CHAPTER 3

62.7K 1.9K 85
                                    

Isa-isa kong tiningnan ang laman ng folder na ibinigay sa akin kanina. Tila nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang laman nito.

Mga larawan ito ng apo ni Don Zamora. Maging ang medical records nito ay nasa loob ng folder! Tahimik kong binasa ang mga nasa papel at noong may napansin kang hindi normal sa mga records niya, napakunot ang noo ko. "Anong klaseng aksidente ang nangyari sa kanya?" mahinang tanong ko habang matamang tiningnan ang bawat pahina. Grabe naman kasi ang dinanas ng taong ito! Ilang surgeries ang ginawa sa kanya? At ngayon ay mukhang na-coma pa!

"Hindi mo na kailangan pang malaman, Miss Del Monte," mariing sambit ni Don Zamora na siyang nagpaangat ng tingin ko sa kanya. "Just be his personal aid. When he recovers, you're done. Bayad na rin kayo sa utang niyo sa akin."

Napaayos ako nang pagkakaupo sa tinuran ng matanda. Seryoso si Don Zamora habang sinasabi ang mga katagang iyon. Mukhang totoong mawawala na ang utang ni Papa kapag pumayag ako sa kondisyong ito nito! I took a deep breath and tried to concentrate. Base kasi sa medical records ng pasiyente, matatagalan ito bago tuluyang makarecover. And it only means na matatagalan ako sa trabahong inaalok ni Don Zamora sa akin.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. "Paano ang pamilya ko?" I asked him without losing an eye contact.

"My men will take care of them. Hindi sila mapapahamak hangga't ligtas at buhay ang apo ko," mariing wika nito na siyang nagpalunok sa akin. Hindi ako nakakibo at nag-iwas na lamang ng titig kay Don Zamora. "We have a deal now, Miss Del Monte. Bukas ay darating na si Adam. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin sa pamilya mo. Pero dapat mong itatak diyan sa isipan mo na dapat ay walang makakaalam sa gagawin mo. Kahit ang pinakamamahal mong ama at kapatid. Afterall, this is our little secret, Miss Del Monte."

"Hindi po ba illegal ito, Don Zamora? Hindi po ako totoong doktor. Paano kung-"

"I told you already, Miss Del Monte. We don't need a real doctor here."

Tulala lang ako at walang imik hanggang sa makabalik kami sa ospital. Kasama ko pa rin ang dalawang lalaki na siyang nagsilbing taga-bantay ng bawat kilos ko. I silently sighed. Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok sa kwarto ni Papa. Naabutan kong tahimik na nakaupo sa tabi nito si Harold. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. I smiled when Harold saw me. Agad na tumayo ang kapatid ko at tumakbo palapit sa akin.

"Ate!" ani Harold sabay yakap sa bewang ko. Hinawakan ko ito sa ulo at marahang hinaplos ang buhok nito.

"How's Papa?" maingat na tanong ko sa kapatid at naglakad palapit sa aming ama.

"Hindi pa rin siya nagigising, ate," sagot ni Harold na siyang ikinatango ko na lamang. Naupo kami sa upuang nasa gilid ni papa. Malungkot ko itong pinagmasdan at hinawakan ang kamay nito.

"Harold, aalis muna si ate," wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa walang malay na ama. "Ikaw lang muna ang bahala kay Papa habang wala ako sa tabi niyo."

Hindi ko alam kong ano ang magiging set-up ko habang inaalagaan ang apo ni Don Zamora. Hindi ko alam kung puwede akong umalis sa mansyon para dalawin ang pamilya ko.

"Saan ka pupunta, ate?" takang tanong ni Harold sa tabi ko. Binalingan ko ito at malungkot na nginitian.

"Gagawa ako ng paraan para maging maayos ulit ang buhay natin. I'll do everything for our family, Harold. Take care of Papa and just trust me. Can you do that, hmm?" Hinaplos ko ang mukha ng kapatid ko. Seryoso itong nakatingin sa akin at bumaling sa pintuan kung nasaan ang dalawang lalaki.

"Sila ba ang dahilan kung bakit aalis ka, ate?" mariing tanong ni Harold habang masamang nakatingin sa dalawa. Umiling ako sa kapatid at hinawakan ang baba nito para bumalik sa akin ang buong atensyon nito.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon