CHAPTER 16

48.7K 1.8K 116
                                    

Napapikit ako noong marahang binuhat ako ni Adam paalis sa ilalim ng shower. Ni hindi ko nagawang magprotesta sa ginawa niya kahit na sobrang lakas na ang tibok ng lintek na puso ko. I stayed quiet and let him carry me.

Mayamaya lang ay pinaupo na niya ako sa gilid ng bathtub at inabutan ng tuwalya. "Lalabas na ako. Fix yourself. After that, we'll talk." He calmly said to me. Nakayuko pa rin ako at nanatiling tahimik sa puwesto ko. Hindi ko nagawang magsalita man lang kaya naman ay kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko. Ilang saglit pa'y narining ko ang pagbuntonghininga nito at walang ingay na lumabas ng banyo.

"Fuck," mahinang mura ko sa sarili at napapikit na lamang. What the hell just happened? Mahina kong tinampal ang noo at tumayo na mula sa pagkakaupo sa gilid ng bathtub. Maingat kong inihakbang ang mga paa at naglakad tungo sa may lababo kung saan naroon ang salamin ng banyo. Walang emosyon kong tiningnan ang itsura at napailing na lamang noong maalala ang ginawang pag-iyak at pagsigaw kanina. "This is so fucked up," mahinang turan kong muli at nagsimula nang ayusin ang sarili. Pinahid ko sa basang mukha ang hawak-hawak na tuwalya at napabuntonghininga na lamang muli.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay buong tapang akong lumabas sa silid ko at nagtungo sa kuwarto ni Adam. Hindi ko na pinansin ang mga mapanuring mga titig ng mga tauhan ni Adam at dere-deretso na lamang akong pumanhik sa pangalawang palapag ng mansyon. Noong nasa tapat na ako ng silid ni Adam, agad akong pinagbuksan ng pinto ng dalawang bantay na naroon at walang ingay na pumasok na sa silid ng taong pakay ko.

Nadatnan kong seryosong nag-uusap si Adam at Orly. Parehong nakatayo ang mga ito habang parehong seryoso sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Tumikhim ako upang makuha ang atensiyon ng dalawa.

Kunot-noong bumaling si Adam sa akin at noong namataan niya ako ay agad nawala ang pagkakaseryoso nito. "Make it fast, Orly. We can't afford to lose our men again," seryosong utos ni Adam sa kay Orly. Tahimik na tumango ito at tinalikuran ang amo. Nagsimula na itong maglakad patungo sa pinto at noong napadaan ito sa akin ay isang tango lang ang binigay niya sa akin at tuluyan na itong lumabas. Leaving us, Adam, alone. In this freaking room! Again. Napangiwi ako at umayos na lamang nang pagkakatayo sa puwesto ko. "So, you're done crying?" he asked then walked towards his bed.

"Kailan ka pa nakatayo at nakalakad nang ganyan? Hindi ka na ba nahihirapan sa pagkilos mo?" I asked him. Tumigil ito sa pagkilos at tumingin sa gawi ko.

"Just earlier," he simple answered.

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "You mean noong-"

"Yes." Putol niya sa dapat na sasabihin ko.

Napakurap ako at napailing na lamang sa narinig mula sa kanya. "What the hell, Mr. Zamora? So, pinilit mo lang makatayo kanina? Binigla mo na naman ang sarili mo! I thought you're fully recovered!"

"I am fully recovered, Miss Del Monte. Sadyang kanina lang ako tumayo at lumabas sa silid na ito," anito na siyang ikinatigil ko. What the hell? "I know I am healed now. Maayos na ang katawan ko at kaya ko nang maglakad ng hindi nahihirapan kagaya sa nangyari kanina." Hindi ako nakaimik. Nakatingin lang ako kay Adam habang nagsasalita. "I wanted to tell you about this, hindi lang ako makatiyempo. Alam kong nag-aalala ka pa rin sa kalagayan ko but, Belle, I'm fine now. I managed to stand and walk. I even carry you earlier. Now, I'm more convinced that I can handle myself."

Napakurap na lamang ako at mahinang humugot ng isang malalim na hininga. He can handle himself now. Maayos na ang lagay nito. Maayos na. "So, I'm done here," mahinang sambit ko, tamang maririnig lamang niya sa kinatatayuan nito. Segundo lang ay namataan ko ang pagkunot ng noo ni Adam Zamora. Mayamaya pa'y biglang nagdilim ang ekspresyon nito sa mukha habang nakatingin sa akin. Marahil ay ngayon niya lang naintindihan ang mga katagang sinambit ko. "Magaling ka na. Nakakalakad ka na nang maayos at mukhang hindi mo na rin kailangan pa ng taong aalalay sa'yo sa lugar na ito. My job is done here, Mr. Zamora."

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon