Chapter 26

45.2K 1.2K 121
                                    

#GrievingSoulWP

Chapter 26
Hope

I was holding Gio's hand while he drove on the way to our mansion. I didn't want to let go of his hand because I was afraid that he might suddenly disappear if I did. Kahit ang aking mga mata ay hindi ko hinayaang malihis ang tingin sa kanya. I wouldn't even let it blink. Baka kasi namamalikmata lang ako. Dahil kung sakaling ganoon man ay susulitin ko na ang kathang-isip na 'to.

Hindi niya ako hinayaang magmaneho pauwi mag-isa. Iniwanan namin doon sa may tabi ng bangin ang aking sasakyan at kinuha niya sa akin ang susi nito bago ako isinakay sa kanya. Ibinalot niya pa ako sa tuwalya na nasa backseat habang siya'y basang-basa pa rin.

Silence reigned between us on the way home. Hindi ako nagsalita dahil ang gusto ko lamang gawin ay titigan siya at hindi niya rin ako kinausap dahil abala siya sa pagmamaneho. Kailangang magdoble ingat dahil malakas ang pagbagsak ng ulan at halos wala na siyang makita sa wind shield.

Mabuti na lamang ay nakauwi rin kaming ligtas. Sa bukana ng aming mansyon ay naroroon ang aking mga kapatid pati na rin si Mommy na pare-parehong nagpapakita ng pag-aalala.

Kahit patay na ang makina ng sasakyan at nakahinto ng maayos ay walang lumabas mula sa sasakyan. Hawak-hawak ko pa rin ang kanyang kamay at iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya makalabas. Ayokong bitawan ang kanyang kamay. Natatakot ako.

Halos mapatalon ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Nilingon ko ito at nakita si Kuya Diego sa labas na may hawak na payong.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Gio na dahilan kung bakit ako muling napalingon sa kanya na nakatingin na sa akin gamit ang kanyang namumungay na mga mata.

"You have to go out now," he told me. "Your family's waiting."

Ngumuso ako at tiningnan ang aking kamay na nakahawak sa kanya. Pinaglaruan ko ang kanyang mga daliri bago muling nag-angat ng tingin. Nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin at mas lalong pumungay ang kanyang mga mata

"Iiwanan mo ba ako ulit?" tanong ko sa kanya. "Uuwi ka na agad sa inyo?"

He shook his head. "I won't," he answered. "I'll come with you. If you want me to stay, I'll stay."

His words gave me so much assurance that it made me smile as I let go of his hand. Kinuha niya na rin ang susi ng kanyang sasakyan mula sa ignition at umambang bababa habang nakatingin sa akin.

"Mauna ka na. Susunod agad ako," sabi niya sa akin.

Tumango na lamang ako at saka binuksan na ang pintuan sa aking gawi. Agad akong inalalayan pababa ni Kuya Diego at inakbayan upang mas mapalapit sa kanya at hindi kami mabasa ng ulan. Nadinig ko rin ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan ngunit hindi ko na malingon si Gio dahil sa pirmi ng pagkakahawak sa akin ng aking kapatid.

Basta ang alam ko lang ay nakasunod siya ngayon sa amin at masaya na ako roon. That's all I needed right now and I thank him for giving into my pleas.

Mabilis na lumapit si Ate Ariana sa akin at sinalubong ako ng yakap. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Si Mommy naman ay nanatiling nakatingin lamang sa akin at mukhang mayroong pumipigil sa kanyang lumapit.

"Bakit bigla-bigla ka na lang umaalis?" tanong niya sa akin. "Nag-alala kami! We don't know where you went and knowing you're still emotionally unstable... Dianarra, don't ever do it again."

"Did you find her at the cliff, Gio?" Kuya Diego asked my best friend.

"Yes, Kuya..." he simply answered.

Grieving Soul [#Wattys2019 Winner]Där berättelser lever. Upptäck nu