CHAPTER 28

40.6K 1.5K 35
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Isang linggo na mula noong makabalik kami sa dating bahay namin. At isang linggo na rin akong nakakulong sa bahay na ito.

Pagkatapos nang encounter namin ni Adam sa mini-park ng village ay hindi na ako lumabas ng bahay. Idinahilan ko na lamang kay Papa na masama ang pakiramdam ko. Na gusto ko lang magpahinga. Pero alam kong hindi naniniwala ang ama ko sa mga dahilan ko sa kanya pero kagaya nang palaging ginagawa nito, he'll understands me. Kahit wala ng sense ang mga pinagsasabi ko, still, he believed it. Dahil sinabi ko, naniniwala si Papa.

I sighed for the nth times, and I was about to close the book that I was reading for today when I heard a strange noise on my room's door. Napakunot ako ng noo at tumayo mula sa kama ko. Nakapaa akong naglakad patungo sa pinto at maingat na inilapat ang tenga doon.

I know it's weird pero ginawa ko pa rin. Masyado na yata akong na-trauma sa nangyari sa akin sa mansyon ng mga Zamora sa Sta. Barbara. Nagiging ligalig tuloy ako ng wala sa oras!

Mayamaya lang y halos mapatili ako noong biglang kumalabog iyon sa kung saan. Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang doorknob ng pinto at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong nasigurong naka-lock na ito. Mabilis kong hinawakan ang maliit na chain na nakasabit and I double locked it!

Napaatras ako palayo sa may pinto at kabang nakatitig lang doon. What the hell is happening? Kusa namang napabaling ako sa may orasan ko na nakasabit sa dingding ng silid at napanganga na lamang noong makitang alas tres pa lamang ng hapon. Papa and Harold are not yet around! Nasa school pa si Harold at tiyak kong hinihintay pa ito ni Papa roon! Oh my God!

Kung wala sila sa bahay ngayon... then, may ibang taong sa labas ng silid ko! Shit!

"Open the door, Princess."

Napako ako sa kinatatayuan noong makarinig ng isang 'di pamilyar na boses sa labas ng kuwarto ko. Napapikit ako at muling napaatras. Confirmed! May ibang tao nga ngayon sa bahay namin maliban sa akin!

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kama ko at hinanap ang cellphone ko. I immediately dialed my Papa's number pero hindi ito sumasagot! It just kept on ringing! Oh my God! "Papa, please, answer my call!" bulalas ko at muling tinawagan ang ama.

Nanginginig na ako dahil sa kaba. I kept on dialing my father's number noong biglang isang malakas na kalabog sa pinto ang siyang nagpatigil at nagpatili sa akin. Nabitawan ko ang cellphone na hawak-hawak at takot na tumitig na lamang sa nakasarang pinto ng silid.

"Open this goddamn door, Belle Del Monte!" sigaw ng taong nasa labas ng kuwarto ko at pilit na binubuksan ang pinto.

Napapikit ako at mabilis na dinampot muli ang nabitawang cellphone. Akmang tatawagan ko na sanang muli si Papa noong mabilis akong natigilan. Napahawak agad ako sa ulo dahil nakaramdam ako bigla nang pagkahilo. Damn. Perfect timing! Ngayon pa talaga?

Muling kumalabog ang nakasarang pinto ng silid ko kaya naman ay pinilit kong kinalma ang sarili. I need to think a way para makalabas dito. I can't stay here! Kailangan kong makaalis dito! Mayamaya lang ay tiyak kong masisira na ng lalaki ang pinto ng silid ko!

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at mabilis na nag-isip nang paraan para makaalis sa silid. Napatingin ako sa bintana 'di kalayuan sa akin at wala sa sariling napatango na lamang. Naikuyom ko ang mga kamao at kahit nanghihina, tinakbo ko ang distansya nito mula sa kama ko. Napabaling ako sa pinto ng silid ko na ngayon ay halos gibain na ito ng kung sino mang nasa kabilang parte nito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling binuksan ang nakasaradong bintana.

I need to escape from here!

Napakagat ako ng labi noong makita kung gaano kataas ang kinaroroonan ko. Nasa pangalawang palapag lang ang kuwarto ko, but hell, ang taas pala nito! Napapikit ako at inangat na ang sarili.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon