Chapter 13

48.4K 1.1K 28
                                    

Chapter 13
Slippers

"Wala ang sasakyan ninyo?" tanong sa akin ni Silver nang makalabas na kami ng campus at wala ang aming sasakyan na laging naghihintay sa aking pag-uwi.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi ako nagpasundo ngayon. Kung paano ka umuuwi sa inyo, ganoon din ang gusto kong gawin natin."

I want to experience his life. Alam kong malaki ang agwat sa pamumuhay naming dalawa at lalo na ang kinagisnan naming buhay. Ito ang isa sa mga naisip kong paraan upang mas magkalapit kaming dalawa sa isa't isa. Para mas makalapit ako sa kanyang mundo.

"Sigurado ka ba?" nag-aalangan niyang tanong sa akin. "Okay lang sa'yo na sumakay ng tricycle?"

Bahagya akong natawa at marahang pinalo ang kanyang braso. "Ano ka ba? Syempre naman!" sagot ko. "Nakasakay na ako ng tricycle at hindi lang isa o dalawang beses."

"Naisip ko lang na baka hindi ka pinapaalis sa inyo na walang sasakyan na taga-hatid at taga-sundo," sabi niya.

"Hindi..." Muli akong umiling. "Kapag may pasok lang ay talagang hatid-sundo ako. Pero kapag gusto kong mag-isa lang ako umalis ay nagt-tricycle ako o kundi naman ay ginagamit ko ang bike ko."

He looked at me with an amused look. Ngumisi na lang siya at saka inilahad ang daanan patungo sa pilahan ng mga tricycle na naghihintay ng pasahero sa labas ng eskuwelahan.

Pumara siya ng isang tricycle mula sa pilahan at agad itong lumapit sa amin.

"Sa Begonia po. Bungad lang," sabi ni Silver sa tricycle driver.

"Sakay na. Special ba?" tanong nito sa amin.

"Sige po," walang pag-aalangang sabi ni Silver at saka lumingon sa akin. "Pasok ka na sa loob."

I smiled and nodded before I bent down. He casually put his hand on the top of my head while I went inside. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa simpleng pag-aalala niya. Ginawa niya 'yon para hindi ako mauntog kung saka-sakali man.

I put my bag on my lap when I was seated inside. Hinubad naman ni Silver ang kanyang bag bago pumasok sa loob at nang umupo ay kinandong din ito katulad ko.

Maliit na espasyo lamang ng tricycle ang aking nasasakop pero dahil may kalakihan ang katawan ni Silver ay naging masikip ito para sa akin. Nang umayos pa siya sa pagkakaupo ay naramdaman ko ang mas lalong pagdikit ng kanyang hita sa akin. Even when he was seated, I can feel his thigh and leg muscles were all tensed up.

Napalunok na lang ako at inalis ang titig sa aming magkadikit na hita. Mabuti na lang at hindi siya sumasandal dahil buong katawan na namin ang magiging dikit sa isa't isa. Gusto ko man pero hindi ko alam kung makakaya ko bang pigilan ang nararamdaman ko kapag nangyari 'yon. I might explode!

Nang makita ng tricycle driver na maayos na kami sa loob ay agad na rin itong tumulak paalis dahil special ang sinabi ni Silver. Hindi na namin kailangang maghintay na may pasahero pang sumakay pa sa likod.

Ang hanging mula sa labas ay bumuga papasok sa loob dahil sa pagtakbo ng tricycle. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango ni Silver na akin tumatama. Halos mapapikit pa ako sa bango nito ngunit bago pa ako tuluyang mawala sa wisyo ay humarap siya sa akin.

Napakislot naman ako sa sobrang gulat at bahagyang umusod sa gilid kahit wala na akong uusuran pa. Inilihis ko ang aking mukha mula sa kanyang paningin at mariing kinagat ang aking labi dahil sa sobrang hiya. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang aking pisngi.

Did he see me almost lost in thoughts while smelling his pleasant manly scent?

Sana ay hindi! Nakakahiya!

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now