CHAPTER 15

50.2K 1.9K 140
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak habang nakakulong sa yakap ni Adam Zamora. Hindi ko na rin alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko noong nailabas ko na lahat ng takot ko sa loob ng ilang buwang pananatili sa mansyon na ito. I just stay there, inside his arms, crying and showing him all my fears.

"You okay now?" I heard him asked. Hindi ako kumibo. Nanatili lamang akong nakayuko, trying to avoid his eyes. Nahihiya ako. Nakakahiya ako sa ginawang pag-iyak sa harapan niya at ang malala pa, niyakap pa niya ako at sinubukang patahanin! Damn, Belle! What have you done?

"Belle-"

"I'm fine now, Adam. T-thank you," mabilis na sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama nito. I need to get out of here... I need to stay away from him! Damn it! Hindi dapat nangyari iyon! Dapat ay hindi ako umiyak kanina! It was my fault! Kasalanan ko ang lahat kaya dapat ay hindi ko na ipinakita sa lalaking ito ang kahinaan ko!

Napalunok na lamang ako at dinama ang masakit na pagtibok ng puso ko. I was scared. A man threatened me earlier. Dapat ay iyon ang nasa isipan ko ngayon ngunit may ibang gumagambala sa akin ngayon! This is not good. I need to stay away from him! Damn me!

Pinagpatuloy ko ang planong paglabas sa silid ni Adam ngunit bago pa ako makahakbang ay agad niya akong pinigilan. Napapitlag ako noong hawakan na naman niya ako sa braso. "I'm sorry," agad kong sambit noong makitang nagulat ito sa naging reaksiyon ko sa paghawak niya sa akin.

"Where are you going?" he asked me. Napaayos ako nang pagkakatayo at matapang na hinarap siya. But I know I'll fail... big time! Lahat ng lakas at tapang na mayroon ako ngayon ay biglang nawala noong magtamang muli ang paningin naming dalawa. I'm really in a big trouble right now! "Answer me, Belle. Saan ka pupunta?" muling tanong nito sa akin.

Napakurap-kurap ko noong marinig ko na naman ang boses ni Adam. Agad akong nag-iwas nang tingin sa kanya at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Pilit kong pinapakalma ang sarili... pati na rin ang masakit na pagtibok ng lintek na puso ko sa dibdib. Damn this feeling!

"B-babalik na ako sa kwarto ko," mahinang sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang mabilis na pagbago ng ekspresyon nito habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "No," he said with finality. "You'll stay here, Belle." Kusang napatingin ako sa gawi niya. His serious face froze me for a second. How come na ngayon ko pa talaga na-a-appreciate ang seryosong mukha nito? Damn me! I really need to get out of this room! Iniyakan ko lang siya kanina at naglabas ng mga sama ng loob tapos naging ganito na ako! I can't believe this!

"I'm sorry, Adam, pero I... I need to rest. At sa kuwarto ko ako magpapahinga. Ikaw din, baka nabigla ang katawan mo. Magpahinga na."

"You're not listening to me again, Belle Del Monte. You'll stay here."

"Adam-"

"Stay." Napaawang ang labi ko. His serious face becomes soft. His eyes, his pleading eyes... damn it! Ano ba! Bakit biglang ganito ang nangyayari sa akin?

"I can't," mahinang wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "I really can't."

Namataan kong natigilan saglit si Adam Zamora. Mayamaya lang ay nakita ko itong napabuntonghininga at ipinilig ang ulo pakanan. "Why?" he gently asked. Natigilan ako. Bakit? Bakit nga ba? Ano ba ang dahilan ko sa pagsuway sa utos nito sa akin? Dahil ano? Dahil sa lintek na pagtibok ng puso ko at dahil sa maraming paru-parong lumilipad sa tiyan ko ngayon habang nakatingin sa mga mata nito? Is that reason even valid? Of course, not! At hinding-hindi ko iyon sasabihin sa kanya! No! "Why, Belle? Tell me your reason then I'll let you go this time," muling tanong niya sa akin.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Bakit... bakit parang may ibang kahulugan ang mga katagang sinabi nito sa akin? Bakit... bakit parang kinurot ang puso ko?

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon