'm sorry I asked you to come with me..." Gio apologized. "Halika na at ihahatid na kita pauwi."

Nilagpasan ako ni Gio upang tumungo sa kanyang sasakyan ngunit agad ko siyang hinawakan sa braso upang mapigilan sa pag-alis. Tumigil si Gio sa paglalakad dahil sa aking pagpigil sa kanya. Hinarap niya ako at tila nananantiya ang kanyang tingin sa akin.

"Balik na tayo sa loob," pag-aya ko sa kanya.

Nanliit ang kanyang mga mata sa akin. "Are you sure?"

I smiled to assure him and nodded. "I'm sure."

Bumuntong hininga siya bago tumango-tango kahit na nakikita ko ang kanyang pag-aalangan. "Okay..." sabi niya. "Kung iyan ang gusto mo."

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na bumalik kami sa loob pero nang makitang papalabas na sina Silver, sa tingin ko'y magandang desisyon iyon. Aalis naman na pala sila. Wala ng rason para umuwi pa kami ni Gio.

Kahit na pilit kong iniiwas ang aking tingin ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naka-akbay siya sa kanyang mga kaibigan na tinutulungan siya sa paglalakad. Sa likuran nila ay nakasunod si Kristel na dala ang gamit ni Silver.

Nang tumama ang kanyang tingin sa akin ay halos manigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi siya umiwas sa aking tingin at hindi rin ako umiwas. Parang kinukurot ang puso ko habang magkatinginan kaming dalawa. When his lips parted, that's the time I cut our stare. I bowed my head and just watched my steps.

"Dianarra!"

Napatigil ako nang madinig ko ang pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago nag-angat ng tingin kay Kristel na ngayon ay naglalakad na papalapit sa amin.

I smiled at her. "Kristel..."

Naramdaman ko ang pagtigil sa pag-alis nina Silver at ng kanyang mga kaibigan dahil sa paglapit sa akin ni Kristel.

"Buti na lang at nandito ka..." sabi niya at sinulyapan si Gio na aking katabi. "Naaksidente kasi si Silver habang naglalaro kanina. Kung hindi kami nakakaabala, pwede bang pahatid kami sa pagamutan sa kabilang kanto upang matingnan siya?"

"Kristel." May diin ang boses ni Silver sa pagtawag sa kanyang kaibigan ngunit hindi naman siya nito pinansin.

"Uh... Hindi ko kasi dala ang sasakyan namin..." sabi ko. "Kasabay ko lang ang best friend ko. Sa kanya ako sumakay."

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon