Chapter 50

79.7K 2K 570
                                    

This is the last chapter of #GrievingSoulWP

Chapter 50
Universe

Nang magkaroon ako ng malay, agad kong ininda ang sakit sa aking katawan. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ng aking ina na punong-puno nang pag-aalala at takot. Inilibot ko ang aking tingin sa silid at nakita rin doon sina Ate Ariana kasama ang kanyang pamilya. Nanatili ang tingin ko kay Arianne na pulang-pula ang mukha habang humahagulgol at kalong-kalong ni Kuya Jameson.

"Thank God, you're fine!" Mom said in relief.

She came to me and kissed my forehead. Naramdaman ko ang pagpatak ng kanyang mumunting luha sa aking mukha nang siya'y lumapit at humalik sa akin. Nang lumayo naman siya ay bumungad sa aking paningin si Ate Ariana. Hindi rin nakatakas sa akin ang pamumugto ng kanyang mga mata.

"Diego will be here tonight. He's just making sure first that Rain is fine to be left in Bela Isla with Dhan," malumanay na sabi sa akin ni Ate Ariana.

Kahit na alam ko kung bakit wala si Kuya Diego, pakiramdam ko'y mayroon pa ring kulang kaya muli kong nilibot ng tingin ang silid. Wala sa sarili akong napahawak sa aking kamay na dahilan kung bakit ko nasalat ang aking singsing na suot sa kaliwang kamay.

My eyes widened when I suddenly remembered the last call I had before I lost my consciousness. Walang salita akong napabangon na dahilan kung bakit lahat sila ay naging alerto.

"Iarra, just stay still―"

"Nasaan si Gio?" tanong ko na nagpatigil kay Mommy sa pagsasalita.

Napatikom agad ang kanyang labi at bahagya siyang napaatras na para bang ayaw niyang sagutin ang aking tanong. Inilipat ko kay Ate Ariana ang aking tingin at hindi ko nahanap ang kanyang mga mata dahil ito'y nakaiwas sa akin.

"Nasaan ang asawa ko?" desperada kong tanong habang nagtutubig na ang aking mga mata para sa nagbabadyang luha. "Sabihin ninyo sa akin!"

The deafning silence in the room was tearing me apart. Sa katahimikang iyon ay parang nakuha ko na ang sagot na aking hinihingi.

"I-I'm sorry, Iarra..." Ate Ariana's brave soul answered me, but her voice broke just when she's about to speak. "He... He didn't make it."

Sunod-sunod ang naging pagpatak ng aking luha habang ako'y umiiling-iling. Akmang aalis ako sa aking kama upang hanapin ang aking asawa ngunit agad akong pinigilan ni Ate Ariana. Ramdam kong nanghihina siya ngunit nagagawa niya pa rin akong papirmihin sa aking kinalalagyan dahil mas nanghihina ako.

"Jameson, help me!" tawag niya sa kanyang asawa.

Mabilis na dumalo si Kuya Jameson sa akin upang pigilan ako. Nilingon ko si Mommy na ngayo'y hindi na napigilan ang paghagulgol. Nagmamadali siyang lumabas ng aking silid upang siguro'y hindi maipakita ang kanyang pag-iyak.

"Hindi totoo 'yan!" Umiling-iling ako habang nararamdaman ko ang pagkapira-piraso ng aking puso dahil sa sakit. "Hindi puwede..."

Mahigpit akong niyakap ni Ate Ariana. Ang sakit na kanyang nararamdaman ay tila ba dumadagdag sa sakit na namumuo sa aking puso.

"Bitawan ninyo ako!" sigaw ko habang patuloy ako sa pagpupumiglas. "Gusto kong makita ang asawa ko! Kailangan kong makita ang asawa ko!"

"Iarra, you need to rest first, please..." nakikiusap na sabi ni Kuya Jameson sa akin.

Maagap akong umiling. "I need to see my husband, please..." patuloy ko sa pag-iyak. "Hindi totoo ang sinasabi ninyo! Hindi! No! No, Gio! No!"

"Iarra!"

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now