CHAPTER 17

47.2K 1.9K 217
                                    

Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko.

Hindi ako makapaniwalang ginawa sa akin ito ni Adam! Damn that man! Pagkatapos ko siyang tulungang gumaling sa loob ng limang buwan, ikukulong niya ako sa silid na ito! Ayos ah! Napasabunot na lamang ako ng buhok at marahas na napahugot ng isang malalim na hininga. This is so fucking unfair!

Mayamaya lang ay natigil ako sa paggalaw at napaayos nang pagkakatayo noong makitang bumukas ang pinto ng aking silid. Segundo lang din ang lumipas ay bumungad sa akin ang mukha ni Orly at may dala itong tray ng pagkain. Humalukipkip ako at nagtaas ng isang kilay sa lalaki.

"Your meal, Miss Del Monte," kaswal na wika nito.

Napairap ako sa kanya. "What the hell is happening? Bakit niyo ako kinulong dito?" galit na tanong ko at sinamaan ng tingin ito. Hindi sumagot si Orly. Bagkus ay tahimik lang itong naglakad patungo sa mesang naroon sa silid at inilapag ang pagkaing dala.

"Eat, Miss Del Monte," aniya na siyang lalong nagpagalit sa akin.

"Where's Adam? Let me talk to him! Hindi niya ako puwedeng ikulong dito!" sambit ko, hindi pinansina ng pagkaing dala nito para sa akin.

"For once, sundin mo ang young master. Ito ang ma makakabuti para sa'yo, Miss Del Monte. Hangga't hindi ka pa magiging ligtas sa labas ng mansyon na ito, you'll stay here with him." What the hell? So, wala talaga siyang balak na palabasin ako sa lintek na lugar na ito! "Santiago's men are all over Sta. Barbara now. Kahit gustuhin man ni young master na umuwi ka na sa pamilya mo, he can't do that right now. You helped him recovered fast kaya naman ngayon ay siya naman ang tutulong sa'yo, Miss Del Monte," mahinahong paliwanag ni Orly sa akin. Napanganga ako at hindi nakapagsalita sa harapan ni Orly. "Don't think too much, Miss Del Monte. He's only doing this for your safety kaya naman ay sundin mo na lamang ito."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga. "Is he always like this?" wala sa sariling tanong ko dito. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito sa naging tanong ko sa kanya.

"Like what exactly, Miss Del Monte?" he calmly asked.

"I don't know. I... I just don't like him being around... me."

"You do?" he curiously asked me. "I bet you don't, Miss Del Monte. Those people who doesn't like young master are his enemy. In your case, you're not an enemy," marahang wika ni Orly. This time, ako naman ang napakunot ang noo. "He's a good man, Miss Del Monte. Otherwise, I won't serve him this long."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili lang akong nakatayo sa puwesto ko. Mayamaya lang ay nagpaalam na rin si Orly sa akin at lumabas na sa silid ko.

I sighed. Fine! I don't hate him, okay? I'm just not comfortable when he's around! My reason? Damn, fuck my reason! Bahala na nga!

Mabilis na lumipas ang araw. It's been two days simula noong hindi ako nakalabas sa kuwarto ko. At sa loob ng dalawang araw, tanging si Orly lang ang nakakasalamuha ko. Hindi na rin ako naglakas-loob na magtanong pa sa kanya ng kung anu-ano. Nagpupunta lang din naman ito sa silid ko para ibigay sa akin ang pagkain ko. I don't want to talk to him. I just stared at him blankly hanggang sa lumabas na itong muli sa silid na kinaroroonan ko. Ni banggitin nga ang pangalan ni Adam Zamora ay hindi ko na ginawa pa. Pakiramdam ko kasi ay mapagsasabihan na naman ako ng kung anu-ano ni Orly tungkol sa pinakamamahal na young master nila.

At sa nagdaang dalawang araw na lumipas, walang gulong naganap sa mansyon ng mga Zamora. I was even thinking na kausapin na si Adam tungkol sa pag-alis ko rito. Mukhangs ligtas na rin naman ako kung sakaling umalis na ako dito. At sana, sana pumayag na siya!

Wearing sa simple shirt and jeans, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng higaan ko. Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto ng silid at marahang pinihit ang doorknob nito. Kusang nanlaki ang mga mata ko noong mapagtantong hindi na ito naka-lock! Oh my God! It's freaking open! Kailan pa?

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon