Chapter 3

3.9K 94 3
                                    

Chapter 3:Imaginary First kiss


"Falling inlove with someone is easy but staying inlove with someone is another story."

ALESSANDRA'S POV

Nagising ako na parang kinakalukay ang sikmura ko.Agad akong bumangon at tumakbo sa may cr.

"Bwack"Nagsuka na naman ako pero puro tubig lang. Three weeks na akong buntis. At hanggang ngayon hindi pa rin alam dwayne. Maski ng magulang ko.

Pagkatapos kong maisuka lahat ay parang nanlambot ang mga tuhod ko.Naramdaman ko na lang ang pagbigay nun ng may umalalay sakin.

"Ayos ka lang ba anak?"Tanong sakin ni mama.Iginaya niya ako sa kama at pinaupo roon.Umiikot ang paningin ko.

"Ayos lang po mama"

Pagsisinungaling ko. Hindi ko pa kayang sabihin ngayon.Kahit kailan kase hindi pa ako nakapag open kay mama kaya sobrang hirap magsabi ng kalagayan ko ngayon.

Napabuntong hininga naman si mama at may lungkot sa mga mata niya.

"Anak naman.Nanay mo ako,at ramdam ko na may problema ka.Ano ba iyon anak?"Tanong ni mama.

"Wala po yun mama.Ayos lang po ako"Tanggi ko pa rin. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko at nginitian ako.

"Anak...walang masamang magsabi,Andito lang ang mama.Kapag handa ka ng magsabi ng problema mo nandito lang ako.Mama mo ako,wag mong iisiping hindi kita maiintindihan dahil kahit anong mangyari iintindihin at iintindihin kita gaano man kabigat yan"Bigla na lang akong napaluha.

Masasabi mo pa kaya yan mama kapag nalaman mong nabuntis ako ng maaga?Maiintindihan mo kaya ako?O itatakwil mo na ako bilang anak mo.

"S-salamat ma,magsasabi po ako kapag kaya ko na po"

"Naiintindihan ko anak,mabait kang bata.Alam kong hindi ka gagawa ng ikasasama mo at ng pamilya" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.Yeah,mabait akong bata.Sobrang bait ko na nagpabuntis sa murang edad.

Lumabas na rin si mama sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako at napahaplos sa impis kong tiyan.

Kapit ka lang dyan baby. Wag kang bibitaw. Huwag mong iiwan si mama mo huh? Kase ikaw na lang yung lakas ko.

Tumayo na rin ako at nagpunta ng banyo para maligo. Nahihilo pa rin ako pero pinilit kong makapasok.

Naglalakad na ako papasok ng gate ng atakihin na naman ako ng pagsusuka ko. Agad akong naghanap ng basurahan at doon nagsuka.

"O.M.G!Anong nangyari sa kanya?"

"Hindi kaya buntis siya?"

"Are you kidding me?Eh ang bata pa niyan eh"

"Malay mo,maagang lumandi kaya ayan...Hello baby"

"Hay naku,kaya hindi umuunlad ang bansa natin dahil sa mga katulad nila"

"Ang bata bata pa marunong ng lumandi..Tsk tsk"

Pikit mata kong tinaggap lahat ng masasakit na salitang binabato nila sakin. Ayos lang na ako ang laitin nila huwag lang nilang idamay ang pamilya at ang baby ko.

Naramdaman ko ring may humagod sa likod ko. Nang lingunin ko iyon para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Ayos ka lang ba?"Tanong niya sakin.Hindi agad ako nakasagot at tinabig ang kamay niya.

"Mas maayos pa ako kanina nang di ka dumating"

Itinuwid ko ang tayo ko at nagsimula ng maglakad. Napapikit na lang ako ng umikot na naman ang paningin ko. Ganito ba talaga kapag buntis?Haysst.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon