Chapter 6

58.9K 1.4K 48
                                    

Chapter 6
Worry

"Learn how to look at your phone, especially when you're not home, Iarra. What if there's an emergency?" Kuya Diego scolded me as soon as I got inside the house.

I saw my mother calmly sipping her coffee while reading some papers. She raised her eyebrows while hearing my brother's lecture.

"I'm sorry, Kuya..." I apologized right away instead of answering back. "It won't happen again. I promise."

Bumuntong hininga si Kuya bago nilahad ang kanyang mga braso at ngumiti sa akin.

Napangiti naman ako't agad na lumapit sa kanya upang mayakap siya. He combed my hair using his fingers and kissed the top of my head.

"I miss you, baby sister..." he whispered.

Mas lalo naman akong napangiti. Isang buwan din ang nakalipas mula nang umalis si Kuya upang bumalik ng Manila. Namiss ko siya ng sobra.

We gathered in the living room while our maids served us some snacks. Kuya Diego showed me the things he brought for me.

"May mga ipinapabigay rin si Ate Ariana sa'yo riyan," sabi niya at lumapit sa isang malaking paper bag na mukhang marami ang laman. "She bought you books to read. Nasabi mo raw kasi sa kanya na wala rito iyong hinahanap mong mga libro kaya ibinili ka niya roon sa Manila."

Agad kong tinakbo ang distansya namin ng paper bag kung nasaan nakalagay ang mga binili ni Ate Ariana para sa akin. Sa pinakataas pa lang ay nakita ko na ang sinabi ko sa kanyang libro na hindi ko makita rito. Ang mga ibang libro na ipinadala ay siya na mismo ang pumili.

Well, I don't mind. Pagdating sa mga librong binabasa ay parehas kami ng nakakahiligan ni Ate kaya sigurado akong magugustuhan ko itong mga ipinadala niya.

"I thought you'll be with your fianceé?" Our mother suddenly broke her silence and stopped from reading the papers she was paying attention to. "Why didn't she come home with you?"

Nilingon ko si Kuya Diego dahil nangako rin siya sa akin na pagbalik niya rito ay isasama niya ulit si Ate Rain. Dalawang beses ko pa lang siya nakikita sa loob ng tatlong taon na naging sila ni Kuya Diego. Ang unang beses ay noong dinala siya rito ni Kuya at ang pangalawa ay nang namanhikan kami sa Maynila.

"She's busy with work, Ma," sabi naman ni Kuya. "May kailangan siyang tapusin sa trabaho para payagan siyang ma-extend ang leave. One week lang kasi ang naipaalam niya no'ng una. If you'd informed us beforehand na may regalo kang honeymoon trip para sa amin sa ibang bansa ay nagawan sana agad ng paraan. Ayaw niya namang mag-absent."

Bumuntong hininga si Mommy. "So, is it my problem, then?" taas-kilay niyang tanong. "Mukhang masama pa ata ang loob ninyo sa munting regalo ko."

"It's not that, Ma..." Hinilot ni Kuya Diego ang kanyang sintido. "Rain actually loves the idea of spending our honeymoon in abroad. Ang problema lang ay hindi agad napaghandaan."

"Well, that is why I suggested to your fianceé na magresign na sa trabaho niya," simpleng sabi ni Mommy. "You two can establish your own business together. I'm sure you can joggle your restaurant and the new business if ever. Lalo na't magaling naman ang mapapangasawa mo."

"She wants to strive on her own, and I want to give her that freedom," Kuya Diego defended her.

Mom just shrugged her shoulders before standing up.

"I'm gonna rest first. Maaga pa akong luluwas patungong Castillo. I'm going to meet a client and hopefully, close another deal."

Napangiti naman si Kuya Diego. "I know you can do it, Ma."

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now