CHAPTER 2

65.6K 2.1K 51
                                    

Sa may hardin kami ng ospital nagpunta. Tahimik at maingat ang bawat galaw ko at noong tumigil na kami sa paglalakad, pinagkrus ko ang dalawang braso sa aking dibdib at masamang tiningnan ang tatlong lalaking nais kausapin ako.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" matapang na tanong ko sa kanila.

"Narito kami para maningil ng utang," sabi noong lalaking kanina pa nakikipag-usap sa akin. Tahimik lang kasi ang dalawang kasama nito, tila nagbabantay lang sa bawat galaw na gagawin ko.

Napakurap ako sa narinig mula sa lalaki. "Utang? Mukha ba akong may utang sa inyo?" sarkastiko kong tanong dito. Wala akong ideya sa pinagsasabi ng lalaking ito. Utang? Kailan ako nagkautang sa kanya? At isa pa, ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nito kaya naman ay imposible iyong tinuran niya kanina!

"Ikaw, wala... pero ang tatay mong nasa ospital na ito, mayroon." Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Napakalas ako ng brasong nakakrus sa aking dibdib at litong nakatingin sa kanya. No way.

"Stop talking nonsense," mariing sambit ko sa kanya. Si Papa magkakautang sa mga taong ito? No. That's freaking impossible! May pera pa naman kami! I still have my trust funds, kaya imposibleng manghiram si Papa sa mga taong ito!

"Hindi ako nagbibiro sa'yo, Miss Del Monte. Malaki ang utang ng ama mo kay Don Zamora kaya naman ay nandito kami para maningil sa'yo."

Napailing ako at pilit na ikinakalma ang sarili. Kahit na hindi alam kong totoo nga ang sinasabi ng lalaking ito, napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanila. "Magkano ba ang utang ni Papa sa inyo?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon. Malakas ang kutob kong nagsasabi ng totoo ang lalaking ito. And he mentioned the name Don Zamora. Kilala ko kung sino ang taong iyon! Isa ito sa makapangyarihang tao ng Sta. Barbara. Malaking gulo pag magkaproblema kami sa kanya!

"Tatlong milyon," he declared.

Napamura ako sa narinig mula sa kanya. Tatlong milyon? Ang laking halaga iyon ah!

"Saan naman gagamitin ni Papa ang ganoong kalaking halaga!" inis na sambit ko habang naiiling na lamang. Mayamaya lang ay natigilan ako sa kinatatayuan ko. Don't tell me nangutang siya para mabawi ang kompanyang naiwan namin sa dating siyudad na tinitirahan namin? Oh God! This can't be happening to us right now! Damn it! "Kailan pa nanghiram si Papa ng pera kay Don Zamora?" mahinang tanong ko sa lalaki, nanlulumo dahil mukhang totoong gagawin nga iyon ni Papa para sa dating kompanya niya.

"Isang buwan na ang nakararaan, Miss Del Monte. At isang buwan lang din ang palugit na napag-usapan nila ni Don Zamora," mahinahong sambit nito sa akin. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. So, pagkarating namin sa bayan na ito, agad na nanghiram ng pera si Papa para maibalik ang kompanya namin. But what happened after that? Anong nangyari sa perang hiniram niya at sa kompanya?

"Hindi ko alam kung anong sasabihin sa inyo." I silently sighed. "Wala pang malay si Papa ngayon. Can Don Zamora wait till my father recover from his operation?" Napakagat ako ng pang--ibabang labi ko. I really don't know what to do. Alam ko na iyong kompanya lamang namin noon ang paggagastusan ni Papa ng ganoong kalaking halaga. And right now, wala akong magagawa kung hindi ang hintaying magising siya para malinawan ako sa lahat na nangyayari ngayon.

"Ilang araw na naming kinukulit ang ama mo, Miss Del Monte. Alam naming wala pa siyang pambayad kaya naman ay si Don Zamora na mismo ang nag-isip ng paraan para naman ay masimulan na niyong mabayaran ang utang niya." Natigilan ako sa sinabi niya. "Kahit paunti-unti, tatanggapin ni Don Zamora."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi maganda ang kutob ko sa inaalok nila. But... what can I do? Sabi pa nga niya kanina, wala na akong ibang pagpipilian pa. Sumama na nga ako sa kanila ngayon para lang hindi na nila gambalain pa si Papa at ang kapatid ko!

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon