Chapter 32

45.6K 1.2K 107
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 32
Sister

Nakatulog ako kagabi at nagising sa panibagong umaga nang wala si Gio sa aming kuwarto. Hindi ko alam kung anong oras siya bumalik dahil agad akong hinila ng antok pagkatapos kong maglinis ng katawan. Ngayon naman ay hindi ko alam kung anong oras siya nagising dahil tinanghali ako dala ng matinding pagod.

I glanced at the wall clock to check the exact time and saw that it was almost eleven in the morning. Hindi ako madalas tinatanghali ng gising pero kapag pagod na pagod ay hindi ko maiwasan.

My eyes drifted on the lamp table beside the bed. The sticky note and tulip placed on it caught my attention. Kinuha ko iyon at napangiti dahil sa aking paboritong bulaklak. Inabot ko rin ang sticky note upang mabasa ang maikling mensahe ni Gio para sa akin.

I'm sorry kung umalis na ako agad, but I really need to leave early. I didn't want to wake you up. I'll text you from time to time. See you tomorrow.

—Gio

Napabuntong hininga ako matapos basahin ang mensahe ni Gio. Kinuha ko rin ang aking cellphone na nasa loob ng drawer at nakitang mayroon na siyang text para sa akin.

From: Gio
Nandito na kami ni Mama sa planta. I'll be busy for the whole day. Please take care while I'm away.

Pagkatapos pa ng mensahe na 'yon ay mayroon pa ulit na sumunod. Tiningnan ko ang oras nang pagdating ng dalawang mensahe at wala pa itong tatlong minutong pagitan.

From: Gio
If it isn't too much to ask, please update me about your activites. It will mean a lot to me.

I took a deep breath after reading his message. Nagtatalo ang aking isipan kung magte-text ba ako sa kanya o hindi. But of course, I didn't want to be rude that's why I decided to send him one text message.

To: Gio
I just woke up. Pagkatapos maligo ay pupunta ako sa amin para kuhanin ang natitirang mga gamit ko. I might also spend the whole day there. Mag-ingat kayo ni Tita Yunice riyan.

Inilagay ko na sa buong mensahe na 'yon ang mga plano kong gawin buong araw para hindi niya na kailangang magtanong-tanong pa mamaya.

Bago ako nagpasyang maligo ay binasa ko ulit ang aking pinadalang mensahe sa kanya. Ngumuso ako habang iniisip kung mali ba ang ginawa kong pagtawag kay Tita Yunice. I already married her son, but I still couldn't find it in me to call her Mama Yunice. It felt so awkward and inappropriate for me to call her the way I should address her now. Nasanay ako buong buhay ko na Tita ang tawag ko sa kanya. Pero syempre, dahil alam kong iyon ang tama ay susubukan ko.

I was already done taking a bath and preparing to leave when Gio's reply came. I didn't reply anymore because I thought it wasn't necessary.

From: Gio
Okay. Thank you for texting me. Your car's in the garage by the way. The keys are in the drawer. Take care.

Ibinulsa ko na lang ang aking cellphone nang wala talaga akong maisip na ireply sa kanyang mensahe. Hindi rin naman siya nagtanong. Nasabi ko na rin ang mga nais kong sabihin sa kanya sa nauna kong text. Okay na siguro 'yon.

"Magandang umaga po, Ma'am!"

Halos mahulog ako sa hagdanan nang biglang may bumati sa akin. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa dalawang babae sa aking harapan. Napakapit ako sa handrails upang masuportahan ang sarili.

Sa tingin ko ay hindi masyadong nalalayo sa isa't isa ang agwat ng edad naming tatlo dahil may kabataan ang kanilang hitsura. They must be in their early twenties.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now