CHAPTER 25

43.7K 1.6K 41
                                    

Sa kagustuhan kong matakasan ang sakit na mayroon ako noon, kinalimutan ko ito. I totally forgot about it for five years and now that I remembered everything, hindi ko na alam kung kakayanin ng Belle ngayon ang sakit na ito.

"Open your eyes, Belle."

No! Hindi ko gagawin iyon, Adam. I don't want to do it, damn it!

"Belle, please," sambit muli nito.

I don't want to see you! Bahala ka riyan, Adam Zamora! Hindi ko imumulat ang mga mata ko hangga't nasa iisang silid kami ng lalaking ito!

Seconds passed; I heard him sighed kaya naman ay naging alerto ako. "Fine. I understand you. I'll leave you alone... for now," he gently said then finally leave the room. Narinig ko pagbukas-sara ng pinto kaya naman ay napanatag na ako. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang imulat ang mga mata. Napatitig muna ako sa puting kisame ng silid bago magdesisyong bumangon at maupo.

"It's good to see you're doing fine now, Belle."

Nanlaki ang mga mata ko at marahas na bumaling sa pinanggalingan ng boses. Fuck! What the hell? Bakit nandito pa rin ito? Napakurap ako at wala sa sarili akong napatingin sa pinto ng silid. Napaawang na lamang ang mga labi noong makitang nakasara nga ito pero hindi siya lumabas kagaya nang inaasahan ko. Damn! Naisahan na naman ako ng lalaking ito!

"Leave. I want to rest." I coldly said then lay down again. Inayos ko ang kumot sa katawan at ipinikit muli ang mga mata.

"Belle, let's talk." Nagtalukbong ako ng kumot at hindi umimik. "Belle."

"Wala tayong dapat pag-usapan pa, Mr. Zamora. Ako ang kusang umalis sa mansyon, 'di ba?" pigil luhang sambit ko habang nakatalukbong pa rin ang kumot sa buong katawan ko. Mas mabuti na ang tungkol sa mansyon ang maging topic namin ni Adam. Hindi ko siya kayang harapin bilang Adam na parte ng nakaraan ko. Not now. Hindi ko pa kaya!

"Belle-"

"Stop it!" Nauubusan nang pasensiya kong sambit dito at naupong muli. Matapang kong sinalubong ang mga titig nito sa akin. Ikinuyom ko ang mga kamao para mapigilan ang mga emosyong biglang umapaw sa kalooban ko.

Memories from my past flooded my head.

The accident. My mom. And how I lost my memories and feelings towards this man. How I lost myself because of him. Lahat ng mga nawala sa akin noon ay biglang bumalik sa akin.

"I'm done with you, Mr. Zamora," matapang na sambit ko rito. "Leave me alone."

"I can't," mahinang sambit nito habang matamang nakatitig na rin sa akin. "I can't do that, Belle."

"What?" Napaawang ang labi ko sa narinig.

"I won't leave you again, Belle."

Say what? Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. Akmang magsasalitang muli ako noong biglang bumukas ang pinto ng silid.

"Ate!" Mabilis na tumakbo papalapit sa akin ang kapatid ko. Sumunod dito si Papa at si Don Zamora. Napakagat ako ng labi para mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Mabuti na lang talaga ay nandito ang kapatid ko. Agad ko itong niyakap at tinago sa ibang taong nasa silid ang emosyong mayroon ako ngayon. "Ate, hindi ako makahinga," angal ni Harold kaya naman ay pasimple akong natawa sabay punas ng mga luha ko.

"I missed you, Harold," mahinang sambit ko sa kapatid at ginulo ang buhok nito. Ngumisi si Harold at niyakap ako sa bewang.

"Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Papa at lumapit sa akin.

Tiningala ko ito at tipid na nginitian. "Medyo maayos na po, Papa. Nakakaupo na po akong mag-isa," imporma ko sa ama.

"That's good to hear, Belle," anito at binalingan ang dalawa pang kasama namin sa silid. "Adam and Don Zamora are here. They wanted to talk to you," maingat na dagdag nito.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon