Chapter 34

44.7K 1.4K 93
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 34
Embrace

After I was done placing the leftover foods inside the fridge, I decided to go outside of the mansion and sat on the fine grains of sand. I almost forgot that our mansion has a beach at the back of it that made me in love with it before. Well, even until now that it's already my home, I'm still in love with it.

I looked up in the sky, hoping to see a starry night, but I guess the sky was mimicking my current feelings. It was very dark and I couldn't even see a faint light from the stars. Though, it was a good thing that the moon was visible as it could still give light to the dark sky.

Nakakamangha dahil kahit na mag-isa lang siya ngayong gabi, nagawa niya pa ring magbigay ng liwanag sa kadiliman ng gabi kahit papaano. Nilabanan niya ang makakapal na ulap na tumakip sa mga bituin na dapat ay kasama nito at hindi nagpasakop dito.

I didn't want to go inside our room yet. Gusto ko munang magpahangin para kahit papaano'y gumaang ang aking pakiramdam. Ayoko ring abutan siyang gising pa sa aming kuwarto dahil hindi ko alam kung paano ako aakto.

Gusto kong matawa dahil isang araw pa lang ang nakakaraan mula no'ng umiiwas ako kay Gio pero ni mangiti ay hindi ko magawa dahil siya ngayon ang lumalayo sa akin. Just when I was trying to cope up with one of the changes in my life, it suddenly changed again. Sobrang bilis nang pagbabago ng buhay ko na hindi ko na masigurado sa sarili kung akin pa ba ang buhay na 'to. I wasn't the one who's in control of it anymore, and I didn't know if I could still successfully grab the handle to lead my life once again.

Ang sabi ng iba ay suwerte ang mga taong nakakaranas ng madaming problema dahil kapag nalagpasan mo ang lahat ng problema na 'yon ay wala kang kasing tatag at tiyak na marami kang matututunan. Pero paano naman ang mga hindi kayang lagpasan ang nakaharang na problema? Papasanin na lang nila ang bawat problemang makakaharap nila para lamang makausad at kapag hindi na nila kaya ang bigat ay tuluyan na rin silang bibigay.

Sa dalawang magkaibang tao na 'yon, sino kaya ako sa kanila?

The cold night breeze blew so hard at nanunot ang lamig sa aking balat. The spaghetti strap dress that I was wearing made it hard for me to bear with the arctic feeling of the cold wind. Wala akong nagawa kundi pumasok na lang ulit sa loob ng bahay at agad na naramdaman ang init na inaasam.

Habang papalapit ako sa aming kuwarto ay paulit-ulit akong nananalangin na sana ay hindi ko na maabutang gising si Gio at nakahinga ako ng maluwag nang masagot ang aking panalangin.

Gio was sleeping on the couch. His right forearm was resting on his forehead and his legs were curled up just to fit on the small space of our couch. Just by looking at him, I can see that he wasn't comfortable with his position at all.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso habang pinapanood siyang mapayapang natutulog. Pagod na nga siya, pagkatapos ay hindi pa siya makapagpahinga ng maayos nang dahil sa kanyang masikip at maliit na higaan.

"Gio..."

Marahan kong inaalog-alog ang kanyang braso. Nasisiguro kong hindi malalim ang kanyang pagtulog sa masikip na upuan kaya agad siyang nagising. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at saka ako nilingon.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Doon ka na sa kama matulog," sabi ko. "Maglilinis lang ako pagkatapos ay matutulog na rin."

Bago pa siya bumangon ay tumungo na ako sa walk-in closet para kumuha ng aking pantulog. Nang lumabas ako roon ay lumawak ang aking ngiti nang makitang mabilis siyang nakatulog sa kama. Dumiretso na ako sa banyo pagkatapos siyang titigan nang ilang segundo para maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now