CHAPTER 4

57.7K 2.2K 238
                                    

Maaga pa lang ay handa na ako. Nakasuot lang ako ng simpleng faded jeans and white shirt. Pinusod ko lang ang mahabang buhok ko at matamang nakatingin lang sa nakasarang gate ng mansyon ni Don Zamora.

"Sa tingin mo... magagawa kaya natin nang maayos ang trabahong ito? Matutulungan kaya natin si Adam, I mean, iyong lalaking dadalhin nila sa lugar na ito?" Sa unang pagkakataon, narinig ko boses ni Alison. Napalingon ako sa kanya at napabuntonghininga na lamang.

"I'm here to help the patient. Iyon lang ang gagawin ko kaya naman ay sisiguraduhin kong magagawa ko nang maayos ang trabahaong ito," maingat na sagot ko kay Alison.

"Patient," anito at nag-iwas nang tingin sa akin. Mabilis lang iyon pero napansin ko ang pag-iiba ng emosyon sa mga mata nito. Pain, anger... I don't know, pero may nakumpara ako sa maikling pag-uusap namin ni Alison. Just like me, mukhang walang ibag choice rin itong si Alison kung hindi ang alagaan itong apo ni Don Zamora. Mukhang nasa parehong sitwasyon kaming dalawa ngayon.

Hindi na ako nagsalitang muli at itinuong muli ang paningin sa may gate ng mansyon. Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakatayo noong makitang bumukas na ang malaking gate ng mansyon ng mga Zamora. Humugot ako ng isang malalim na hininga at mariing ikinuyom ang mga kamay. Minuto lang din ang lumipas ay nasa harapan na namin ang isang itim na van na tiyak kong naglalaman kay Adam Zamora.

Hindi ko inalis ang paningin sa sasakyan. Tahimik ko itong pinagmasdan. Mayamaya lang ay mabilis na dumalo ang mga tauhan ng mansyon at nag-abang sa pagbukas ng pinto ng sasakyan. Hindi pa nakakapuwesto lahat ng tauhan ng mga Zamora noong isang naka-unipormeng lalaki ang unang bumaba sa kotse. Nagtungo ito sa pinakalikod ng van at binuksan ang pinto nito pataas. Dahan-dahan, may hinila ito at doon lang ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Agad akong lumapit dito ngunit agad akong natigilan noong makita ang kalagayan ng apo ni Don Zamora.

Napatanga ako sa nakikita. What the hell happened to this man? Buhay pa ba talaga ang isang ito?

"Doctor." Napakurap-kurap ako at napatingin sa lalaking nagsalita. Kita ko ang pagtango nito sa akin kaya naman ay tinulungan ko itong maibaba ng maayos ang kinahihigaan ni Adam Zamora. Ganoon din ang ginawa ng ibang tauhan ng mansyon. Maingat nilang inilapag ang kinalalagyan ng amo nila at dahan-dahang ipinasok sa loob ng mansyon.

Napatingin na lamang sa kanila habang humuhugot na naman ng malalim na hininga. Finally. Nakita ko na rin ang lalaking paglalaanan ko ng oras habang nasa mansyon na ito ako. Adam Zamora... I finally met you.

"Let's go, doc." It was Alison. "Pumasok na rin tayo."

Napangiwi na lamang ako sa narinig mula sa kanya. Doc? Doktor? Ako? Nakakatawa lang kasi pangarap kong matawag ng ganoon pero bakit ang bigat-bigat ng puso ko ngayon? Bakit hindi tanggap nito ang salitang iyon? Kung iba lang ang sitwasyon, tiyak ay matutuwa ako.

Hindi na lamang ako nagsalita. Maingat na tumango ako kay Alison at pumasok na rin sa mansyon.

Naabutan naming paakyat na sila sa magiging silid ni Adam Zamora. Tahimik kaming sumunod doon at noong makapasok na kami sa silid ay agad na tumulong kami ni Alison sa pag-se-set-up ng mga equipment at inayos ang mga tubo na siyang konektado sa halos walang buhay na katawan ni Adam Zamora. Pamilyar sa akin ang ganitong mga senaryo. Napag-aralan ko na ito at nakapunta na rin ako sa iilang kilalang hospital kaya naman ay alam ko kung ano ang tamang gawin sa ganitong sitwasyon. Maingat at tahimik ang bawat galaw ko at tiniyak na walang mali sa lahat nang inaayos ko. At noong nasiguro ko ng nasa tama na ang lahat, nagpaalam ako kay Alison at lumabas sa silid ni Adam Zamora.

"Ito ang mga latest medical exams ni Young Master." Nangunot ang noo ko noong marinig na naman ang salita 'Young Master' mula sa isa sa tauhan ni Adam Zamora, isa ito sa naghatid sa pasiyente rito sa mansyon. Young Master... iyon talaga ng tawag nila sa kanya? Mas lalo tuloy akong nagtaka sa totoong katauhan ng lalaki. Young Master? Sounds like trouble to me. Napailing na lamang ako at walang buhay kong tinanggap ang mga papel na inabot ng lalaki sa akin. "Make sure na ma-mo-monitor niyo oras-oras ang kalagayan ng Young Master. Siguraduhin mong maaalagaan mo ito nang maayos." Tipid akong napangiti sa kanya at tumango na lamang. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Doctora," aniya sabay lahad ng kamay sa akin.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon