Chapter 25

43.9K 1.3K 127
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 25
Surreal

The cold wind was roughly blowing on me but I didn't mind the cold while I watched the sun set and the sky started to be painted with twilight colors from our veranda. I was tightly holding on to the wrist watch I gave Silver like it was the only thing where I could pull out strength to continue believing that he's not yet dead.

I refused to believe that he's already gone when we were just about to start living a life together under one roof; to exchange vows, promises and rings that will symbolize our eternal love; to create a family we once talked about.

"Iarra..."

I heard my brother called me but I didn't even bother turning to him. I didn't want to hear whatever he had to say.

"Silver's parents want to ask if you want to come with them. Magtitirik sila ng kandila at mag-aalay ng dasal para kay Silver kung saan nangyari ang aksidente," nagbabaka-sakaling sabi ni Kuya sa akin.

"Hindi ako pupunta," agap kong sabi habang diretsong nakatingin sa tanging tanawin na nagpapakalma sa akin ngayon.

I heard Kuya Diego deeply sighed. "You should be with them, Iarra," he encouraged me. "Just like them, you love Silver more than anything. You should be there while they set his soul free by praying for him. I know Silver would love it if you will be there."

"Hindi si Silver 'yon, Kuya..." mariin kong sabi kahit nagsisimula na ako ulit panghihinaan ng loob.

"Iarra..." Dinig ko na ang hirap sa boses ni Kuya upang ipaintidi sa akin ang gusto niyang maintindihan ko.

"Hangga't hindi pa lumalabas ang resulta, I will never believe that he's dead and gone," I firmly said.

"Dianarra, I know it's hard to accept everything that happened, lalo na't sobrang bilis ng mga pangyayari pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan na wala na siya," sabi ni Kuya Diego at hindi pa rin sumusuko sa pagpapaintindi sa akin. "All the evidences found on the site leaded to him. His bag, IDs and other cards inside his wallet, the watch that you gave him... And he's missing ever since that night. It's been two days. He's nowhere to be found—"

"Hindi pa siya patay, Kuya! Hindi pa! Hindi!"

I wasn't able to contain my feelings anymore. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa relos niya nang hinarap si Kuya Diego. Sumabog muli ang aking luha na akala ko'y ubos na.

Agad na lumapit si Kuya Diego sa akin. Binalot niya ako ng mainit na yakap habang nakahalik sa aking ulo.

"I'm sorry..." he apologized and tried to comfort me. "Don't cry anymore please... Ibigay mo na lang kay Kuya ang sakit. Nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nasasaktan."

Unti-unti nang sumusuko ang isipan ko at tinatanggap na ang sinasabi nilang wala na ang lalaking pinakamamahal ko ngunit ang puso ko ay lumalaban pa. Ang ginagawang pagtibok nito ay para sa kaunting pag-asa na hindi pa napapatunayang si Silver nga ang nasawi sa trahedyang nangyari. Hindi ko alam kung paano pa ako kakapit sa aking buhay kung sakaling mapatunayang wala na nga siyang talaga—ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Hindi ko talaga alam...

"Iarra, kumain ka na. Lalamig ang pagkain," sabi sa akin ni Ate Ariana.

Tulala lamang ako sa aking pinggan habang nilalaro ko ang pagkain na nilagay ko rito kanina bago muling lumutang at lumipad ang aking pag-iisip.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Kuya Diego na mukhang kanina pa ako pinapanood na wala sa aking sarili. Napaisip tuloy ako kung kailan nila balak umuwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now