CHAPTER 20

46.7K 1.7K 58
                                    

"Wake up, Belle. Please. Wake up."

Nakaramdam ako nang matinding sakit sa likod ko kaya naman ay dahan-dahang napadilat ako. Kunot-noo kong pinagmasdan ang puting pintura ng kisame na siyang bumungad sa mga mata ko.

Where am I?

I tried to move a bit pero napadaing ako dahil hindi ko maigalaw nang maayos ang katawan ko. Masakit ang buong katawan ko! What the hell? Nabugbog ba ako? Mayamaya lang ay natigilan ako noong maalala ang nangyari sa akin.

Nasa barko kami. Nagkagulo. Nahulog ako sa tubig at nalunod ako! Right... I was drowning. Sigurado akong katapusan ko na iyon dahil ni paggalaw ng kamay ko ay hindi ko na nagawa pa kanina.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napangiwi noong makaramdaman ng panibagong sakit sa katawan. Segundo lang din ang lumipas ay muli akong napapikit noong biglang sumabay sa sakit ng katawan ko ang pagkirot ng ulo ko. Damn! I can't remember anything after I fell unto the sea water! Alam kong dapat ay tatalon na ako noon pero dahil sa gulat, aksidente akong nahulo at napasama ang bagsak ko sa tubig. At hanggang doon na lang ang matandaan ng utak ko! What happened to me next? I... tried to swim, right? I tried but I failed big time! Hindi ako marunong lumanggoy!

Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko pero hindi ko iyon magawa. I'm too weak right now. Even my breathing is not normal. Pakiramdam ko ay nasa ilalim pa rin ako ng tubig dagat! Ipinikit ko nang mariin ang mga mata at pilit kinalma ang sarili. I'm safe now. Nakaligtas ako sa pagkakalunod. I'm safe... yes, I'm safe now.

Mayamaya pa'y nakarinig ako ng ingay nang pagbukas ng pinto kaya naman ay napadilat akong muli. Hindi ko magawang lingunin kung sino iyon dahil hindi ko rin maigalaw ang ulo ko. Damn it! I'm seriously in a bad condition right now. My whole body is aching with so much pain! Nanatili akong nakadilat hanggang sa lumapit na akin nang tuluyan ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko ngayon. At noong mamataan ko kung sino iyon, napakurap ako. Segundo lang din ay nakita n anito ang kondisyon ko at noong magtama ang paningin naming dalawa, agad itong natigilan. It was a nurse!

"Miss Del Monte! You're awake!" bulalas nito at mabilis na umalis sa tabi ko. Gusto ko itong tawagin at pigilang umalis pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Fuck! I'm useless! Pagkurap lang yata ang kayang gawin ng lintek na katawan ko! Mayamaya pa'y sunod-sunod na mga yapak ang narinig ko sa silid na kinaroroonan. Mukhang may mga kasama na ang nurse na tumingin sa akin kanina. And I was right, dalawang lalaking doktor ang sumusuri sa akin ngayon habang ang iyong nurse na nakita ko kanina ay nag-aassist sa dalawa.

"Miss Del Monte, can you hear me?" tanong sa akin ng isang doktor. Kumurap ako ng isang beses. Trying to tell him that, yes, I can hear him. "I've heard you're a medical student, so I assume that you know how to answer my questions. Now, can you move a finger?" Dalawang beses akong kumurap. Natigilan ang doktor na nagtanong sa akin.

Mayamaya pa'y ang isang doktor naman ang nagtanong sa akin. "Can you at least open your mouth?" I blinked once then tried to open my mouth. Bahagyang umawang lang ito at agad ko ding itinukom. Masakit ang lalamunan ko. Nanunuyot ito. "Rate the pain, Miss Del Monte."

I blinked twice. Painful. At kung kaya ko lang kumurap-kurap ng maraming beses pa sa dalawa para lang maipabatid sa kanila ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay ginawa ko na! Damn! Can they give me more painkillers? This body pain is killing me!

"Magiging maayos na po ba ang anak ko?" Natigilan ako noong marinig ang boses na iyon.

Papa? Oh my God! That's my father's voice! He's here!

"Yes, Mr. Del Monte. We can say that. Nagreresponse naman po siya kaya naman ay masasabi kong magiging okay na ang anak niyo. Kailangan niya lang magpahinga nang maayos. She's been unconscious for three days kaya naman ay tiyak kong hindi pa makaka-adjust agad ang katawan niya. Masyadong delikado ang pagkakahulog niya sa tubig." Natigilan akong muli. Three days? Three days akong walang malay? Seryoso? "All we need to do now is to hope and pray for her fast recovery. Hindi biro ang aksidenteng kinaharap nito. She was lucky enough to be alive now. If Mr. Adam Zamora was late for a minute, we don't know if what will happened to her."

Napapikit ako noong marinig ang pangalang iyon. So, hindi pala ako namalikmata noong nalulunod ako. He was there. He saved me. Adam helped and saved me.

"Let her rest. Her body needs it."

Hindi ko alam kung ilang araw akong hindi makagalaw. Nanatili lang akong nakahiga. My body was like a dead one. The doctors were visiting me like every two hours. They checked and asked me questions. Kung dati ay kumukurap lang ako sa pagsagot, ngayon ay nagagawa ko nang tumango sa kanila. And with the help of the nurses, nagawa ko na ring maupo. At first, it was so hard. Napapadaing kasi ako sa sakit tuwing may hahawak sa katawan ko. My body was like a dead one, pero sensitibo ito masyado. Pero pagkatapos ng ilang ulit na pagsubok nila sa pagtulong sa aking makaupo man lang ay nainda ko na lamang ang sakit. Yes, the pain was still there, but can tolerate it.

"How are you, anak?" tanong ni papa sa akin. It's been a week since I woke up. Medyo nagagalaw ko na rin ang katawan ko. At kung magtutuloy-tuloy itong mabilis na recovery ko ngayon, marahil ay makakatayo na rin ulit ako at hindi ko na rin kakailanganin pa ang tulong ng mga nurse na palaging nakaalalay sa akin.

"I'm good, Papa." I answered him with a small voice. He's currently feeding me. Mabagal ang pagnguya ko sa pagkaing isinubo nito sa akin.

"That's good to hear," sambit nito at tipid na nginitian ako. Inilapit sa akin ni Papa ang baso ng tubig at pinainom ako. Noong natapos na ako sa pagkain ay tumayo na ito at maingat na inilapag ang hawak na pinggan sa mesang naroon sa tabi ng kama ko. "Don Zamora was here earlier, Belle, kaso tulog ka pa. Gusto ka sana niyang makausap pero mukhang may mahalaga pa itong pupuntahan kaya naman ay hindi na niya nahintay pang magising ka. Siguro'y babalik iyon bukas."

Tahimik lang akong tumango kay Papa. Gusto ko sanang magtanong sa kanya tungkol kay Don Zamora pero hindi ko naman kayang magsalita nang magsalita. I can only say a few words now. Napapagod ang katawan ko. Kailangan kong mag-ingat dahil kung pipilitin ko ang sarili, tiyak na matatagalan ako rito sa ospital. Mas mahirap na mabinat dahil lang sa katigasan ng ulo ko. I should know better. Alam kong dapat na magpahinga ako para mas mapabilis ang paggaling at pag-alis ko sa ospital na ito!

"At habang tulog ka kanina, nag-usap kaming dalawa. Siya na ang bahala sa bayarin natin dito." Naupong muli si Papa sa tabi ko at bahagyang inayos ang magulo kong buhok. "He was thankful because you helped Adam to recover fast, Belle."

Napakurap ako. Adam... Kilala ni papa si Adam?

"Adam?" tanging nasambit ko lang. I wanted to ask my father how the hell he knows that man! And the way he speaks and mentioning their names, mukhang kilalang-kilala ni papa ang mag-lolo!

Natigilan ito sa naging tanong ko sa kanya. Mayamaya pa'y bahagya itong ngumiti at tila ba'y may naalala itong nakakatuwa. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa ama. "Mukhang hindi mo pa rin siya naaalala, anak," anito na siyang nagpakunot lalo ng noo ko. Naaalala? Bakit ko naman siya hindi maaalala? Wala naman akong amnesia, ah! "You don't remember him? Adam was your childhood friend, Belle," anito at inayos ang kumot ko.

W-wait... What? Childhood friend? Si Adam? Adam Zamora?

Napataas ang kilay ko sa tinuran ng ama. Wala akong maalalang nakita o nakasama ko man lang si Adam Zamora noong kabataan ko! Sigurado ako sa bagay na ito! How come na naging kaibigan ko ito noon? That's next to impossible!

"You two were closed back then. You were only seven while he was already fifteen." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. "And believed me, anak, you two were supposed to marry each other when the right time comes... but then things become complicated. Umalis sa bansa ang pamilya nila." Natigilan akong muli. What the hell?

Para akong biglang hinila sa nakaraan dahil sa mga katagang sinasabi sa akin ni papa ngayon.

"He left," marahang sambit nito sa akin. "Without a word... he left, Belle."

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon