Chapter 18

50.9K 1.2K 98
                                    

Chapter 18
Pathetic

Naging matahimik ang biyahe namin patungo sa The Valley na pagmamay-ari ng mga Valiente dahil doon daw nakadaong ang bangka na kanyang nahiram. At saka mas malapit ang mga isla kung doon kami manggagaling.

Hindi naman naging matagal ang aming biyahe kaya hindi ko na ininda ang katahimikan na naghari sa pagitan naming dalawa. In less than ten minutes, we already arrived at The Valley. Ipinarada ni Silver ang sakay naming Tamiya kahilera ng mga ibang sasakyan na nakaparada sa parking lot ng resort.

May kinuha si Silver sa likod ng sasakyan na basket at nakapatong doon ang pamilyar na mat na ginamit namin noong nagstargazing kami sa may puno ng Narra. Nilingon niya ako nang maayos niya na itong bitibit.

"Tara na?" pag-aya niya sa akin.

Nakangiti akong tumango sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob ng hotel. Kailangan naming dumaan doon patungo sa likuran kung nasaan ang dalampasigan.

The hotel was packed with tourists and guests. Well, since this is the only well-known hotel and resort here in Bela Isla, I wasn't surprised anymore. Plus, it's still the season for a vacation.

"Siguro ay madalas ka rito?" biglang tanong sa akin ni Silver habang patuloy kami sa paglalakad.

"Hmm... Hindi naman," sagot ko. "Isang beses pa lang ako nakakapagstay rito sa hotel pero madalas akong dalhin ni Gio sa dalampasigan nito. Hindi nga lang kami dumadaan dito dahil sa iba dinadaan ni Gio ang sasakyan niya."

Tumango si Silver. "May ibang daanan nga ang sasakyan dito na mas malapit sa dalampasigan. Hindi na kailangang dumaan dito pero hindi tayo puwede roon," sabi niya. "Iyong mga kilala lang ang pinapadaan."

"Ayos lang naman sa akin na dumaan sa hotel. It's been a while since I've been here..." I told him before wandering my eyes around the hotel's lobby again and saw a familiar figure.

Naningkit ang aking mga mata upang mas makilala ang taong nasa 'di kalayuan nang humarap ito sa akin at nagtagpo ang aming mga mata.

The elegant Cora Valiente smiled brightly when she saw me. She excused herself from the man wearing a suit and tie just to come closer.

Huminto naman ako sa paglalakad upang batiin si Tita Cora. Bahagyang kumunot ang noo ni Silver sa aking paghinto at magtatanong na nasa nang mabilis na nakalapit si Tita Cora sa amin at humalik sa aking pisngi.

"Dianarra, it's a surprise seeing you here!" she laughed and held my hand. "You didn't tell me you would come. Do you already have a room to stay or..."

Mabilis akong umiling at bahagyang natawa sa reaksyon ni Tita Cora. "It's fine, Tita..." sabi ko. "Hindi naman po kami mags-stay rito. Dadaan lang po kami papuntang dalampasigan. We'll go island hopping."

Mukhang ngayon lang na-realize ni Tita Cora na may kasama ako at napalingon siya kay Silver na aking katabi. Her eyebrows rose up with a meaningful smile on her face.

"Oh! And who's this fine young man, Dianarra?" she asked and glanced at Silver again.

"Tita, he is Silver Melendrez," I introduced Silver.

Silver smiled at Tita Cora and offered his hand. "Nice to meet you, Ma'am," he courtly greeted her.

"I'm Cora Valiente but you can call me Tita Cora. Ma'am just sounds too professional," natatawang sabi ni Tita.

Kita kong bahagyang natigilan si Silver nang ipakilala ni Tita Cora ang kanyang sarili. Her name must ring a bell to him. Siguro ay hindi siya pamilyar sa mukha ni Tita pero ang pangalan niya ay madalas niyang marinig.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now