CHAPTER 19

44.6K 1.7K 54
                                    

Sa huling pagkakataon, tiningnan ko ang kabuuan ng mansyon ng pamilyang Zamora.

Nasa malayong parte na ako, malapit sa malaking gate nito. Dala-dala ang aking bag, nakatayo ako habang walang emossyong nakatingin dito. Nasa kaliwa ko ang sasakyang magdadala sa akin pabalik sa pamilya ko.

I sighed. "This is what I wanted. Paninindigan ko ito," mahinang sambit ko at napatingin sa pangalawang palapag ng mansyon kung nasaan naroon ang silid ni Adam Zamora. "So, this is my goodbye, Adam," bulong ko at tumalikod na sa mansyon ng mga Zamora. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at sumakay na ako roon. Sa backseat ako nakapuwesto samantalang dalawang lalaki ang nasa harapan. Isang driver at isa pang guard ang kasama ko ngayon. Sila ang magdadala sa akin sa port pabalik sa siyudad. Mahigpit na ipinagbilin ni Don Zamora sa akin na dapat ay umalis na ako ng Sta. Barbara. He even told me earlier through phone call that if I still wanted to see my family, then I need to get hell out of this place. At iyon din naman talaga ang plano ko. Ang makaalis dito sa Sta. Barbara at makasamang muli si Papa at Harold.

Naging tahimik ang naging byahe namin. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana samantalang walang imikan ang dalawa. Napabuntonghininga ako. Umayos ako nang pagkakaupo at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. Ipinikit ko ang mga mata at pinilit ipahinga ang isipan. I'm tired. Physically and mentally. At isa na lamang ang hinihilinh ko ngayon. Sana'y makabalik na ako sa pamilya ko. Tiyak na babalik ang lahat ng lakas na nawala sa akin kapag nakita ko na sila.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatulog. Naramdaman ko na lamang na hindi na pala umaandar ang sasakyan. Marahan akong dumilat at napaayos nang pagkakaupo noong makitang nasa pantalan na pala kami. Sa katunayan ay ako na lamang ang nasa loob ng sasakyan samantalang nasa labas na ang dalawang taga-bantay ko.

Inayos ko ang buhok gamit ang aking mga kamay. Huminga muna ako nang malalim bago napagdesisyunang lumabas na din sa sasakyan.

"Uhmm," pukaw ko sa dalawa. Agad namang bumaling ang mga ito sa akin. "Aalis na ba ang barko?" I curiously asked them.

Hindi nagsalita ang dalawa at tumango lamang sa akin. Napatango na rin ako at walang ingay na sumunod sa dalawa. Wala akong dala ni isa. Iyong isang guard na nasa unahan ko ay hawak ang bag ko samantalang nasa likuran ko naman ang isa na tahimik lang ding nakasunod sa amin. At noong nasa barko na kami, tahimik ko lang pinagmasdan ang alon. Masyadong payapa ito kaya naman ay napasandal ako sa kinauupuan ko at napapikit. This feels so good. Hindi maalon kaya naman ay tiyak na makakatulog na naman ako. Siguro'y aaabot sa apat na oras ang paglalayag namin. I better sleep again.

Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan na lamang makapagpahinga muli ang utak at katawan. Ngunit minuto pa lamang ang lumilipas ay napadilat muli ako. Bigla akong nakaramdam nang kakaiba sa paligid. Napaayos ako nang pagkakaupo at tahimik na pinagmasdan ang paligid. Kunot-noong tiningnan ang bawat pasaherong kasama namin ngayon, maging ang mga staff ng barko na ngayon ay nandito para bantayan kaming mga pasahero.

I sighed. Damn it! Mukhang na-pa-paranoid na ako! This is not good. Sa ilang beses ba naman na palaging may gulo sa mansyon ng mga Zamora ay pakiramdam ko ay kahit anong oras pa'y may panganib na mangyayari sa paligid ko!

"May problema ba, Miss Del Monte?" Napabaling ako sa isang lalaking kasama ko noong magtanong ito sa akin. Marahil ay napansin nito ang pagmamasid ko sa paligid.

Humugot ako muli ng isang malalim na hininga at marahang tinanguhan ito. "I don't know but I felt something strange here." I honestly answered. No need to deny. Nandito at kasama ko sila para sa kaligtasan ko, para ligtas akong makabalik sa pamilya ko. And I'll do everything para matiwasay nga akong makauwi sa kanila!

Seconds passed and the strange feeling I have right now makes me uneasy. Napabaling ako sa dalawa kong kasama at namataang nagkatinginan ang mga ito. Hindi sila nagsila at tila'y nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. Mayamaya pa'y tumango iyong isa at tumayo na mula sa pagkakaupo niya. Walang imik itong umalis at nagsimulang maglibot sa barko.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon