Chapter 42

34.5K 1.1K 26
                                    

Kinalma ko muna ang sarili bago pinindot ang open button ng elevator. Hindi ko alam kung ano at sino ang maabutan ko sa silid. All I wanted to know right now is Adam's condition!

Pagkabukas ng pintuan ng elevator, matapang akong humakbang at tinungo ang pasilyo papunta sa silid ni Adam. Bahagyang kumunot ang noo ko noong makitang may dalawang bantay ang naroon. They're wearing same clothes with Adam's men kaya hindi ko matukoy kung kalaban ba ang mga ito o hindi.

Noong makalapit na ako nang tuluyan ay agad na kumalampag ang dibdib ko. These men are not Adam's guards! Damn it!

"Goodmorning," natural na binati ko sa dalawa at nginitian. Damn! Nasaan sila Orly? I sighed first bago humakbang muli. Hindi ko na pinansin ang presensya ng dalawa at tinungo ang pintuan. Ngunit bago ko pa mahawakan ang handle ng doorknob, hinarang na ako ng isa sa lalaking nagbabantay ngayon.

"You can't enter this room, doctor," malamig na turan nito. Napataas ako ng kilay dito at pilit na kinalma ang sarili. I need to act normal here! Normal! Hindi maaring makitaan nila ako ng kahit kaunting takot man lang.

"Why?" tanong ko dito. "I'm here for the patient's morning routine check up."

"You can't, doctor," ulit nito.

"Stop fooling around, mister. I've been doing this for two consecutive days," ani ko at namewang sa harapan nito. "Looks like na pareho kayong bago dito. Tama ba ako? Now, where's Orly? Siya ang kakausapin ko."

"He's not here," the man coldly answered.

"Then let me in," matigas kong sambit nito. "You can't stop me here, mister. Let me in then we're done."

"You..."

"Oh, come on," sambit ko sabay irap dito. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Hinawi ko ang lalaking nasa harapan at mabilis na pinihit ang doorknob. Saktong pagkabukas ko ng pinto ay agad naman akong hinawakan nito sa braso na siyang ikinatigil ko sa paghakbang papasok ng silid.

"You stubborn, doctor," rinig kong sambit ng lalaki pero wala na dito ang atensiyon ko. Napako ako sa kinatatayuan habang nakatingin kay Adam na nakaupo sa higaan nito. Orly was inside the room, too! Nakaluhod ito sa tabi ng hospital bed ni Adam habang may baril na nakatutok sa ulo nito! Oh my God!

Lahat silang nasa silid ay napatingin sa gawi ko. Kita kong nanlaki ang mga mata ni Adam noong mamataan ako sa pintuan. He sighed then closed his eyes.

"What the hell is happening here?" gulat na tanong ko noong itinulak ako ng lalaking humawak sa braso ko. Mabilis niya akong ipinasok sa silid at inilocked ang pintuan sa likuran namin.

"And who are you people?" galit na tanong ko sa lalaking nakatutok ng baril sa ulo ni Orly. The guy holding a gun just smirked at me. At halos mawalan ako nang balanse noong humarap sa akin iyong lalaking nakatayo sa harapan ng kama ni Adam.

"Hello there, doctor," he smirked at me.

"Kuya Stanley?" hindi makapaniwalang sambit ko habang pinagmamasdan ko ito. Nagpakurap-kurap ako ng ilang beses. This can't be happening! Nangako sa akin si Kuya Stanley na hinding-hindi siya magiging kaaway ni Adam kahit ano mang mangyari! "Anong kalokohan ito, Kuya Stanley?" sigaw ko dito.

"This is interesting," sambit ng lalaki habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Hanggang ngayon ba naman ay ikaw pa rin ang personal doctor ni Zamora?"

Natigilan ako sa sinabi nito.

"Nice to see you again, Miss Doctor. But sorry to disappoint you, I'm not my brother," ngumisi muli ito. "I'm not Stanley, dear."

Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Ano raw?

"A-anong..."

"Tie her," mabilis na utos ng lalaking nagsabing kapatid niya daw si Kuya Stanley. Agad namang sumunod iyong lalaking nagpasok sa akin sa silid at hinila ako papunta sa sofa at pinaupo roon. Hindi na ako nakaangal pa noong itali ang mga kamay ko sa likuran ko. Bigla akong nawalang nang lakas dahil sa mga nangyayari. Damn! He's a Perez, that's for sure! At kung aalalahanin ko nang mabuti iyong mga sinabi ni Kuya Stanley sa akin noong huli naming pag-uusap, tiyak na ito na iyon! Iyong panganib na sinasabi niya sa pamilya niya!

"So, Zamora," narining kong sambit muli noong lalaki sabay baling kay Adam. Maging ako ay napatingin sa kanya at halos hindi ako makahinga nang maayos noong magtama ang paningin naming dalawa.

Adam.

"You really can't remember a thing?" napatingin muli ako sa lalaki at naabutan itong tumango-tango pa habang nasa baba ang kanang kamay nito. "That's sad," aniya at sabay baling sa kinauupuan ko. Napaayos ako sa kinalalagayan. "Well, this girl will die without you, Adam Zamora, remembering her. That will surely a tragic story. What do you think?"

Hindi ko alam pero tila nabingi ako. Ikinurap-kurap ko ang mga mata at muling binalingan si Adam.

"Let the doctor go. Kung ano man ang kailangan niyo sa akin, huwag niyo na siyang idamay pa," malamig na turan ni Adam habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. "If you want my life, then take it."

No!

Umiling-iling ako dito at hindi na napigilan pa ang mga luha. I tried to untie myself pero mahigpit ang pagkakagapos ng mga kamay ko. Damn this! They can't kill him! No!

"Oh," ngumisi ang lalaki sa akin at humakbang papalapit sa kinauupuan ako. Lumuhod ito sa harapan ko at inangat ang isang kamay sa pisngi ko. I frozed. "Our little princess is crying. Why, huh? Dahil ba pinili ng prinsipe ang pakawalan ka kapalit ng buhay niya?" he said while wiping my tears. Agad kong iniwas ang mukha ko dito at mariing kinagat ang mga labi.

"Don't touch her!" galit na boses ang sumabog sa buong silid. Mariin kong ipinikit ang mga mata. "Don't touch her. Just... get whatever you wanted from me and leave her alone."

Tumayo ang lalaki at umalis na sa harapan ko. Nanatili akong nakapikit habang kinakalma ang sarili. Patuloy pa rin ako sa pagkalas sa taling nasa mga kamay ko. I need to be free from this fvcking tie! I need to save him. I need to save Adam!

"She's yours, Adam Zamora," natigilan ako noong marinig kong muli ang boses noong lalaki. "Paano kung siya ang nais ko. Ibibigay mo ba?"

Napadilat ako ng mga mata at kusang bumaling sa kanila. Matalim na nakatingin si Adam sa lalaki samantalang nakangisi lamang ito sa kanya.

"I wanted her," lalong lumawak ang ngisi nito at binalingan ako.

Bigla akong nangilabot sa uri ng tingin nito sa akin. Akmang magsasalita na sana ako para maipagtanggol ang sarili sa walang hiyang lalaking kapatid ni Kuya Stanley noong natigilan ako sa narinig.

"I'll kill you first, Johnson, before having her," malamig na turan nito. "I'll definitely kill you for touching what's mine. I'll definitely kill you for making her cry."

Tawa ng lalaking tinawag ni Adam na Johnson ang pumuno sa buong silid. Bumaling ito kay Adam sabay tutok ng baril sa ulo nito.

"Game over, Zamora. Stop fooling me with you act. Hindi mo ako maloloko sa bagay na ito," seryosong sambit nito na siyang ikinakabog ng dibdib ko. Nakatuon ang atensiyon ko sa hawak na baril nito na nakatutok sa ulo ni Adam ngayon. "Give me the informations and dethrone yourself," mapanganib na wika pa niyo at inilapat ang dulo ng baril sa sintido ni Adam.

No!

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon