CHAPTER 1

88.1K 2.2K 63
                                    

Dahan-dahan kong inilagay ng pulang rosas sa vase na nasa tabi ng litrato ni mama. Ngumiti ako at marahang hinaplos ang nakangiting mukha ng aking ina. Mayamaya lang ay napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at muling hinaplos ang litrato ng ina.

"Oh, anak, nandito ka na pala," Napalingon ako noong magsalita si papa sa likuran ko. Umuubo ito kaya naman ay napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Ayos ka lang po ba?" tanong ko sa kanya at mabilis na nilapitan ito. Napansin ko ang kapatid ko sa likuran ni papa, tahimik lamang na nakamasid sa aming dalawa.

"Nako, natuyuan lang ako ng pawis kanina, Belle. Huwag kang mag-alala sa akin."

"Pa, may sakit ka! Paanong "di ako mag-alala sa'yo?" mahinang tanong ko sa kanya at inalalayang maupo sa bakanteng upuan sa tabi namin. "Harold, pahingi nga ako ng tubig," utos ko sa tahimik na kapatid. Walang imik itong kumilos at umalis sa kinatatayuan niya. Mayamaya ay bumalik na ito at inabot sa akin iyong hiningi ko. Napagpasalamat ako sa kapatid at maingat na pinainom ko si papa. Tahimik kong pinagmamasdan ang ama at noong muli itong umubo, marahan kong hinaplos ang likuran nito.

"Ayos lang ako, anak. Ikaw? Kumusta ang eskuwela?" marahang tanong niya sa akin at tipid na nginitian ako.

"Everything's fine, Papa. Huwag kayong mag-alala sa pag-aaral ko," sagot ko at nag-iwas nang tingin sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang bagong university na pinapasukan ko ngayon. Masyadong simple ito kumpara sa pinapasukan ko noon sa siyudad. Naninibago ako, oo. Ganoon naman talaga ang nararanasan ng lahat ng bagong estudyante sa bagong paaralan nito. Kailangan ko lang talagang sanayin ang sarili ko para naman ay maging matiwasay ang huling taon ko sa university na iyon.

"Pasensya ka na talaga, Belle. Alam kong nahihirapan ka sa university na pinapasukan mo ngayon. Kung may sapat na ipon lang sana ako, dapat nasa mas magandang paaralan ka sana pumapasok ngayon," ani Papa at hinawakan ang kamay ko.

"Pa, walang kaso sa akin kung saan man ako mag-aral. Naninibago lang po ako. Iyon lang... kaya huwag ka pong mag-alala tungkol sa pag-aaral ko." I tapped his shoulder. Trying to convince him with every word I'm saying right now.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Papa ay naghanda na ako para sa hapunan naming tatlo. Tumulong naman ang kapatid kong si Harold na siyang ipinagtaka ko. Tahimik ang bawat kilos nito at tila may iniisip na malalim. What's wrong with this little man?

"Hey," tawag pansin ko sa kapatid. "May problema ba, Harold?" tanong ko sa kanya noong 'di na ako nakatiis pa. He's acting weird. Hindi ako sanay sa inaasal niya. Harold is always cheerful. Twelve years old pa lang ito ngayon at mas matanda ako sa kanya ng sampung taon. "Harold, look at me, may problema ba?"

"Ate," aniya at tiningnan ang pintuan ng kusina. Kaming dalawa lang kasi ang narito ngayon. Nasa kuwarto si Papa at nagbibihis dahil pinagpawisan na naman ito kanina. Umayos naman ako nang pagkakatayo at tinuon kay Harold ang buong atensiyon. "Ate kasi, may mga taong nagpunta rito kanina."

Napakunot ang noo ko sa tinuran ng kapatid. "Kaibigan ni Papa?" I asked my brother.

"Mukhang hindi. Muntik na nilang suntukin si Papa," mahinang sumbong ng kapatid sa akin. Natigilan ako at hindi makapaniwala sa mga sinambit ni Harold. "Nasa kuwarto ako, ate, kaya naman ay hindi ko narinig ang napag-usapan nila. Pero kitang-kita ko kung paano hawakan sa kuwelyo ng isang lalaki si Papa kanina."

"Sigurado ka ba riyan sa mga isinusumbong mo sa akin, Harold?" Nanginginig na tanong ko sa kapatid. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao noong marahang tumango ang kapatid. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at hindi na ako nagsayang ng oras. Mabilis akong kumilos at pinuntahan si papa sa kuwarto niya. Agad akong kumatok sa nakasarang pinto habang tinatawag ko ito.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon