Chapter 19

43.8K 1.2K 125
                                    

Chapter 19
Court

I cried myself to sleep for two consecutive nights, and tried to smile during the day by reading romanctic novels or watching romantic movies. In the end, I'd still end up crying whenever I see the couples achieve their own happy ending which I wasn't lucky enough to have. Ang swerte nila dahil kahit sa pelikula at nobela ay nagawa nilang maranasan ang masayang pag-ibig.

Simula noong galing kami sa isla ay hindi na kami muling nag-usap pa. I don't have the guts to text him after the pain and embarrassment he made me feel. He didn't also bother to send me a message as well.

Nakakahiya. Hindi ko alam kung bakit naisip kong iyon ang tamang oras na umamin sa kanya. I shouldn't have had followed my instincts. At kahit na sabihin kong ayos lang at tatanggapin ko kung ano man ang maging resulta ay inaamin kong mahirap pa rin para sa akin.

Well, I guess, that's it!

That's the end of my feelings for him. Hanggang doon na lang kaming dalawa sa isla kung saan niya winasak ang pag-asang dala-dala ko para sa aming dalawa.

Maybe it's just normal to be heart broken for the first time. Hindi naman lahat ng una ay siya na ang nagiging huli. I know I can move on! I trust myself that this is not the end. Eventually, I'd come to love someone new that can give me what he failed to give me.

Sa ngayon ay mahirap pa dahil sariwa pa sa akin ang ala-ala. The way his eyes looked me pitifully... The way he say he's sorry for not feeling the same way I do... Masakit pa rin sa akin ngayon habang binalik-balikan ko.

If only Gio's here to comfort me. Sinubukan ko siyang tawagan pagkauwi ko noong araw na 'yon pero hindi siya sumagot. I just received a text from him an hour after that he just woke up. Bumiyahe sila patungong San Antonio para sa kanilang business at nakatulog siya sa biyahe dahil dalawang oras din ang pinakamabilis na biyahe patungo roon. Siguro ay traffic kaya nakatulog siya at humigit pa sa dalawang oras ang biyahe. Nandoon si Tita Yunice na nauna na habang kasama ko pa si Gio sa Manila.

I didn't tell him the true reason I called him. Ang sinabi ko lang ay gusto kong pumunta sana sa kanila dahil bored ako at maaga akong nakauwi mula sa gala namin ni Silver. Alam kong kapag sinabi ko sa kanya ang nangyari ay uuwi siya agad at babalik dito sa Bela Isla para sa akin.

I'm hurt and I need him here beside me but I know shouldn't be selfish. His mom needs him there for their business. Nasa akin na nga siya ng isang buwan na dapat ay isang linggo lang pero ayos lang iyon sa kanya. Tita Yunice's just really kind enough to understand.

Habang tanaw ang aming malawak na lupain sa veranda ay nakatitig ako sa aking cellphone at nagtipa ng mensahe para sa aking matalik na kaibigan.

To: Gio
When are you going home, Gio? I miss you.

Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa bago sumandal sa backrest ng upuan. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang pag-ihip ng hangin. Nagmuni-muni ako at muntik pang makatulog habang hinihintay ang reply ni Gio ngunit halos kalahating minuto ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagrereply sa akin.

I pouted and rested my chin on my knuckles while staring at my phone. He must be busy right now. I should remind myself everytime that he's not there for a vacation. He's working, and I shouldn't disturb him.

Sadyang ang hirap lang na wala akong mapaglabasan ng aking nararamdaman para kahit papaano'y gumaang man lang. He's my only friend here that I can trust and confide in.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ako nagtagal sa veranda bago ko napagdesisyunang pumasok sa aking kwarto. Itinabi ko ang akong cellphone sa loob ng drawer at humiga sa kama para makatulog na lang kaysa mag-isip ng kung anu-ano na ikakabahala ko lamang. Binalot ko ang aking katawan ng comforter dahil sa kakaibang lamig ngayon dito sa aking kwarto. Nang maging kumportable sa naghahalong init at lamig ay tuluyan na akong nakatulog.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now