CHAPTER 23

45.9K 1.7K 124
                                    

FIVE YEARS AGO.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha mong lalaki ka!"

Inis akong tumayo at lumayo sa harapan ng computer at nakasimangot na nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang isang unan ko at doon isinigaw ang lahat nang inis na mayroon ako ngayon. "Oo, guwapo ka pero sinungaling ka rin! Nakakainis ka!" naiiyak na sambit ko at naupong muli. Galit kong tiningnan muli ang monitor ng computer ko at bumungad na naman sa akin ang picture na kanina ko pa kinaiinisan. "Kainis talaga! Mukhang anghel pa iyang kasama mo! Maganda, mayaman at mukhang kaedaran mo lang!" Naiyak na talaga ako. Ang sama-sama nang loob ko ngayon!

It's been five years since Adam and his family left the country. Kung tama ang mga impormasyong nakalap ko sa loob ng limang taon, nagkaproblema ang kompanya nila sa ibang bansa kaya naman ay lumuwas ang buong pamilya nito. Well, taga-roon naman talaga ang mga Zamora. Originally, they were from states talaga. At ngayong nakabalik na ang mga ito sa tunay na bansa nila, mukhang wala na silang planong bumalik dito sa Pilipinas. Mukhang nakalimutan na talaga ako ni Adam!

"Five years. Five years mo na akong pinapaiyak, Adam! I hate you!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak na talaga ako. "Nakakainis ka! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin noong aalis na kayo tapos ngayon, pagtapos mong magpa-miss sa akin, ito pa ang makikita ko?"

Nagpapadyak na ako sa kama ko. Galit na galit ako kay Adam pero mas matindi ang galit ko sa sarili. "Pucha, naman Belle! Hindi mo naman boyfriend iyang iniiyakan mo!" sermon ko sa sarili na siyang lalong nagpaiyak sa akin. This is insane! Frustrating! Nasisiraan na yata ako! "Kapag crush, crush lang dapat, Belle. Kaya ka nasasaktan, e!"

Napasubsob na ako sa unan ko at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

I was only seven when I first met that guy. Adam Zamora. Ang nag-iisang anak at taga-pagmana ng Zamora's Empire na ayon kay Papa ay literal na empire iyon. Mayaman ang pamilya nila Adam. Mas mayaman sa kung anong mayroon kami ngayon. Bagong lipat ang mga Zamora sa exclusive village na tinitirahan namin. And my father, being the president of the homeowners, he prepared a welcome party for the Zamora.

"This is my eldest daughter, Belle." Pakilala ni Papa kay Mr. Zamora. Ngumiti ako sa matandang Zamora at kumaway pa. I'm good at this. Meeting people way older than me. I was trained by my parents to socialized. Mas mainam na daw na hangga't bata pa ako ay marunong na akong makisalamuha sa iba.

"Hello there, young lady. How old are you?" Magiliw na tanong ni Mr. Zamora sa akin.

Nginitian ko pa ito bago sumagot sa kanya. "I'm seven years old po," magalang na sagot ko sa kanya.

"Oh, seven? My son is only fifteen. Not bad for eight-year gap, huh?" Nakangising sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Hindi ko makuha ang ibig sabihin ng mga tinuran nito. Eight-year gap? What does even mean? Napatingin ako kay Papa at namataan ko ang pag-iling at pagtawa nito sa tinuran ni Mr. Zamora. Mayamaya lang ay nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na pinansin pa ang tinuran nito kanina.

"Oh, come on, love! They're still kids! Stop playing cupid. Your son will surely roll his eyeballs on you!" Natatawang suway ng asawa nito sa kay Mr. Zamora at marahang tinampal ang balikat nito. Maging sila Mama and Papa ay natawa rin kaya naman ay napangiti na lamang ako. Kahit na wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila, nanatili pa rin akong nakangiti habang nakikisalamuha sa kanila.

"This kid is a living sunshine, love. Adam will surely love this pretty young lady here," dagdag pa ni Mr. Zamora. Living sunshine? Ako ba ang tinutukoy nito?

"I think that's a compliment, Mr. Zamora. Pero tama ang asawa mo, they're still kids. We don't know what will happen in the next few years. They still have a long way ahead." Nakangiting saad ni Papa at marahang hinaplos ang mahabang buhok ko.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon