Chapter 41

34.7K 1K 4
                                    

Hindi ko alam kong tititigan ko ba siya o hindi. Gulong-gulo na ako ngayon ngunit alam kong mas naguguluhan si Adam sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon.

Siguro nga'y maswerte na ako noon na may specific na alaala lang ang nawala sa akin. Unlike him, he lost everything. And that's makes my heart screaming in pain right now. Gusto kong maawa kay Adam pero alam kong hindi niya gugustihing gawin ko iyon sa kanya.

Pinagmasdan ko ito nang mabuti.

Nakaupo lang ito at tahimik na nakikinig sa mga instruction ni Doc Ramirez.

"Are you listening, Mr. Zamora?" tanong ni Doc Ramirez dito. Tamad na tumango ito at hinawakan ang benda sa ulo.

I sighed.

Habang nakatingin ako sa mukha nitong litong-lito sa mga nangyayari, parang pinipiga na naman ang puso ko. Hindi na naman ako makahinga nang maayos dahil sa sakit. Ito rin ba ang sakit na naramdaman ni Adam noong mga panahong hindi ko siya maalala? Ito rin ba ang sakit na naramdaman niya noong hindi ko siya nakikilala noong magkita kaming muli pagkalipas ng ilang mga taon? Dahil kung ito iyon, kung ganitong-ganito iyong sakit, hindi ko maisip kung paano nakayanan ni Adam ang sakit.

Dahil kung ako, kung hindi lang ako kinausap ni Orly kanina, tiyak na tinakasan ko na naman ang sakit na ito. This is too much for me to handle. Too much that all I ever wanted right is to hide and locked myself away from everything. But I think that's being selfish. And I don't want to be like that again.

"By the way, Mr. Zamora, this is Belle," bigla akong napaayos ako nang tayo noong magsalitang muli si Doc Ramirez. "Simula ngayon, siya na ang titingin sa status mo. Araw-araw."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko noong bumaling ito sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa. Those eyes, how missed those eyes.

"Is she professional?" he asked coldly. Gusto kong matawa sa naging tanong nito. I missed this side of him too. Cold, intimidating, dangerous and ruthless. Simula kasi noong bumalik ang mga alaala ko, naging mabait ito sa akin. Sobra. At ngayong nasasaksihan kong muli ang isang pagkatao nito, siguro nga'y tama lang ang manatili ako sa tabi niya. Afterall, this is where I truly belong.

"Of course, Mr. Zamora!" mabilis na tugon ng doktora at binalingan ako. Tumango ito sa akin at nagpatuloy sa pagtatanong ng ilang bagay kay Adam. Noong matapos ito sa daily routine nila, binalingan ako ni Doc Ramirez at may mga ibiniling mahahalagang bagay sa akin. Mayamaya pa'y nagpaalam na sa aming dalawa ni Adam ang doktora.

Walang nagsalita sa aming dalawa ni Adam noong naiwan kaming dalawa sa silid. Nakatingin lang ako sa nakatulalang Adam. I saw him sighed then hold his head again. Tumikhim ako at lakas loob na nagsalita.

"Mas mabuting mahiga ka na, Mr. Zamora. You need to rest more."

Mabilis na bumaling sa akin si Adam habang nakakunot ang mga noo.

"What?" he asked.

"Anong 'what'? I said, you rest, Mr Zamora."

"Who are you?" natigilan ako sa tinanong nito. Nakatitig lang ito sa akin na tila isa akong palaisipan sa kanya. I raised an eyebrow to him. "You're voice..." he slowly said that makes my eyes widen. "I think I've heard it before," aniya pa sabay hawak muli sa ulo nito. "Fvck!"

Bigla akong nataranta noong makitang nasasaktan ito ngayon. Mabilis akong lumapit kay Adam at tinulungang humiga ito nang maayos.

"Don't push it, Mr. Zamora. You need to rest," ani ko at binigyan ito ng painkillers. Nakapikit ito at mariing kinakagat ang mga labi. He's definitely in pain right now! Ilang minuto lang ay kumalma na ito. Nanatili itong nakapikit pero alam kong hindi ito tulog. I sighed then fixed his blanket.

Saving The Beast #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon