CHAPTER 11

51.1K 1.9K 106
                                    

"Belle?" mahinang tanong ni Alison noong nagmulat ang mga mata nito at namataan ako.

Kasalukuyang pinapalitan ko ito ng pang-itaas na damit dahil basa na sa pawis ang suot nito. Hinang-hina ang katawan niya. Bahagyang bumaba na rin ang temperatura ng katawan niya kaya naman ay naging kampante na ako. Akmang tatayo na sana ito mula sa pagkakahiga niya noong mabilis na pinigilan ko ito. "Don't move," matamang sambit ko at inayos ang pagkakasuot ng damit nito. "You need to rest, Alison."

"You don't have to do this, Belle. Sana ay hinayaan mo na lang ako," anito sabay iwas nang tingin sa akin. Inayos ko ang kumot sa katawan niya at marahang naupo sa gilid ng kama nito.

"Hindi ko alam kung ano ang kuwento ninyo ni Adam Zamora kaya naman ay hindi na ako manghihimasok pa. I'm just here because you need me," marahang sambit ko sa kanya.

"I don't need anyone here, Belle," malamig na turan nito na siyang nagpahugot sa akin ng isang hininga.

"Kahit na hindi mo kailangan ang tulong ko, still, tutulungan pa rin kita. That's the primary reason why I'm here in this place, Alison. To save people," wika ko at hinawakan ang kamay nito. "I saw your bruised. Mukhang matagal na ito. Minaltrato ka ba ng mga tauhan ni Adam Zamora o n-napaaway ka rin?"

"Akala ko ba hindi ka magtatanong?" anito sabay baling sa gawi ko. Tipid akong ngumiti at napatango na lamang.

"So... it was because of him." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Kagaya nang sinabi ko sa'yo kanina, hindi ako magtatanong sa kung anong koneksyon mo kay Adam Zamora. Pero kung maililigtas kita sa kapahamakan, wala akong magagawa kung hindi ang makialam, Alison. Nandito na ako. Kasali na ako sa gulo." Nginitian ko itong muli at pinagmasdan ang galit nitong ekspresyon habang nakatingin pa rin sa akin.

"Iligtas mo na lang ang sarili mo, Belle. Iyon na lamang ang maipapayo ko sa'yo," mas lalong lumamig ang tono ng boses nito.

"Gustuhin ko mang gawin ang sinabi mo sa akin, hindi ko iyon magagawa, Alison. Dahil sa oras na umalis ako sa mansyong ito, buhay ng pamilya ko ang malalagay sa alanganin. I'll stay here till Adam's fully recovered. Ikaw din, hindi kita hahayaang mag-isa lang sa lugar na ito."

"Baliw ka na," maikling sambit nito sa akin at ipinikit ang mga mata. Napangiwi ako at hindi na lamang binigyan pansin ang naging komento nito sa akin. Well... maybe she's right. Baliw na nga talaga ako. Napailing ako at muling humugot ng isang malalim na hininga.

"I know you're not his enemy, Alison. I can feel it." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasabi na ang kanina pa bumabagabag sa akin. She's not an enemy. Dahil kung totoong kalaban ito, hindi ko na sana makikita pa ang pag-aalala nito kay Adam noong wala pa itong malay. She cared for him. Sigurado ako sa bagay na ito.

Pinagmasdan ko lang ang reaksiyon ni Alison. Nakapikit lamang ito at hindi kumilos man lang sa kinahihigaan niya. "Nakakalungkot nga lang na humantong sa ganito ang lahat sa inyong dalawa ni Adam Zamora, Ali-"

Mabilis na nagmulat ng mga mata si Alison kaya naman ay natigilan ako sa pagsasalita. Namataan ko ang galit na ekspresyon nito kaya naman naiwan sa era ang mga salitang dapat na sasabihin ko pa sa kanya.

"Wala kang alam," mariin at galit na wika nito sa akin. Hindi ako nakakibo sa kinatatayuan ako at gulat na nakatingin lamang sa kanya. "Itigil mo na ang ginagawa mo, Belle. You can't help me... you... damn, just leave me alone, please."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko noong mabilis akong tinalikuran ni Alison. Napatango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Lumabas na ako sa silid niya at naabutan ang dalawang bantay na tahimik na nakatayo lamang. "Check on her every fifteen minutes. Tawagin niyo agad ako kung may mapansin kayong kakaiba sa kanya," bilin ko sa dalawa at nagtungo na sa kuwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay kinuha ko sa bulsa ang kinuhang envelope galing sa closet ni Alison. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mariing hinawakan ang envelope. Mayamaya lang ay muli ko itong binuksan at inilabas ang laman nito.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon