Chapter 38

33.3K 1.1K 38
                                    

Inabutan ako ni Doc Ramirez ng isang basong tubig at ipinainom sa akin.

Nakaupo na ako ngayon sa visitor's chair ng opisina niya samantalang nasa may swivel chair niya ito. Humarap ako sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig.

"I can't tell you the full details, Belle, a few maybe, but I can definitely bring you to his room," marahang sambit nito na siyang ikinatuwa ko. "But don't hope too much, hija."

"Po?" naguguluhang tanong ko dito.

"I'm sorry to say this to you but Adam Zamora is in coma," the words she uttered was like a bomb to me. Para akong nabingi bigla. Ang marahas na pagtibok ng puso ko ang naging dahilan kung bakit hindi ako makahinga nang maayos ngayon.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses at pilit ginigising ang sarili ko.

I've heard her wrong, right? Namali lang ako nang pandinig sa sinabi nito!

"I'm sorry, Doc, pero mukhang mali po yata ako nang narinig," nahihirapang wika ko at napainom muli ng tubig. Nanginginig ang kamay kong inilapag muli ang basa at tumingin sa mga mata ng doktora.

"Belle, Adam Zamora is in coma. It's been three days since the day of his operation at hanggang ngayon ay wala pa ring signs na magigising ito."

"No," halos walang tinig na sambit ko.

"It was the patient's decision to pull out the bullet on his head. Alam niya maaring hindi na siya magising after the surgery but still, he wanted to perform this operation."

Napaawang ang labi ko. A bullet on his head? Don't tell the one I saw when he was still my patient? Oh, my God! That operation is next to impossible!

"C-can I see his medical record?"

"No, Belle."

"Doc, I was his personal doctor when he got that shot! He was in coma too that time! Please, let me see it," nakikiusap kong wika dito ngunit umiling lamang ang doktora.

"I told you, I can't give you the full details, Belle. What's important here is you already knew the situation. Kung naging pasiyente mo rin siya noon, alam mo na ang mga posibleng mangyari sa kanya. All we need is a miracle here."

"Oh my God," bulalas ko at hindi na napigilang mapahagulhol na naman.

Adam Zamora! You're such a jerk! Paano mo nagawa ito sa akin?

"Belle, just tell me if you still want to see him," marahang sambit nito. Mabilis akong tumango dito. "Can you handle it? Hindi ka pwedeng makilala ng mga tauhan ng pasiyente ko. It's their rule. No one should come near his room kung hindi mga doktor o ang lolo nito. Can you stop your tears when you see him?"

Of course, not! But hell, I badly want to see him! Gagawin ko ang lahat ngayon makita lang siya.

Mabilis akong tumango at tinuyo ang mga luha ko. Muli akong uminom ng tubig at pilit na kinalma ang sarili.

After twenty minutes, handa na kami ni Doc Ramirez para puntahan ang silid ni Adam. Nagbihis ako at nagsuot ng doctor's gown. Itinali ko ang buhok at nagsuot ng salamin. Kailangang hindi ako makilala ng kahit sinong tauhan ni Adam. Lalong lalo na si Orly.

Noong nasa elevator na kaming dalawa ni Doc Ramirez ay inabutan niya ako ng isang face mask. Tinanguhan niya ako at mabilis ko itong isinuot.

"Kung maari ay huwag ka na lamang umimik mamaya, Belle. I'll handle the talking. You just need to see him right? I'll just check his vitals, then, we're done there."

"Okay po," sagot ko dito at humugot ng isang malalim na hininga.

Tumigil ang elevator at bumukas ang pintuan nito. Naunang lumabas si Doc Ramirez at tahimik akong sumunod dito.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon